Jan 17, 2012

Asar Ako sa New Connection!!!

Gusto kong magwala sa sobrang inis sa bago naming internet connection. Inavail namin yung nasa commercial ng Globe Tattoo na Superstick nila na umaabot DAW ng 7 Mbps! Wow! Kaloka! Eh nung nagconnect na sa internet, jusmio! Ni hindi umaabot ng 1Mbps! At ang presyo tumataginting na P1,300! Sinong hindi maiimbyerna? Ha? E mas mabagal pa sa previous connection namin to ah? Sa tagal bago ka makapagbukas ng facebook eh pwede ka pang magluto at maglaba!!! 

Mga sis, pasensya na kayo kung ganito ako makapagreact kasi sa totoo lang! Hindi talaga maganda ang mood ko ngayon. Pati asawa ko asar na asar sa connection na to. Ang sarap manigaw ng mga promoter sa globe. At bukas talaga pupunta kami sa Globe na yan at magrereklamo ako. Nuknukan ng bagal! Ang nakakainis pa, di pwedeng mag-withdraw ah? 2 yrs ang contract eh. Anu yon? Lokohan? Badtrip!!!!

Ilalabas ko muna itong nagsusumigaw kong damdamin ah. I just cant believe it kasi. Naiiyak ako sa inis ngayon sa totoo lang. I hate this but I know that I'll be okay. Patunayan naman ng mga internet provider na yan na totoo ang mga nasa commercials nila!!!!!

Photobucket

3 comments:

  1. naku, ningning, i can totally relate. kung meron ding isang nakakapagpa badtrip sakin ng bonggang bongga, yun eh ang mabagal at intermittent na internet connection. at lalo pang ganyan na hindi naman totoo ang inaadvertise nila tapos hindi ka nila papayagan mag early terminate? sige lang, dhay, ilabas mo ang sama ng loob mo dito sa blog mo, at dadamayan kita :) hugs!

    ReplyDelete
  2. Naku Ning kya naman pala di visibile ang beauty mo recently kasi di ka maka connect. Ganyan din problem ko the last time na nag bakasyon kami sa Pinas. Sobrang bagal ng koneksyon. Tama ka...to save on time, sinasabay ko yung pag gamit ng internet sa pagluluto. As in habang nag a upload ako ng pics sa blog eh nagluluto ako at the same time. Globe din gamit namin sa Pinas yung wimax.

    ReplyDelete
  3. Hay naku Ning.. relate na relate at ramdam na ramdam ko yang ganyang feeling Ning kasi globe din kami dati...

    Kaso nung lumipat sa PLDT medyo mabilis nga pero kakaibang challenge naman ang hinarap ko... Iba iba talaga ang pagsubok sa mga connections natin...

    Ilabas mo lang yan. Nandito ako para magpasalamat sa bagong design kong blog... Dinadagdag ko ngayon ang mga badges mo doon at ng lahat ng blogpals...

    Hugs!

    ReplyDelete

Magreact ka lang!