Showing posts with label Taiwan. Show all posts
Showing posts with label Taiwan. Show all posts

Jan 27, 2012

Happiness is... Ang Makapagsuot ng Mala-Igorot na Costume!

Alam kong hindi na lingid sa inyong kaalaman na nagmula sa isang tribo ang asawa ko. Taiwanese siya pero hindi siya yung tipong maputi at singkit ang mata kundi mukha siyang Pinoy. At ayon sa kanila, ang kanilang tribo sa kanunu-nunuan pa ay may kwentong nauugnay sa Pilipinas. Naniniwala silang ang iba sa kanila ay nag-migrate nung mga panahong may lupang tulay pa ang Pilipinas at Taiwan at sila daw ang tunay na Taiwanese kesa mga puti at singkit na galing naman sa Mainland China. Kaya magugulat din kayo sa native language nila na Lukay na katunog na katunog ng salitang Ilocano! Bongga di ba? Kaya nung ginanap ang reception namin, sabi nila, hindi ako nalalayo, ako'y in na in sa tribo! 

Kaya eto, isa sa happiness ko nang pumunta kami sa Taiwan ay ang makapagsuot ng kanilang traditional costume na tunay talagang nahahawig sa ating mga ninunong Igorot. Yun lang, super bigat nyan dahil sa mga borloloy at korona. At ang tanawing bundok na yan, nakakalula sa kagandahan!

The Chen Family
At yan naman ang mga bongga at iba't ibang uri ng kanilang traditional attire.
Isang masayang post para sa paborito kong mga Meme na:
Photobucket


Photobucket

Dec 27, 2011

Bakasyon Update: Hualien Adventure

Isa sa mga layunin naming mag-asawa ang makapunta o makabisita sa mga lugar kung saan nagtatrabaho sila Mama at Papa. At nakita nyo na siguro kung ano ang work ng mother-in-law ko sa unang post ko. Kung hindi pa, basahin dito. Ngayon naman, bisitahin natin ang workplace ni Papa, sa Yu-Shan College and Theological Seminary, sa Hualien ito, tatlong oras na drive mula sa Taitung kung saan nakatira sila Mama at Papa. Nagtuturo siya sa seminaryong ito ng Lukay dialect, exclusively for Lukay indigenous students na nag-aaral dito. Sayang nga lang at wala kaming picture with the students, nasa mga klase kasi. Pero gayunpaman, at least nakapagpicture sa lugar. Itinour kami ni papa habang naghihintay sa oras ng klase nya.

Eto na, simulan na ang slideshow!


Picture kuno kahit hindi aakyat. Yung building na iyon sa taas, yan ang main office ng Yu-shan College and Theological Seminary kung saan nag-papakahasa sa kaalaman patungkol sa Biblia at lipunan ang mga magiging pastor.

Ito naman ang napakagandang tanawing makikita sa harap ng seminaryo. Kaya talaga namang maeengganyo ang mga pastor mag-aral dito.

Ako yan at ang napakakulit kong Papa-in-Law, Chen Zsu-Te

Ang pinsan ni Hubby na si Su-Ning, tagapagturo ng Christian Education sa naturang seminaryo. Teka? Bakit napagkamakata ko naman yata? Haha.

 Pinakialaman ko ang piano sa classroom ni Papa, well, maganda pa din ang tunog. Nakatugtog pa ko ng Amazing Grace. Miss ko na tumugtog. ;(

At yan naman ang Chinese name ko, Chen, Ning Ning. Yan lang din ang alam ko isulat sa Chinese. HEhe.

Ang nagpumilit kuhanan ng litrato sa ganitong pose! Ang kulit diba?

O ito, isa pa.. Kaya nga ba na-inlove ako sa ka-cute-an nyan eh. Aruh!

 Pagkatapos ng visit sa seminary, dumiretso na kami sa Bed and Breakfast House na treat sa amin ni sis-in-law na pagmamay-ari ng kanyang irog na si Hao-En. 



Ayan si Hao En at sobrang pasasalamat kong marunong siya mag-English and very fluent dahil nagmajor pala siya in English noong kolehiyo. Super thank you Hao-En!

This is my sister in law, Roxanne na nagpprepare na for our Barbecue Night!

Waaah! Yan ang dahilan kung bakit ako naggain weight! Pero come on! Yan ang bakasyon na tinatawag! Diet na lang pag-uwi haha.

Ito naman ang kakanin ng mga Taiwanese. Yung nakabalot ay "abay" kung tawagin na gawa sa ground rice at may ilang meat sa loob at yung isa naman ay peanut. Okay lang ang lasa. Yun lang masasabi ko. Hihi.

Sila naman ang mga new friends na nakasama namin sa barbecue night. Once again, marunong mag-english, kasi talagang bihira ang marunong sa kanila. And, newly weds! A month pa lang! 

Dahil isa lang ang dala naming laptop, sobrang tagal bago ako nakapagfacebook. Gusto ko pa sanang magblog ng time na yan kaya lang super antok na ko. ;)

Pagkagising, nakakita ko ng swing! Picture picture syempre! 

Hay nako, syempre may eksena din ang mahal kong asawa. ;)

Picture muna bago umalis papuntang movie house!

At yan na nga ang tickets! Showtime lang at numbers ang naiintindihan ko, kayo ba?

 Sneak ng isang picture habang wala pang lumalabas sa screen. 

Naku, di ko alam to. Healthy food daw yan. Noodles in a chinese herb soup.

Finally back home sa Taitung. Heart pic muna. haha. Love it! Pasasalamat namin sa lahat ng na-experience!
Photobucket

Kwentong Bakasyon: Taitung Adventure!

Ayan, eto na mga sissies! Isa-summarize ko na lahat ng mga pangyayari, kasayahan, at karanasan ko nitong mga nakaraang araw, mula sa pagdating ko hanggang sa makaalis sa Taitung ngayong araw, the second week of December hanggang last week. Narito na kami ulit sa Taipei at sa Saturday ng alas diyes ng gabi dapat nasa Airport na kami. So halos lahat ng mangyayari mula ngayon hanggang sa Sabado ay puro shopping para pasalubong sa mga naghihintay sa Pilipinas at bonding na naming mag-asawa "alone". Oh diba? Nagkaroon din kami ng time mapag-isa. Lilibutin ang mga tourist spots dito na di pa namin napuntahan. Lulubusin na talaga. Kami na yan!

Haha, so! Excited na ba kayo sa mga kwento ko? Well, i-ready na ang mga mata sa pagmasid ng mga larawang talaga namang punong puno ng saya at excitement ng inyong lingkod na si Ningning. Halina't samahan ako. Heto na! Oops, ihiwalay ko na yung pagpunta namin sa seminary at barbeque night with my sister in law ko sa Hualien. Medyo mahaba-haba yun eh. Hihi.

ang pagtatayo ng Christmas Tree with Mama-in-Law (Dec.23 night time)

 Ayan, eto na ung farm pic! Nagsuot talaga kami ng panggamas costume para may thrill!

At syempre, hindi papatalo ang asawa ko. Haha!

Yan naman ang mga niluto namin for the kids sa church. Yummy yan! 

At yan na nga sila na nagsisikain. Mas marami pa kaya lang nalowbat na ko ng dumating sila.

Ito ang araw-araw na buhay ni Mama. Ang magturo at mag-blood pressure check sa mga Senior Citizens sa Taitung County. They are all indigenous. Lukay Tribe ang tawag sa kanila.

After blood pressure check up dinala naman ako ni Mama upang mabisita ang Pinay caregiver na ito. Inaalagaan nya ang mag-asawang estudyante ni Mama sa Center. At take note! Taga-Cavite din siya at Bicol din ang province nya tulad ko! Nice to meet you girl! Ang mga tulad mong nakikipagsapalaran sa ibang bansa ay hinahangaan ko.

Pagkatapos ng sandaling visit ay bumalik sa center at noon nga'y nag-eehersisyo na sila. Pumicture muna ko siyempre at sumaling mag-exercise.

Singing time with their teacher! I am so proud of my mother-in-law. She's not only giving her time and service to this people, but also with the kids in church. Kaya nga talaga namang binibless din siya ni Lord. 

Bitin? Wait.. there's more! Ngayon din ang blog. Abangan sa kaunting sandali.

Photobucket

Dec 23, 2011

Bakasyon Update: Pagbisita sa Farm at Church

Mga Sissies! Pagpasensyahan nyo na kung very late ang mga update ko. Once again, i-special mention ko ulit si Krizza sa kanyang bonggang bonggang bakasyon update na talaga naman nakaka-inspire, I promise. Pagpasensyahan nyo na din kung wala muna sa ngayong mga pictures ang post na ito sa kadahilanang jusko po, napagkatagal maghintay uploading. Haha.

So, eto na simulan ko sa panahong bumisita kami sa farm ng mga in-laws, na taniman ng mga root crops katulad ng kamote, gabi, ube, mani at kung anik anik pa. Sumama ako sa asawa ko at ipinagdrive sya papunta doon gamit ang cute na cute na scooter. Isingit ko na din bago ko makalimutan, ang scooter dito ay naglipana, sayang talaga may picture ako eh, ng mga scooter na nakahilerang nakapark sa tabi ng daan. Mas preferred nila dito ang scooter kaysa sa kotse o van dahil ang main problem dito sa Taiwan ay parking lot. Sa sobrang walang space para magpark. Kaya yung iba, they rent a parking space every day kahit pa medyo kalayuan ito sa mismong bahay nila. Basta lang may mapapagparkingan.

So balik tayo sa kwentong farm. Pagdating namin doon, syempre picture picture, tapos walang upload haha. Sori talaga. Pero baka bukas ok ang koneksyon. Isingit ko na lang pagpunta namin sa Taipei at doon super bilis ang koneksyon. Naglakad lakad kasama ang mahal na asawa at maya maya pa'y pumunta naman kami sa tilapia pond na di kalayuan sa farm nila. Bumili ng isang napakalaking tilapya at niluto ko pagbalik sa bahay. Siyempre pa, dahil bikolana ako, gatang tilapia! Di ba, ang sarap! Dito kasi hindi sila naggagata. 

Pagkatapos ng tanghalian, sinamahan ko ang mama-in-law ko sa church. Nakakabless kasi akala ko magluluto lang kami, yun pala yung mga niluto namin ay para sa mga batang myembro ng simbahan na galing sa tutorial class sa simbahan. Ginagawa nila ito tuwing Monday at Friday afternoon. Pagkagaling ng mga bata sa school, diretso sila sa Sunday School Classroom sa church para naman itutor ng mga volunteer young adult members ng church para maturuan ng husto academically. They highly value education here na talagang meron silang programa katulad nito. Naging kaibigan ko instantly ang mga bata. Hindi ko nga ba alam kung bakit namamagnet ko ang mga bata. Siguro natural ko ng taglay talaga ang kahiligan sa mga bata kasi very fun sila kasama, kaya nga ba naging teacher ako. Elem at preschool. Ayun, so nagkainan na sila, at tinuturuan nila ako paunti-unti ng Mandarin language. So far, proud ako at kahit papano, I can communicate! Surprising talaga, dahil na din sa bahay, kina Mama at Papa-in-law na wala akong choice kundi matuto dahil hindi sila marunong mag-Ingles. Bihirang bihira ang marunong mag-Ingles dito dahil hindi ine-encourage ng gobyerno na matuto sila ng ibang lenggwahe. Kung may gusto man matuto, magbabayad ng mahal para mag-hire ng English teacher. Naisip ko bigla, sabi ng mga bata, gusto nila kong maging teacher sa English kasi paunti-unti tinuturuan ko sila. 

Pagkatapos ng masayang bonding with the kids at church, nagpunta naman kami ng asawa ko para maggrocery para sa aming dinner. My husband is good in cooking. Incharge sya for dinner. Gusto ko man magpicture sa loob ng supermarket pero bawal sa hindi malamang kadahilanan. Naisip ng asawa kong magluto ng seafood pasta. Nagpumilit ibudget ang pera dahil kakaunti lang ang pera naming dala at praise God, umabot naman! Haha.

So, nagdinner with the family at nag-tea. Maya maya pa'y nagready na magsleep.

Photobucket

Dec 21, 2011

Bakasyon Update: Pagkain sa Taiwan

Mga Sis! Alam kong naghihintay kayo ng update from me. Well eto na at nainspire din ako sa everyday update ni Krizza eh. Haha.

So sa dami ng pics na gusto kong ishare at ikwento, naisip kong ito muna sa ngayon ang topic ko - ang iba't ibang klase ng pagkain na na-encounter ko dito sa Taiwan. 

Dahil sa dami ng mga pagkain dito, naku ang sasarap. Yun lang, hindi sila pala mahilig sa maalat. Kaya bilang Pinoy, na mahilig sa malalasang pagkain, I find their food really matabang yet healthy! Health conscious ang mga tao ditey! Pero siyempre expect nyo na, na ang mga ilan sa makikita nyong photo ay hindi healthy. I just love eating talaga. Hihi.
eating with hubby sa Tamsui Night Market (noodles and rice toppings) 
 fried pork and veg dumplings
 vegetable dumpling at soup!
 tea eggs and tofus na iba't iba ang size, tipikal na makikitang pagkain sa mga 7 eleven sa Taiwan
 taho and red beans

Photobucket

Dec 15, 2011

Kwentong Bakasyon

Hello mga kapuso, kapamilya, kapatid... anu pa ba? Ah basta... sa inyong lahat at syempre sa aking mga blogkada! Kamusta kayo? 

Ako? Eto, andito ngayon sa Taiwan. Ang isa sa mga mauunlad na bansa sa Asia. Isang magandang karanasan ang pagpunta ko dito pero isa lang ang masasabi ko, walang tutulad sa Pilipinas at sa mga Pinoy tulad natin dahil sa ating pagiging masayahin. Nararanasan ko man ang kagandahan, kakumportablehan dito pero iba ang saya na naroon sa sariling bansa. Masaya ako dito ngayon dahil syempre narito ang mahal kong asawa at magkasama kaming nagbabakasyon. Ineenjoy ang bawat araw na magkasama sa kanyang tinubuang bansa. Masaya at masarap sa pakiramdam na sa wakas ay nakita ko na din ang lahat ng kanyang angkan. Mukha din silang pinoy dahil sila ay nagmula sa isang tribo na tinatawag na "Lukay Tribe". Nagulat nga ako eh kasi ang dialect nila, super katunog ng Tagalog lalo na ng Ilocano. Hindi sila mukhang Intsik na masasabi, dahil kayumanggi ang kulay ng balat nila, hindi katangusan ang ilong at talagang mukhang pinoy. Sabi nga nila sa akin, hindi ako naiiba, I belong! haha.

Anyway, isang buwan lang naman kami dito at babalik din sa Pinas! Isa sa ipinagmamalaki ko sa pagiging Pinoy ay iyong kasabikan at kasayahan ng Pasko. Super excited na Setyembre pa lang! Oh, diba? Nagkukumahog mamili sa Divisoria at Baclaran para makamura at makarami ng mga panregalo sa mga anak at inaanak kapag nakuha na ang 13th month pay at bonus! Sangkatutak na handaan at tiyak busog ang lahat. Ayan tinuloy namiss ko. Dito kasi di ramdam ang Pasko kasi Buddhist Country pero buti na lang at Kristiyano ang pamilya ko dito at meron ding Christmas party on our own. 

Ang haba na ba? Sige iyan na lang muna sa ngayon. Mamamaluktot ulit sa kama at super lamig ng panahon dito. Nasa 13 degree Celsius. Whew! 

Ikaw kamusta ka kung nasan ka man ngayon?

Photobucket