Jan 9, 2012

Bakasyon Over, Pagbabalik Pilipinas!

Ayan, mga Sissy! Heto na akong muli at nagkukuwento sa inyo. Sana ay nag-enjoy kayo sa aking mga kwentong bakasyon. Siksik na siksik at sulit na sulit talaga yun eh. 

Nung isang Sunday pa kami nakabalik dito sa Pilipinas pero dahil sa wala pa kaming connection sa bahay. Mas minabuti na muna naming maghintay ng bagong internet. Yung tipong mas mabilis at hindi nakakainip! Haha. Nakakainis talaga kasi yung may mga panahong ubod ng bagal ang mag-open ng facebook o ibang pages lalo na kapag umuulan. Nagpasya na lang kaming i-give-up ang Sun Broadband Stick na meron kami at mag-apply ng bagong internet connection from a different provider. Hopefully mas okey na ang Globe Tattoo Superstick na umaabot daw hanggang 7 Mbps ang bilis. Well, tignan natin!

So, sa ngayon, dito muna ko sa Manila humahakot ng libreng wifi. Maya uwi na din kami sa Cavite. At nang makapagpahinga na ulit. May mga ginawa mung kabisihan dito. Sana lang talaga mabilis ang process ng bagong internet. Ang daming requirements ng mabilis na koneksyon ha? Naloka ako. 

Magkwentuhan na lang tayo muli mga blogkada! Hop na lang ulit ako sa mga blogs nyo at nang makasagap din ako ng chismis sa inyong mga buhay. Haha.

Hanggang sa muli!

Photobucket

4 comments:

  1. welcome. it's more fun in the Philippines...

    ReplyDelete
  2. Wow...you're back na pala. Welcome back Sis! I'm sure na you have a lot of stories to tell about your Taiwan vacation. I'm looking forward to that. Talaga? Mas mabilis ba yung GLOBE tatoo stick? Globe Wimax gamit namin sa bahay sa Pinas pero sobrang mabagal pa din. Hehehe. :)

    See u around ha!

    ReplyDelete
  3. welcome back, ningning! matagal pa ba ang internet connection na yan? heksayted na kami ulit makakulitan ka :D

    ReplyDelete
  4. Hello Ning! Kumusta ka na? :) Wala pa din kayo internet connection?

    ReplyDelete

Magreact ka lang!