Hello mga kapuso, kapamilya, kapatid... anu pa ba? Ah basta... sa inyong lahat at syempre sa aking mga blogkada! Kamusta kayo?
Ako? Eto, andito ngayon sa Taiwan. Ang isa sa mga mauunlad na bansa sa Asia. Isang magandang karanasan ang pagpunta ko dito pero isa lang ang masasabi ko, walang tutulad sa Pilipinas at sa mga Pinoy tulad natin dahil sa ating pagiging masayahin. Nararanasan ko man ang kagandahan, kakumportablehan dito pero iba ang saya na naroon sa sariling bansa. Masaya ako dito ngayon dahil syempre narito ang mahal kong asawa at magkasama kaming nagbabakasyon. Ineenjoy ang bawat araw na magkasama sa kanyang tinubuang bansa. Masaya at masarap sa pakiramdam na sa wakas ay nakita ko na din ang lahat ng kanyang angkan. Mukha din silang pinoy dahil sila ay nagmula sa isang tribo na tinatawag na "Lukay Tribe". Nagulat nga ako eh kasi ang dialect nila, super katunog ng Tagalog lalo na ng Ilocano. Hindi sila mukhang Intsik na masasabi, dahil kayumanggi ang kulay ng balat nila, hindi katangusan ang ilong at talagang mukhang pinoy. Sabi nga nila sa akin, hindi ako naiiba, I belong! haha.
Anyway, isang buwan lang naman kami dito at babalik din sa Pinas! Isa sa ipinagmamalaki ko sa pagiging Pinoy ay iyong kasabikan at kasayahan ng Pasko. Super excited na Setyembre pa lang! Oh, diba? Nagkukumahog mamili sa Divisoria at Baclaran para makamura at makarami ng mga panregalo sa mga anak at inaanak kapag nakuha na ang 13th month pay at bonus! Sangkatutak na handaan at tiyak busog ang lahat. Ayan tinuloy namiss ko. Dito kasi di ramdam ang Pasko kasi Buddhist Country pero buti na lang at Kristiyano ang pamilya ko dito at meron ding Christmas party on our own.
Ang haba na ba? Sige iyan na lang muna sa ngayon. Mamamaluktot ulit sa kama at super lamig ng panahon dito. Nasa 13 degree Celsius. Whew!
Ikaw kamusta ka kung nasan ka man ngayon?