Mga Sissies! Pagpasensyahan nyo na kung very late ang mga update ko. Once again, i-special mention ko ulit si Krizza sa kanyang bonggang bonggang bakasyon update na talaga naman nakaka-inspire, I promise. Pagpasensyahan nyo na din kung wala muna sa ngayong mga pictures ang post na ito sa kadahilanang jusko po, napagkatagal maghintay uploading. Haha.
So, eto na simulan ko sa panahong bumisita kami sa farm ng mga in-laws, na taniman ng mga root crops katulad ng kamote, gabi, ube, mani at kung anik anik pa. Sumama ako sa asawa ko at ipinagdrive sya papunta doon gamit ang cute na cute na scooter. Isingit ko na din bago ko makalimutan, ang scooter dito ay naglipana, sayang talaga may picture ako eh, ng mga scooter na nakahilerang nakapark sa tabi ng daan. Mas preferred nila dito ang scooter kaysa sa kotse o van dahil ang main problem dito sa Taiwan ay parking lot. Sa sobrang walang space para magpark. Kaya yung iba, they rent a parking space every day kahit pa medyo kalayuan ito sa mismong bahay nila. Basta lang may mapapagparkingan.
So balik tayo sa kwentong farm. Pagdating namin doon, syempre picture picture, tapos walang upload haha. Sori talaga. Pero baka bukas ok ang koneksyon. Isingit ko na lang pagpunta namin sa Taipei at doon super bilis ang koneksyon. Naglakad lakad kasama ang mahal na asawa at maya maya pa'y pumunta naman kami sa tilapia pond na di kalayuan sa farm nila. Bumili ng isang napakalaking tilapya at niluto ko pagbalik sa bahay. Siyempre pa, dahil bikolana ako, gatang tilapia! Di ba, ang sarap! Dito kasi hindi sila naggagata.
Pagkatapos ng tanghalian, sinamahan ko ang mama-in-law ko sa church. Nakakabless kasi akala ko magluluto lang kami, yun pala yung mga niluto namin ay para sa mga batang myembro ng simbahan na galing sa tutorial class sa simbahan. Ginagawa nila ito tuwing Monday at Friday afternoon. Pagkagaling ng mga bata sa school, diretso sila sa Sunday School Classroom sa church para naman itutor ng mga volunteer young adult members ng church para maturuan ng husto academically. They highly value education here na talagang meron silang programa katulad nito. Naging kaibigan ko instantly ang mga bata. Hindi ko nga ba alam kung bakit namamagnet ko ang mga bata. Siguro natural ko ng taglay talaga ang kahiligan sa mga bata kasi very fun sila kasama, kaya nga ba naging teacher ako. Elem at preschool. Ayun, so nagkainan na sila, at tinuturuan nila ako paunti-unti ng Mandarin language. So far, proud ako at kahit papano, I can communicate! Surprising talaga, dahil na din sa bahay, kina Mama at Papa-in-law na wala akong choice kundi matuto dahil hindi sila marunong mag-Ingles. Bihirang bihira ang marunong mag-Ingles dito dahil hindi ine-encourage ng gobyerno na matuto sila ng ibang lenggwahe. Kung may gusto man matuto, magbabayad ng mahal para mag-hire ng English teacher. Naisip ko bigla, sabi ng mga bata, gusto nila kong maging teacher sa English kasi paunti-unti tinuturuan ko sila.
Pagkatapos ng masayang bonding with the kids at church, nagpunta naman kami ng asawa ko para maggrocery para sa aming dinner. My husband is good in cooking. Incharge sya for dinner. Gusto ko man magpicture sa loob ng supermarket pero bawal sa hindi malamang kadahilanan. Naisip ng asawa kong magluto ng seafood pasta. Nagpumilit ibudget ang pera dahil kakaunti lang ang pera naming dala at praise God, umabot naman! Haha.
So, nagdinner with the family at nag-tea. Maya maya pa'y nagready na magsleep.