Dec 27, 2011

Bakasyon Update: Hualien Adventure

Isa sa mga layunin naming mag-asawa ang makapunta o makabisita sa mga lugar kung saan nagtatrabaho sila Mama at Papa. At nakita nyo na siguro kung ano ang work ng mother-in-law ko sa unang post ko. Kung hindi pa, basahin dito. Ngayon naman, bisitahin natin ang workplace ni Papa, sa Yu-Shan College and Theological Seminary, sa Hualien ito, tatlong oras na drive mula sa Taitung kung saan nakatira sila Mama at Papa. Nagtuturo siya sa seminaryong ito ng Lukay dialect, exclusively for Lukay indigenous students na nag-aaral dito. Sayang nga lang at wala kaming picture with the students, nasa mga klase kasi. Pero gayunpaman, at least nakapagpicture sa lugar. Itinour kami ni papa habang naghihintay sa oras ng klase nya.

Eto na, simulan na ang slideshow!


Picture kuno kahit hindi aakyat. Yung building na iyon sa taas, yan ang main office ng Yu-shan College and Theological Seminary kung saan nag-papakahasa sa kaalaman patungkol sa Biblia at lipunan ang mga magiging pastor.

Ito naman ang napakagandang tanawing makikita sa harap ng seminaryo. Kaya talaga namang maeengganyo ang mga pastor mag-aral dito.

Ako yan at ang napakakulit kong Papa-in-Law, Chen Zsu-Te

Ang pinsan ni Hubby na si Su-Ning, tagapagturo ng Christian Education sa naturang seminaryo. Teka? Bakit napagkamakata ko naman yata? Haha.

 Pinakialaman ko ang piano sa classroom ni Papa, well, maganda pa din ang tunog. Nakatugtog pa ko ng Amazing Grace. Miss ko na tumugtog. ;(

At yan naman ang Chinese name ko, Chen, Ning Ning. Yan lang din ang alam ko isulat sa Chinese. HEhe.

Ang nagpumilit kuhanan ng litrato sa ganitong pose! Ang kulit diba?

O ito, isa pa.. Kaya nga ba na-inlove ako sa ka-cute-an nyan eh. Aruh!

 Pagkatapos ng visit sa seminary, dumiretso na kami sa Bed and Breakfast House na treat sa amin ni sis-in-law na pagmamay-ari ng kanyang irog na si Hao-En. 



Ayan si Hao En at sobrang pasasalamat kong marunong siya mag-English and very fluent dahil nagmajor pala siya in English noong kolehiyo. Super thank you Hao-En!

This is my sister in law, Roxanne na nagpprepare na for our Barbecue Night!

Waaah! Yan ang dahilan kung bakit ako naggain weight! Pero come on! Yan ang bakasyon na tinatawag! Diet na lang pag-uwi haha.

Ito naman ang kakanin ng mga Taiwanese. Yung nakabalot ay "abay" kung tawagin na gawa sa ground rice at may ilang meat sa loob at yung isa naman ay peanut. Okay lang ang lasa. Yun lang masasabi ko. Hihi.

Sila naman ang mga new friends na nakasama namin sa barbecue night. Once again, marunong mag-english, kasi talagang bihira ang marunong sa kanila. And, newly weds! A month pa lang! 

Dahil isa lang ang dala naming laptop, sobrang tagal bago ako nakapagfacebook. Gusto ko pa sanang magblog ng time na yan kaya lang super antok na ko. ;)

Pagkagising, nakakita ko ng swing! Picture picture syempre! 

Hay nako, syempre may eksena din ang mahal kong asawa. ;)

Picture muna bago umalis papuntang movie house!

At yan na nga ang tickets! Showtime lang at numbers ang naiintindihan ko, kayo ba?

 Sneak ng isang picture habang wala pang lumalabas sa screen. 

Naku, di ko alam to. Healthy food daw yan. Noodles in a chinese herb soup.

Finally back home sa Taitung. Heart pic muna. haha. Love it! Pasasalamat namin sa lahat ng na-experience!
Photobucket

7 comments:

  1. Hi Rona! Grabe nag enjoy ako sa kwento mo ah. Ang dami mo na palang adventures dyan! Hahaha! I'm so happy for u at nae enjoy mo lahat lahat ng moments mo dyan sa Taiwan! Kailan balik mo sa Pinas? Grabeh ha! Pamilya pala ng pastor at religious people ang angkan ng hubby mo. Super malapit ka sa langit nyan. :)

    Take care!

    ReplyDelete
  2. Haha.. actually ang pamilya ko ay angkan din ng pastor. Mga Tito ko pati kuya ko ay pastor din. Kaya kami nagkakilala ng asawa ko dahil pareho kaming nag-aral sa seminary sa Dasma. So pareho talaga ang ginagalawan naming mundo.

    Ako man ay manggagawa din ng simbahan namin. I am a musician and Christian Education teacher ng church namin. We love serving the Lord. ;) Methodist nga pala kami. Haha.

    ReplyDelete
  3. This coming Friday na pala ang uwi namin. Kasi 30 days lang ang visa ko. So, nagkukumahog na kami ng mga ipapasalubong sa Pinas. And oh, it's freezing cold out here! grrrhhh.

    ReplyDelete
  4. Sobrang nag-enjoy ka talaga sa vacation mo ate Rona! Inggit naman ako. :) Yey! You know how to write your Chinese name. Ako, talagang walang alam.

    Sobrang naging sulit ang 30 days mo! Hope to hear from you again.

    ReplyDelete
  5. Uy Rona, first time ko dito sa Tagalog blog mo at sobrang naaliw ako. Na- at home ako bigla. At least diba di dumugo ang ilong ko sa kakabasa ng English, for a change, LOL!

    Buti pala at marunong ka na ring magsulat ng Chinese. Akala ko dati Pinoy din yong asawa mo, Chinese pala.

    Salamat sa pagbisita sa scottzprincess.net

    Hanggang sa muli!

    P.S.

    Mukhang nahawa na rin ata ako sa pagta-Tagalog, hahaha!

    ReplyDelete
  6. Hi Algene! Oo super nasulit ko talaga ang bakasyon sa Taiwan with hubby. Siksik!

    Lainy: Wag kang matakot! Gora lang sa pagtatagalog. Masarap pa din sambitin at magbasa ng ating wika. Appreciated ko ang ganda ng ating language! Mabuhay! Salamat sa pagbisita at natuwa ako at nag-enjoy ka. Feel at home!

    ReplyDelete
  7. Rona, next time, Chinese blog naman isulat mo heehee :-) Anong Chinese ba salita nila? Mandarin? Paturo ka that would be nice! Katuwa naman ang kwento mo at with matching nice pictures.

    ReplyDelete

Magreact ka lang!