Isa sa mga magagandang ugali nating mga Pilipino ang pagiging mapagmahal sa pamilya. Ganun na lang ang pagmamahal natin sa pamilya na may mga nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang mabigyang kaginhawaan ang buhay ng mga mahal sa buhay kahit katumbas nito ang pagkakalayo sa kanila. Ngunit anu't ano pa nga ba ay malayo man, may cellphone at skype na para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon ng live! Happiness much na yan.
Napakasaya ko lang na itong Paskong ito nagkaroon ng pinaunang Christmas celebration ang pamilya ko na naiba naman ang venue. Sabihin na nating first outing ito para sa pamilya. Yung mga nakaraan kasi ay puro pang-angkang lakaran. Kaya true happiness ang nangyari. Hayaan nyong ikuwento ko.
Ako at ang kuya ko ay nagtawagan ilang araw bago sumapit ang Pasko. Dahil sa sila ng kanyang asawa ay nakatira sa Batangas, napag-isip isip nya na ngayong taon ay sila naman ang maghost ng gathering. Ibig sabihin, lahat sa family ay tutungo doon at makisalo sa celebration nila. So, dahil sa alam naming hindi keri nila mama ang bumiyahe ng malayo dahil sa laki din ng pamasahe mula Cavite papuntang Batangas para sa pitong katao, ako na ang umako sa parteng ito. With matching lambing ay hiniling ko ang asawa kong mahal na hiramin ang revo ng aming ninong upang ipagdrive nya na din lahat kami. Masayang inako ng mahal na asawa syempre ang munting kahilingan ko. At yun nga ang nangyari. Sapul na marinig nila Mama ang aming kaplanuhan ay super excited much na ang lahat sa bahay.
Araw mismo ng Pasko nang kami ay tumungo upang sunduin ang excited na pamilya. Isa isa na silang gumayak at hinanda ang mga gadgets na may pampiktyur chorva. May ilang regalo at share din para sa dadatnan doon.
Pagdating ng Batangas, naging masaya ang kainan. Naging pagkakataon na din iyon upang magmeet ang mga in-laws ng kuya at aming mga magulang para sa unang pagkakataon dahil sila ay nanggaling pa sa Amerika. Mayroong lechon, pansit, cake, caldereta, laing na paborito ng lahat, leche flan, fruit salad at marami pang iba na masarap na pinagsaluhan ng lahat. Kinagabihan noon ay natulog kami sa resort na ilang minuto lang ang layo. Kinaumagahan ay nag-enjoy naman sa swimming pool kahit pa malamig ang panahon at manaka-nakang umuulan.
Napakasaya ngang tunay na magkaroon ng ganitong experience ang pamilya . Ang totoo nyan, natutuwa ako at natupad na din ang wish ko na dalhin ang pamilya ko sa malayo at ito na nga yung pagkakataon. Kitang kita ko ang saya sa kanilang mga mata at ramdam na ramdam ko ang naging change nito sa kanila. God is good ika nga. It was a great and happy experience. Salamat sa Panginoon sa mga biyaya at di matawarang ligayang dulot nito.
Aking hiling na sa darating na bagong taon ay mas ibuhos ng Panginoon ang biyaya sa akin, sa iyo at sa pamilya ng lahat sa mundo!
Advance HAPPY AND BLESSED NEW YEAR, aking mambabasa! Hanggang sa muli!
Wow...I'm happy to hear na naging napakasaya ng pasko mo Ning kasama syempre ang buong family. Yan yung mga munting bagay na di matutumbasan ng kahit anong halaga.
ReplyDeleteSana maging maayos at smooth ang peration mo Sis. Pagpalain ka ng Panginoon at lagi mong tatandaan na hangad naming lahat ang lubos na kagalingan mo. :) happy New Year na din Ning!
Oh, naluha ako sis sa sinabi mo. Maraming salamat! Talagang i found true friends like u kahit di ko kayo nakikita. Yup papagaling talaga ko. God is with me. And He is in control so i just have faith in Him. God bless you too more and more!
DeleteAko din naman, isa sa mga blessings na natanggap ko from blogging ay yung ma blessed ako sa true stories ng buhay ng mga blogging friends ko. Minsan, pag malungkot ako at nababasa ko yung mga updates nyo sa FB at sa blogs, nakakahugot ako ng lakas.
DeleteTotoo yan Ning, "Fear not, for God is with you!"
Amen! I love that verse sis. Dadalhin ko yan hanggang operating room. God makes me feel safe all the more thru friends like you.
Delete