Showing posts with label happiness. Show all posts
Showing posts with label happiness. Show all posts

Apr 20, 2012

Japeyk Nga Ba?

Haler mga blogkada! Muli ay inuulit ko, sa lahat ng tumawa, napahagalpak at tumambling sa tuwa sa Kwento ni Lelang at ni Nani... mas masaya akong napatawa ko kayo. Sa akin pa din bumanda pabalik ang kasiyahan. Ika nga, it's my fleasure!

So much about the pasakalye, sinabi ko sa sarili ko nung una pa na kahit keylan ay hindi ako magpapadenggoy. Fumeeling ako na madedenggoy yata kami nito lang Lunes. Ang mga workers and staff ng aming simbahan kasama ng kanilang mga pamilya, (kasama din ako syemps) ay nagpunta sa isang resort kung saan ang pangalan ng resort ay inisip naming 'japeyk'? Ito ay dahil Poracay ang pangalan ng resort. Ang totoo nyan, walang nakakaalam ng resort na to, siguro may mangilan-ngilan na.. ngunit, dapatwat, subalit ay ni isa mga kakilala ko ay hindi knowinggelles ang lugar na itey. Ini-status ko akchuali sa FB ang Poracay Resort, tapos may biglang nagcomment ng: "May Poracay? Siguro may Pohol din?" So, dahil sa curiousity na um-arise sa amin, minabuti pa din naming pumunta at siguraduhin kung ang resort ay tunay o japeyk. Kaya hinold ko muna nang matindi ang mga katagang: "hindi ka madedenggoy Ningning. Hindi!" (teka kakalma lang ako ng konti.... ayan pwede na)

Kaya eto, napag-alaman namin na ang lugar nga ay truelaloo! Voila! So, cancel na natin si japeyk. Erase.. erase. Eto na ang sobrang init ngunit bonggang bonggang lugar na aming pinuntahan para lang mag-unwind, magliwaliw at magswimming naman ang mga laging punong abala sa simbahan.

Tadah! Introducing.. the Poracay Resort!!! Hindi po Boracay.. Po-ra-cay! Getchingbelles?

Note: Ang Poracay Resort na ito ay located sa Porac, Pampanga that's why Poracay ang ipinangalan. Kacurious-curious kaya talagang dinayo. Napakadaming tao nang kami'y andun. Pagpasensyahan nyo na kung walang matinong pictures. Sadyang masaya ang trip na ito kaya nilubos lubos na namin! 

Yan si Pastor sa unahan ang nagpasimuno ng ganyang pose.

Poracay!

Sa Villa na napakaganda kung saan kami ngstay overnight. Paggising budoy pose ulit?

Kami ni Marrick having the same hairdo. Akchuali may performance di lang natuloy. Nyahaha!

Wacky pic with Ria!
Asyuswal, i-jojoin ulit ni Ningning ang Happiness na ito pati na din sa Color Connection.

Hanggang sa muli!
Photobucket

Apr 6, 2012

Bathe Me, I'm Dirty...

Isa sa mga kagalakan ko ang makapagpaligo ng mga bata sa lansangan! Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng ganitong experience. Sa totoo lang, ito ang isa sa mga longing ng heart ko. Ang makapagserve hindi lang sa church kundi pati sa community. I love reaching out and making people smile. At siyempre ang nagbigay ng heart na yan ay walang iba kundi si Jesus!

Oops! May tinakpan ako baka lang biglang mapadaan dito ang MTRCB.  Haha!
In fact, na-experience ko to twice na at ung last time ay noong February. Ang photo na yan sa taas ay noong 2010. Vacation Church School noon at naisipan naming mga teachers ang magpaligo sa mga batang ito para sila'y mabango bago pumunta sa kanilang mga classrooms. 5 days ang duration ng VCS kaya ginawa namin ito ng apat na araw tuwing umaga bago magsimula ang mga classes by level. Alam nyo bang ang mga batang yan ay yung mga natutulog sa daan along Luneta at Plaza Salamanca sa ilalim ng LRT UN station? Kaya hindi na nakapagtataka na wala silang source ng tubig para maligo. Ang nakakalungkot pa dun, wala silang damit na pampalit. Kaya hindi lang namin sila pinaliguan kundi naglikom din kami ng mga damit galing sa mga members ng church at iyon nga ang mga ibinihis namin sa kanila. 

Nakadagdag pa sa kasayahan ko ang pagsalubong nila sa akin kapag nakikita nila ako sa daan dahil around the church lang sila. Nakakatuwang pakinggan na "Teacher Ning" pa din ang tawag nila sakin. In fact, kanina lang, may batang kumalabit sa akin at humingi ng limos. Namukhaan ko agad siya. Bigla siyang nahiya pero binigyan ko pa din ng pera at sinabing, "Salamat Teacher Ning". Nakakahabag pero natutuwa akong nakatulong ako sa kahit ganung paraan lang. Napakabuti ng Panginoon at ipinararanas nya sa akin ang ganitong experience. 

At dahil dyan, i-lilink ko ang kasayahang ito sa Happiness Is!
Photobucket

Mar 30, 2012

Ang Batang Ningning

Masayang balikan ang panahong minsan tayong naging bata, tama? Hay! Sa totoo lang ang happiness post na ito ay may halong kilig kapag inaalala ko yung mga kaganapan, kakulitan at di pangkaraniwang karanasan nung ako ay ganito pa kaliit!!

Yey! Yan si Ningning! Yan ako nung limang taong gulang pa lang ako. Ang cute cute ko diba? Aminin! Hahaha! 

Ang damit na yan ang pinakapaborito ko sa lahat ng damit na ibinili sakin ni mahal na ina. Tatlo yan na iba-iba ang style pero ito ang tinitingnan kong lagi sa cabinet namin at gustong isuot kapag magsisimba kami. Sa edad na yan andami ko nang naaalala na ginawa ko.

Una, kabibuhan! Oist imadyinin nyo nga naman na sa ganyang liit ko entertainer na ko. Kapag may bisita kami, ibinibida na ko ng papa ko sa mga bisita. Sasabihin nya, "Ning, kanta ka dali". Dali-dali naman akong isasampa sa mesa ng mahal kong ama at kakanta na nga ako nang walang kaabog-abog! AT take note! With EMOTE pa at actions sa kamay na kala mo kontestant sa Kampeon ng Tanghalan!! Ito ang mga kanta ko: "Sayang na Sayang Lang ang Pag-Ibig Ko", "Mr. Dreamboy" at "Somewhere Out There". San ka pa teh! Hulaan nyo anong taon yan!!! Para sa clue, sa carpet pa lang sa likod ko, malalaman nyo kung kelan yan nauso. Kasama yan sa era. LOL!

Pangalawa, ka-istarirayan! Alam nyo bang buntot ako ng mama ko? Basta kahit san sya pupunta dapat kasama ako. Hindi sya makapagtago sakin. Isang araw, dumating ang Tita galing sa Bicol. Nasa Laguna kami nito nakatira noon. Busyng busy ako maglaro at intensyonal nga akong nilalaro ng Tita ko. Yun pala, dahan dahan na si Mama lumalabas ng pinto! Aba? Di pa din sya nakatakas sa paningin ko. Takbo ko sa pinto at humarang ang Tita ko. Ang lakas ng iyak ko at nagpupumilit sumama sa mama ko. Successful na sana ang pag-alis ni Mama nang marinig nyang tumili si Tita at napabalik sya ng bongga. Anong nangyari? Kinagat ko lang naman si Tita sa bukong bukong sa abot ng aking makakaya sa pagkalupasay ko. Ayan, palo ang inabot ni Ningning sa mahal na ina. Hindi na nga nakaalis ang nanay. Nakapag-isip isip siguro si Ningning at tumahimik sa isang sulok.

Pangatlo, picture addict! Opo. Si Ningning nang edad na yan ay napakapicture addict na daw sabi ng mama ko. Well, ang ganda naman talaga ng mga ngiti ko diba? Pano eh, nagpapraktis pa daw ako sa salamin ng ngiti. haha! Ako na yan! Ang cute cute ko!

Nang si Ningning ay lumaki, siya'y naging isang mabait na bata at anak. Haru! Oo, mabait ako pramis! 

Siya, bago nyo tapusin ang post na to, kumaway muna kayo sa batang si Ningning at tiyak na mapapangiti nyo sya. Wag din kalimutang mag-iwan din ng masayang kumento sa baba! Ciao!

My share for: HAPPINESS IS
Photobucket

Mar 23, 2012

Gumradweyt na si Hubby!

Walang mapagsidlan ang saya ko nang sa huling minuto ay nakompirma na gagraduate na ngang tunay si Hubby! Sa totoo lang, mula nung nakaraang Linggo pa hindi makatulog ang asawa ko kasi may isang subject pa siya na hinihintay ang grade. Nasa US na kasi yung professor na yun at thru email na lang pinasa ang papers nya. Umuwi ng US si Sir Matheny dahil  nagtuturo din sya sa isang seminaryo duon. At iyon nga, naglabas ng unang list ang school ng graduating class, wala ang pangalan nya doon!

Lunes, nag-email si prof at nangakong ifoforward na ang grade. Yun na lang talaga ang hinihintay! Deliberation ng Martes, wala pa ding naifoforward na grade. Siguro busy si prof kaya inemail ulit ni Hubby. That was 3 days before the graduation day!

Pagkatapos ng deliberation nung Martes, nagpaskil ulit ng list ng mga siguradong gagradweyt, wala pa din ang name ni hubby. ;( Gusto ko na din umiyak kasi baka hindi nga talaga makagradweyt pero siyempre puro pang-iencourage pa din ang lumabas sa magandang asawa. (nagawa pang umechos??) Hahaha!

Pero eto, Miyerkules ng umaga, ginising ko siya nang may bonggang bonggang smile! Sabi ko, punta na kami sa mall at bumili ng barong na gagamitin nya sa graduation. Hindi pa man kami sigurado dahil wala pa ngang grade, eh nagpunta na nga kami ng mall para bumili ng barong BY FAITH! Kay buti ng Panginoon! Pagkatapos naming bumili, pumunta si hubby sa registrar upang magconfirm, sa habag ni Lord ay umokey na nga. Natanggap na nila ang grade galing kay prof at tuloy ang ligaya! 

Ta-dah! Ayan na ang hubby ko! Marching with pride!
 
 Siyempre pa ang proud wifey kasama at ang mga pastor na sumuporta!
Dumirecho sa Tagaytay with supportive and kind professors to hubby.
Hubby earned a degree of Bachelor of Theology. Praise the Lord. Sa pagtuntong nya sa Masteral ay magpatuloy ang katapatan at kasigasigan. Dahil sa mga nangyari, muli naming napatunayan kung gaano kabuti ang Panginoon basta't manatiling nakakapit nang may buong pananampalataya at walang pag-aalinlangan. Amen.

Share ko sa Happiness is!
Photobucket

Mar 2, 2012

Oh Tawas! Di Ko Akalain!

Mga blogkada, sabi ko na sa inyo eh. Masaya ang huntahan dito sa Tagalog blog ko. Nagagalak ang puso ko nang wagas dahil sa dami ng kumentong natanggap ng aking akda tungkol sa tawas. Kung hindi mo pa nababasa, ETO basahin mo. Kunin ko na din ang oportunidad na pasalamatan ang mga commenters sa tawas post na yung iba ay di talaga umalis ng di kumumento. Bongga kayo!

Napatambling lang naman ako sa tuwa at wagas na halakhak ng maisip kong ichek ang stat ng blog na to. Kasi sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na ito ang umaani ng bisita at readers ngayon among my other blogs! Take note! PR2 na bonggang bongga eh wala naman halos seryosong usapan at mapupulot dito diba? Dinaig talaga ang mga English blogs ko! Kasi PR1 lang inabot nila eh.

So eto, para na din maliwanagan kayo. So far, ang "Kwento ng Durog na Tawas" ang may highest rating at dalaw! Eksaherado man pero ang saya-saya ko na pumalo sya ng kulang kulang 100 views na di ko naman talaga inaasahan. Gusto ko lang naman magkuwento. Haha. 

Salamat na din kay KM at sa Happiness Meme nya at nakapag-ani ng readers ang kuwento ko. Mangyaring ICLICK na lamang ang photo para makita nang lubos.

But wait! There's more! Tingnan nyo nga naman at marami din palang nagreresearch tungkol sa tawas. At please, please, tignan sa gawing baba ng larawang ito kung ano ang mga hinahanap nila at nagawi sila sa post na to. Ayan, kayo na ang humusga! Hahaha!



Photobucket

Feb 17, 2012

Happiness is Maging Sikat!

Hindi ko lubos maubos ang kasayahan nato. Actually, nakakaloka dahil ang si-sweet ng mga bongga kong blogger friends! Hindi ko akalaing mararanasan kong maging ganito kasikat at sa blogospero pa! Grabe. Nagpapasalamat ako dahil sa mga ginawa nilang ito para sakin. Appreciated ko Sissies!! Nakakaloka talaga to ng bongga! 
Alam kong idedeny nila to kasi maaaring unconsciously naisend nila tong mga fan signs sakin accidentally. Kung paano, hindi ko rin alam. Siguro baka sa kung anong hangin ang nagdala nito dito sa blog ko. Sabi nga ng asawa ko, wag ko daw i-blog para "humble" ang peg ko. Nyahaha! Haru humble daw?! Pero talagang sa ganitong paraan ko lang din sila mapapasaya. KM, Krizza, Lainy, Ate Rovs at lalong lalo na kay Baby Bella, pinasaya nyo ko ng to the tenth power! At ang gaganda nyo! Kayo ang number one sa puso ko. Asahan nyong mamahalin ko pa kayo nang ganap na ganap at mapapangiti lagi sa mga post ko dito! AYLABYU ALL!!!

Ooooopss! Photo credit to their blog sites nga pala. Hihi. Just for fun!

Isang nakakatambling nang paulit-ulit na happiness ito, kaya ili-link ko to sa:
Photobucket

Feb 9, 2012

Happiness Post Lang!

Kung may isang bagay akong ipagpapasalamat sa araw nato, ito yung pagkakaron ko ng bagong domain para sa Women's Choice blog ko... Oh well, hindi lang pala isa ang mga happiness ko ngayon, i-enumerate ko na ha?

Una: Bagong domain! Paulit-ulit? Haha! Kaloka. 

Pangalawa: Ang umaarangkada kong designs site na talaga namang love na love ko! Masaya pala ang gawin ang kinagigiliwang gawin na nakapagpapasaya ako ng bongga sa mga kapwa ko bloggers. Super ang bihis ng mga blogs nila ngayon at ineenjoy nila. Alam nyo na kung sino kayo!

Pangatlo: Ang maka-earn ng fans at likes sa designs site! Kung di pa kita fan, i-like lang ang page na ito. Rona's Fun Designs Facebook Fan Page 

Pang-apat: Magkaroon ng maraming cute at jolly friends sa mga bonggang bloggers na sila KM, na to the highest level ang success ng Happiness Meme.. Si Ate Rovs na sumisikat every week bilang waging-waging happy blogger... Si Krizza, na stage mom! at very artistic pagdating sa kanyang home designs and ideas... At si Algene na super cute na laging may giveaway para sa mga bloggers. 

Sa inyong lahat salamat sa suporta at pagtitiwala sa mga designs ko! hihi Happy lang talaga ko. At sa sponsor ko na si Algene na isinama ang pag-like sa fan page ko sa kanyang giveaway!!!

Nagpapasalamat din ako kay Dr. Calayan at Belo na nagsponsor ng bagoong lotion at shampoo. Haha.. Kaloka!

Sya! Tapusin na ang blog na to. Alam ko kekembular dito ang mga fans ko. I'll be waiting!!


Photobucket

Jan 23, 2012

Happiness is... Tawang Wagas na Wagas!!!

Isa sa mga pinakaborito kong larawan noong ginanap ang Wedding Thanksgiving namin sa Taiwan ay ito:


Hahaha! Sa wagas ng tawa nilang lahat lalo na ng father-in-law ko ay malalaman mo agad ang di matatawarang tuwa na talaga namang ganap na ganap! Hindi ko na matandaan kung anong joke ang sinabi ng pastor dito para matawa sila ng ganito, pero ang alam ko lang ay tumawa din ako, yun lang, late reaksyon ang beauty ko dahil mega translate pa ang mahal kong asawa. Haha.. O diba? Ang saya saya! 

Sa tuwing makikita namin to, ang sarap pa rin ng tawa naming mag-asawa. Lovely talaga ang mga in-laws ko. Sister-in-law ko naman yung magandang dilag na yan. Kaya ayan! Happiness is Tawang Wagas na Wagas! Sapagkat hindi mababayaran ang sayang dulot ng mga ganitong larawan! Nawa'y nakapagdulot din ako ng happiness sa post na ito! 

Teka, tumawa ka na ba ng ganito kawagas? ;)

Share ko para sa bagong bago at bonggang bonggang Meme ni KM na:

Photobucket