Hello Sissies! Busy ang beauty ko this coming week at ito ang magaganap na iskedyul:
1. Pumunta sa Statistics Office bukas (Monday), upang kumuha ng another original copy of our marriage contract para maigora na sa pag-aapply ng asawa ko ng resident/spouse visa.
2. Pagkatapos sa NSO, diretso sa aming main office (United Methodist Church Manila Office), para doon ay magpractice ng choir for our upcoming Worker's Convocation (para sa mga pastor at tulad ko na nagwowork din para sa church) sa darating na Miyerkules na gaganapin sa Tagaytay na ang dinig ko ay ako daw ang maglead sa choir. Kamusta naman yon? Naatasan pa!
3. Martes. Umuwi ng bahay sa Cavite, magpahinga, magpamani-pedi, magpack ng gamit at magblog pag may oras. Kailangan yan!
4. Miyerkules ng umaga. Bumiyahe papuntang Tagaytay at doon ay umattend ng nasabing convocation sa loob ng 3 araw hanggang Biyernes. Si asawa uuwi dahil may klase ng Huwebes. Sadness ang beauty ko nun, walang katabi. Haha. Meh ganun? Di bale, dami naman sigurong friends na darating. Chichika na lang ako ng bongga.
5. Biyernes. Umuwi ulit ng bahay. Magpahinga at magblog.
6. Sabado. Biyahe pa-Manila para naman umattend ng Lay Leader's Meeting sa simbahan.
7. Linggo. Magpasalamat kay Lord sa napakahaba at masayang buong Linggong nagdaan. At sa hapon ay makauwi na ulit! Yey! Lunes, magsimulang gawin ang Journey blog ni Ate Rovie.
Ayan, nakakaloka ang super hectic at busy week na to. Ako na yan talaga.
Alam kong mamimiss nyo ko Ate Rovs, KM, Krizza, Algene at Ferry Jhoi. Hmm. Ang mga luha, pigilan! Alam ko yan. I know. Nakakamiss talaga ang beauty ko pero wag kayong mag-alala, I shall return ng bonggang bongga kaya steady lang kayo, ok? Haha!
Alam kong mamimiss nyo ko Ate Rovs, KM, Krizza, Algene at Ferry Jhoi. Hmm. Ang mga luha, pigilan! Alam ko yan. I know. Nakakamiss talaga ang beauty ko pero wag kayong mag-alala, I shall return ng bonggang bongga kaya steady lang kayo, ok? Haha!
Yun lang mga Sissies! Muah muah, tsup tsup!
Ang inyong pretty lingkod...
Hay naku Ning, you really never fail to make me laugh every time I read your post here. Kaya nga looking forward ako lagi sa new post mo dito. Nababawasan mo yung stress ko talaga. Thank u thank u Sis! Sa pagbalik mo sana may nakahanda ka na namang pasabog ha. As in pasabog na tawanan. Hahaha.
ReplyDeleteWala ako masabi sa beauty mo Ning! Panalo! Tsaka na touch ako at talagang nakalaan talaga yung Sunday para magpasalamat kay Lord.
Ingat Ning! Have fun! We will miss you!
Mwahhh!
Haha Krizzy! I know! Kahit ako looking forward lagi sa mga new post ko dito kasi alam kong nakakapagpaenjoy ako sa inyo ng ganap! Kaya naman, love na love ko at favorite ko na to sa lahat ng blogs ko. Well, sabi ko nga, sa site ko na to ako nakakapag-express ng tunay na ako at makapang-akit ng mga kakuwentuhan. Makapang-akit talaga? Naloka ko dun sa term na yun.
DeleteSya! Salamat sa laging pag-eenjoy! Asahang lagi ang mga pasabog. Abangan!
Napatawa mo rin ako sa post mo na to ate Rona. Napadaan talaga ako dito para magcomment :) Grbae, nakaplano na talaga lahat ang gagawin mo for the week. Happy to hear na kasali ang rest sa mga to-do's mo. Good luck ate Rona!
ReplyDeleteYey! Excited ako sa number 1 na task. I mean, sa result kapag complete na papers nyo..
I love it! Hindi ko lang pinapahalata na itong week na to ang pinakaorganized. haha. Kaloka.
DeleteExcited din ako sa visa ni hubby kasi makakasave na ng oras at di magkukumahog na laging magrenew ng visa after six months. Taon na ang hihintayin para magrenew ulit. haha. Yun pala ang dahilan.
Woweee! Ang hectic nga pero kahit papani ha naiisisingit pa rin ang pagba blog.Hehehe
ReplyDeleteSalamat Ning at kahit busy ang schedule mo ay naisama pa ang aking JOURNEY blog sa mga gawaing pambahay mo...Hehehe
Ingat sa byahe at enjoy! God bless!
Ay, Ate Rovs, ang totoo nyan, isa sa household chores ko ang blog designing. Walang reklamo si hubby kapag nagdedesign nako. Haha. Suportado nya ko eh kasi I'm starting to earn with this at sa di birong halaga! Yey.
Deleteoist, ratsada na naman ang byuti ni rona! ikaw na, ikaw na, ikaw na talaga ang busy :D kelangan makita ko ang mani-pedi mo, ha? i-blog mo yan. kelangan yan. lol.
ReplyDeletesya, sige ingat sa iyong mga lakad. God bless!
Siyempre, ratsada girl ako diba? haha! Parang ikaw lang KeMers. Dami mong ratsada. Mana mana lang talaga. haha! Salamat sa pagdalaw!
Deleteang lakas ng kutob kong hindi ka na ganung hektik ngayon at panay na ang kemers mo jan. hehe! salamat ng marami sa pagdalaw sa blog ko.
Deleteayan, i hope naasikaso mo na ang lahat ng dapat mong asikasuhin. tambak na siguro mga orders mo no? ;) ariba lang ng ariba hanggang kaya!
ingat lagi. God bless :)
ay bongga! Namiss kita dito kemers! haha. Well, isa lang ang order ko ngayon. Si Ate Rov katatapos lang. Well, hopefully madami orders soon! thanks and God bless you too!
DeleteNing, dumaan lang ako dito para kumustahin ang beauty mo? Alam ko by this time nasa Tagaytay ka ata...tama? Take care and hope ur enjoying your trip and seminar.
ReplyDeleteGod Bless!!!
Ok na Krizza! Nakabalik na ng bahay at nakatapos na din magdesign ng blog ni Ate Rovs. Di ko lang alam if gusto nya ung kulay. Wait ko pa ang sagot.
Delete
ReplyDeleteGreat blog, continue the good work
http://www.prokr.net/2016/09/eliminate-bugs-6.html
http://www.prokr.net/2016/09/eliminate-bugs-5.html
http://www.prokr.net/2016/09/eliminate-bugs-3.html
http://www.prokr.net/2016/09/eliminate-bugs-2.html
http://www.prokr.net/2016/09/eliminate-bugs.html