Jan 27, 2012

Happiness is... Ang Makapagsuot ng Mala-Igorot na Costume!

Alam kong hindi na lingid sa inyong kaalaman na nagmula sa isang tribo ang asawa ko. Taiwanese siya pero hindi siya yung tipong maputi at singkit ang mata kundi mukha siyang Pinoy. At ayon sa kanila, ang kanilang tribo sa kanunu-nunuan pa ay may kwentong nauugnay sa Pilipinas. Naniniwala silang ang iba sa kanila ay nag-migrate nung mga panahong may lupang tulay pa ang Pilipinas at Taiwan at sila daw ang tunay na Taiwanese kesa mga puti at singkit na galing naman sa Mainland China. Kaya magugulat din kayo sa native language nila na Lukay na katunog na katunog ng salitang Ilocano! Bongga di ba? Kaya nung ginanap ang reception namin, sabi nila, hindi ako nalalayo, ako'y in na in sa tribo! 

Kaya eto, isa sa happiness ko nang pumunta kami sa Taiwan ay ang makapagsuot ng kanilang traditional costume na tunay talagang nahahawig sa ating mga ninunong Igorot. Yun lang, super bigat nyan dahil sa mga borloloy at korona. At ang tanawing bundok na yan, nakakalula sa kagandahan!

The Chen Family
At yan naman ang mga bongga at iba't ibang uri ng kanilang traditional attire.
Isang masayang post para sa paborito kong mga Meme na:
Photobucket


Photobucket

23 comments:

  1. oww!! new knowledge to obang ahh!! talaga!! hehe

    >> mukha nga silang igorot, igorot na pinasosyla!! hehe -->>

    >> mukha nga silang mga pinoy!! lalo na yung kapatid nya sa kaliwa mo (kapatid nga ba)...

    >> happy for you obang!! ang swerte natin sa mga asawa natin!! bwaahahaha.. ang saya saya

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha Igorot ba na pinasosyal haha. Natawa ko dun. Yap pinoy na pinoy silang lahat dun. Promise and yes kapatid nya yan. Bunso nila. Pero you know, ang ganda ganda nyang bunso nila sa personal. I really love her beauty. 3 lang silang magkakapatid. Wala lang yung isa kasi kapapanganak lang nung time na yan.

      Yes swerte talaga tayo sa mga asawa natin! salamat sa dalaw neh!

      Delete
  2. ay napakaganda naman ng mga larawan.. super like ko! hehehe!

    thanks for the visit po:)

    ReplyDelete
  3. Ganda nga ng costume nila, Rons. Ay! Ning pala!;-)

    Oo nga noh! Unang bisita ko sa blog mo, inakala kong Pinoy nga si asawa, hehehe! Di sya halatang Instik. Ang ganda mo at bagay na bagay ka sa national costume nila, bonggang-bongga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha! Grabe natutuwa ako sa mga komento nyong lahat! Bonggang bongga talaga kayo kaya mahal na mahal ko ang magshare dito. Love love love!

      Delete
  4. Being able to do something new and interesting is a source of great happiness indeed. Visiting back! I'm your newest GFC follower. Hope you can follow back!

    ReplyDelete
  5. Pinabongga namang costume naman ito! Kakalula ha...

    Halatang in na in ka sis at mukhang kasundo mo ang buong angkan ni hubby ah. Lol!

    Congrats at masaya ako para sa iyo. Salamat sa pag share mo ng karanasang ito...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ning, sumingit na ako dito kay Rovie ah kasi nahihirapan ako mag post ng comment ko (lol). May problema ata na naman hehehe.

      Bonggacious talaga yung mga kuha nyo dyan Sis! Tsaka tama si Rovi, mukang in na in ka sa Chen family. Tsaka evrytime may post ka about sa vacation mo sa Taiwan eh madami ako natutunan na bago. Pwede to sa Civics subject ah. :)

      Sya...visiting from happiness is....

      Delete
    2. Wow, thanks mga sis. And hindi ako aware na nakakapagbigay ako ng mga bagong kaalaman sa mga posts ko dito. Kakatuwa naman. Siguro talagang teacher ako kaya ganun. Haha. Babalik na talaga ko eh. Turo na next year. Muah. salamat sa dalaw nyo.

      And what's the prob ulit with the comment box?

      Delete
  6. Wow, those are beautiful traditional cutomes. Para ngang igorot ano. Following your blog now. Visiting from happiness is.

    My entry, you might want to link up this post to my meme.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, thanks! Ni-link ko talaga to sa meme mo. Salamat sa dalaw!

      Delete
  7. magandang gabi.. nakakatuwa naman dito. Naaliw ako magbasa!

    ReplyDelete
  8. good to know about their traditional dress..tma ka parang kagaya ng Igorot sa pinas.thanks for sharing.visitng from:http://www.travelentz.com/2012/01/alligator-snapper-at-aquarium.html

    ReplyDelete
  9. Hi, Rona! You must have landed on my blogger blog (http://www.tetchafiguerres.blogspot.com). I have migrated that blogger blog to WordPress early last year, so this is my WP blog: http://www.pensivethoughts.com. There you'll find my GFC. Thanks a lot!

    ReplyDelete
  10. akala ko talaga dito sa pinas naganap ang photoshoot..

    visiting back from happiness is..

    ReplyDelete
  11. Hi Ning! Dumalaw ulit dito para silayan ang iyong magagandang mga pics na talaga namang very colorful. Hehehe. Tsaka pagbisitako di ito muls sa Color Connection. Naka link din kasi ako dun eh. (lol)

    Yung request ko dati sa GA na inemail ko sayo, okay na naayus ko na. Nakuha din sa tyaga eh. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sis sa pagbisita, medyo busy lang ngayon ha? This coming week is a long week for me.

      Delete
  12. what a fun costume to wear, looks like you and your family had fun Sis :-) Visiting from Happines is...hope that you can return the visit too.

    http://www.adventurousjessy.com/2012/01/he-shoots-he-scores.html

    ReplyDelete
  13. very elegante ang kanilang costume at mga accessories, bongga. sa igorot kasi laging kinukulang sa tela^_^
    bagay na bagay sa iyo.

    ReplyDelete
  14. super happiness talaga at super ganda ng traditional costume nila at colorful pa, late visit for happiness is meme, i hope you can visit me at
    http://www.pinaysinglemomsnook.info/personalized-invitation/

    ReplyDelete
  15. hay salamat, na view ko din ito. hindi ako makapasok noon sa blog mong 'to nung pinost mo 'to sa meme. anyweiz, sasabihin ko lang na ang ganda ganda mo dhai! alam ko na kung saan mo nabighani ang iyong labedabs... sa dimple mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha.. Salamat KeMers! Well I know! It's my dimples! haha. Thanks sa muling pagbisita!

      Delete

Magreact ka lang!