Dec 15, 2011

Kwentong Bakasyon

Hello mga kapuso, kapamilya, kapatid... anu pa ba? Ah basta... sa inyong lahat at syempre sa aking mga blogkada! Kamusta kayo? 

Ako? Eto, andito ngayon sa Taiwan. Ang isa sa mga mauunlad na bansa sa Asia. Isang magandang karanasan ang pagpunta ko dito pero isa lang ang masasabi ko, walang tutulad sa Pilipinas at sa mga Pinoy tulad natin dahil sa ating pagiging masayahin. Nararanasan ko man ang kagandahan, kakumportablehan dito pero iba ang saya na naroon sa sariling bansa. Masaya ako dito ngayon dahil syempre narito ang mahal kong asawa at magkasama kaming nagbabakasyon. Ineenjoy ang bawat araw na magkasama sa kanyang tinubuang bansa. Masaya at masarap sa pakiramdam na sa wakas ay nakita ko na din ang lahat ng kanyang angkan. Mukha din silang pinoy dahil sila ay nagmula sa isang tribo na tinatawag na "Lukay Tribe". Nagulat nga ako eh kasi ang dialect nila, super katunog ng Tagalog lalo na ng Ilocano. Hindi sila mukhang Intsik na masasabi, dahil kayumanggi ang kulay ng balat nila, hindi katangusan ang ilong at talagang mukhang pinoy. Sabi nga nila sa akin, hindi ako naiiba, I belong! haha.

Anyway, isang buwan lang naman kami dito at babalik din sa Pinas! Isa sa ipinagmamalaki ko sa pagiging Pinoy ay iyong kasabikan at kasayahan ng Pasko. Super excited na Setyembre pa lang! Oh, diba? Nagkukumahog mamili sa Divisoria at Baclaran para makamura at makarami ng mga panregalo sa mga anak at inaanak kapag nakuha na ang 13th month pay at bonus! Sangkatutak na handaan at tiyak busog ang lahat. Ayan tinuloy namiss ko. Dito kasi di ramdam ang Pasko kasi Buddhist Country pero buti na lang at Kristiyano ang pamilya ko dito at meron ding Christmas party on our own. 

Ang haba na ba? Sige iyan na lang muna sa ngayon. Mamamaluktot ulit sa kama at super lamig ng panahon dito. Nasa 13 degree Celsius. Whew! 

Ikaw kamusta ka kung nasan ka man ngayon?

Photobucket

4 comments:

  1. uy, ms. rona, eto na ang update na inaabangan ng mga usisera mong blogmates katulad ko. hehe! sulitin mo ang Taiwan trip mo, at wag ka na din masyado ma home sick dahil saglit lang din naman pala kayo jan. saka ang lapit mo lang sa Pinas! sabi nga, sa tuktok daw ng Ilocos Norte, eh matatanaw mo na ang Taiwan ;) Totoo ba yun? Di pa ako nakarating ng ganun ka-north kaya di ko naman mapatunayan :D Pero nakarating na din ako ng Taiwan, hanggang airport nga lang ^^

    at alam mo bang sa 14 degrees Celsius eh nakapag- beach volleyball na ako? :D pumapalakpak na kami dito once mag hit ng 10 degrees. hehe!

    sige, enjoy mo lang yang bakasyon mo with hubby and his family. ingat lagi! :)

    ReplyDelete
  2. Hala KM! 14 degrees eh super sumusuot na sa buto. Sanay ka na kasi. Ikaw na, it's you already! haha.

    Ay oo naman, nag-eenjoy akes ditey. Yun lang wrong timing kasi pag pasko super enjoy ang hinahanap ko pero gayun pa man, grabe ang kamanghaan ko sa ganda ng Taiwan. I love it here and I'm looking forward to living here wala pa lang nga sa plano namin.

    At ang dami ko palang usisera ha? hahaha! I love it! Sige, mag-uupdate ako palagi dahil meron ng time magblog.

    ReplyDelete
  3. Sa wakas sis! May mga kwento ka na din about sa bakasyon mo... Lasapin mo na ang lamig dahil hindi mo na mararamdaman yang ganyan kalamig dito sa Pinas...

    Enjoy Ning!

    ReplyDelete
  4. Hi Ning! I'm happy to read your updates about your Taiwan vacation. Buti naman at nag eenjoy ka pala ng husto dyan. Totoo nga na wala ng sasaya pa sa pasko ng Pinas. Ako kasi sa Buddhist country din ako nag wowork at medyo di nga ganung ramdam dun ang pasko unlike dito sa Pinas na truly enjoy talaga. maglakad lakad ka pa lang sa mga malls ramdam na ramdam mo na. Hahaha! But it's agood thing din na ma experience mo dyan sa ibang country. For a change di ba? So sya, enjoy ka na lang dyan ha at wag mo kakalimutan mag update ng blog para makwentuhan mo naman kami. Hahaha! :)

    ReplyDelete

Magreact ka lang!