Mar 23, 2012

Gumradweyt na si Hubby!

Walang mapagsidlan ang saya ko nang sa huling minuto ay nakompirma na gagraduate na ngang tunay si Hubby! Sa totoo lang, mula nung nakaraang Linggo pa hindi makatulog ang asawa ko kasi may isang subject pa siya na hinihintay ang grade. Nasa US na kasi yung professor na yun at thru email na lang pinasa ang papers nya. Umuwi ng US si Sir Matheny dahil  nagtuturo din sya sa isang seminaryo duon. At iyon nga, naglabas ng unang list ang school ng graduating class, wala ang pangalan nya doon!

Lunes, nag-email si prof at nangakong ifoforward na ang grade. Yun na lang talaga ang hinihintay! Deliberation ng Martes, wala pa ding naifoforward na grade. Siguro busy si prof kaya inemail ulit ni Hubby. That was 3 days before the graduation day!

Pagkatapos ng deliberation nung Martes, nagpaskil ulit ng list ng mga siguradong gagradweyt, wala pa din ang name ni hubby. ;( Gusto ko na din umiyak kasi baka hindi nga talaga makagradweyt pero siyempre puro pang-iencourage pa din ang lumabas sa magandang asawa. (nagawa pang umechos??) Hahaha!

Pero eto, Miyerkules ng umaga, ginising ko siya nang may bonggang bonggang smile! Sabi ko, punta na kami sa mall at bumili ng barong na gagamitin nya sa graduation. Hindi pa man kami sigurado dahil wala pa ngang grade, eh nagpunta na nga kami ng mall para bumili ng barong BY FAITH! Kay buti ng Panginoon! Pagkatapos naming bumili, pumunta si hubby sa registrar upang magconfirm, sa habag ni Lord ay umokey na nga. Natanggap na nila ang grade galing kay prof at tuloy ang ligaya! 

Ta-dah! Ayan na ang hubby ko! Marching with pride!
 
 Siyempre pa ang proud wifey kasama at ang mga pastor na sumuporta!
Dumirecho sa Tagaytay with supportive and kind professors to hubby.
Hubby earned a degree of Bachelor of Theology. Praise the Lord. Sa pagtuntong nya sa Masteral ay magpatuloy ang katapatan at kasigasigan. Dahil sa mga nangyari, muli naming napatunayan kung gaano kabuti ang Panginoon basta't manatiling nakakapit nang may buong pananampalataya at walang pag-aalinlangan. Amen.

Share ko sa Happiness is!
Photobucket

20 comments:

  1. yay! congrats sa hubby mo Sis :-) that is one happiness to share with and be proud of :-) Returning the visit from Happiness Is...

    http://www.tropical7107islands.com/2012/03/finally-applied-for-a-us-passport.html

    ReplyDelete
  2. Congrats to your hubby Ning. I feel happy for the both of you as well. Talagang bagay naman sa kanya ang binili nyong barong. Gratz. I can imagine how proud are you.

    Miss u! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Krizzy! I am really a proud wifey! Missin u too!

      Delete
  3. congrats kay pastor hubby mo at sa iyo din, rona! naiyak naman ako ng konti dito, teh :') tinetest lang pala ni Lord ang inyong faith at patience :) nung bumili kayo ng barong, sabi ni Lord, nakapasa daw kayo sa test :D ganda ganda mo naman, teh. bagay na bagay sayo ang mwinwi skwirt at stwockings na itwem *imajinin mo pano ko sinabi yan* hehe. hindi nga maitatago ang iyong kasiyahan kasi sa lahat ng pichurs diyan, abot hanggang tenga ang iyong ngiti. okei lang na umetchos ka kasi yun naman ang role ng misis, kaya nga ako sa graduation ni vince, eetchos din ako ng bongga. haha! gagradweyt na din si vince sa june, so excited na din ako. abangan mo at i-b-blog ko yun for sure.

    eto na muna ang dalaw ko for Happiness Is. sumilip lang ako at bisi-bisihan pa din ang lola mo. pero dahil na-miss kita, ikaw ang unang una kong dinalaw at kinumentuhan! :) chicka with you later. muah! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aw aabangan ko yang pag-etchos mo sa grad ni dokie! Kailangan lubos lubos Kung eechos ka ha? Hahaha.. Natouch akes at Ako ang pinakauna mong dinalaw!

      I miss u na sis! Soooo much! Makikinig nako ng part 2 ng love story soon!

      Delete
  4. congrats sa hubby mo rona!dapat lng n proud c wifey sa hubby nya kitang kita ang kasayahan nyo dalawa sis.

    ReplyDelete
  5. congrats kay hubby at sa very proud na wifey ;)

    ReplyDelete
  6. Kitang-kita talaga yung happiness, congrats!

    Visiting and joining happiness for the first time- hope you can stop by:)

    http://www.loveablecassandra.com/2012/03/i-love-this-smile.html

    ReplyDelete
  7. wow! proud na proud si ningning! congrats sa inyong dalawa.. at taka ka sister..GOD is good talaga!

    AMEN!

    ReplyDelete
  8. congrats sa hubby mo, super saya talaga ni hubby, dropping for happiness is, see you at

    http://www.pinaysinglemomsnook.info/thanks-to-you/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat Sis. Bisitahin kita soon.

      Delete
  9. Congrats to your hubby! Ang ganda ng mga ngiti nyo sa pictures! happiness o the max talaga!
    Happiness is
    Pyromusical Competition

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Anney! Ngiting parang walang bukas ano? Haha! Dalaw ako sayo soon.

      Delete
  10. waaaa :) namiss ko bigla ang UTS.. sana may picture kana din ng salakot teh :) nyahahaha...
    congrats kay hubby obang huh!! patience is a virtue talaga!!! sobrang saya mo teh!!!

    >> ako din, kahit nga hindi graduation bumibida ako. Basta pagdating kay hubby, kelangan all out... stand out tayo!! cheers to that!! bwahahaha

    >> nalate ng dalaw from happiness is :)

    ReplyDelete
  11. Congratulations to your hubby! So sorry for the late visit!

    ReplyDelete

Magreact ka lang!