Feb 24, 2012

Ang Kwento ng Durog na Tawas

Uy, hello! Kamusta ka? Alam ko, naparito ka dahil sa napagka-interesting baching baching ng titulo ng post na to. Tama? O sige di na kita pasasabikin pa. Eto na ang kwento.

Tawas. Ano nga ba ang tawas?
imaheng hiram kay mr. google
Ang tawas ay iyong puti, mala-porselana at kumikislap kislap na bagay na animo parang isang crystal. Mayroong dalawang uri ito. Ang buo at ang durog na tawas.

Ngayon naman ay alamin natin kung ano ang gamit ng tawas.

UNA: Ito ay nagsisilbing gamot sa mga singaw natin sa bibig. Ay opo! Napakabisa! Isa ito talagang magic kung makapanggamot ng singaw. Yun lang, asahan na ang hapdi at sakit habang ina-apply ito. Siyempre diba? Hindi mo pa nga ginagalaw yung singaw, napagkasakit na. Eh yun pa kayang magmumog ng tubig na may tawas?! Pero diba, ika nga, "No Pain, No Gain". In just a minute, PATAY ANG SAKIT!".

PANGALAWA: Hindi lang gamot ang tawas, alam nyo bang nakakapagpaputi din ito ng kili-kili? Ayan mga girls, I know, I know.. Isa yan sa mga million-dollar-question pero ito ay totoo. Ito na din ay dahil napaputi nito (ng bahagya) ang aking kels. Nyahaha! Oo di ko na ikakahiya. Pero talagang mabisa. Para sa akin ha? Di ko lang alam sa iba.

Eto ang maa-achieve na puti ng kili-kili kapag gumamit ng tawas:
kay Mr. Google ko din kinuha 
PANGATLO: Ang buo o durog na tawas ay nakakatulong ma-prevent ang bad odor  sa katawan. Meron akong kaibigan, hindi lang sa kels ina-apply ang tawas kundi pati sa buong katawan. Inihahalo nya ang konting budbod ng tawas sa huling timba na kanyang huling banlaw. Teka, paalala. Wag naman OA sa paglagay. Konting konti lang para lang smooth ang skin at fresh after maligo.

Alam ko maraming makakarelate sa inyo sa kwento ng tawas na ito dahil noon. . . nong di pa naimbento ang mga roll-on o underarm sticks, ay tawas din ang gamit nyo. AMININ! Diba, nung mga panahong nagsisimula ka nang magbinata at magdalaga, si Nanay o si Tatay ay nagpapaalala nang lagi na gumamit ng tawas sa kili-kili para naman di nakakahiya sa mga crush sa school. Haha. Balik tanaw!

O siya! Kapulutan nyo sana ng sangkarumakot na wisdom at walang kasing-wagas na happiness ang post na ito. Kaugnay nyan, ili-link ko na din ang tawas na durog sa!!!
HAPPINESS IS
Photobucket

48 comments:

  1. walang halong kasinungalingan at pawang katotohanan lang, sa buong buhay ko isang beses lang ako gumamit ng tawas ... at yun eh para sa singaw ko. pagtapos nun, sinumpa ko na yang tawas na yan. hahaha! although maraming buhay na patotoo ang tawas na ito tungkol sa pagpapaputi hindi lang ng kels pero pati na din ng ngets at kots, never ko din inattempt na gawin yun. baket? wala lang, tamad ako sa mga seremonyas. yun ngang walang seremonyas, inaabot na ako ng isang oras sa pagligo, dadagdagan ko pa ba ng anek aneklabum pa? hahaha! in reality, lumaki lang akong walang ganong arte sa katawan. kung kelan tumanda at inugat saka pa ako natuto mag inarte. late bloomer nga. LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay jusme! Late bloomer ka din? E ako nga din! Nung college lang ako naging conscious sa aking sarili. Nung highschool wala akong keber kung nangangamoy man ako or what. haha! Walang biro. Ang jonget ko nun. Napakaitim at napakapayat! Tanong mo pa kay Ferry. Sa susunod papakita ko pic ko sa inyo.

      Oo, mabisang pampaputi kemers ang tawas. Pero slight lang ung epek sakin eh. Siyempre nung naimbento na si roll on, gumradweyt na ko sa tawas noh? hahah! Natatawa ko sayo, hindi ka na nakakapanood ng sine, di ka pa nakapagtawas? wagas!!!

      Delete
    2. naku teh, paitiman at papayatan, lalabanan kita. haha! hindi ko na inattempt pang gumamit ng tawas or kahit anong whitening lotion or kasi feeling ko umubos man ako ng trak trak, ganito na talaga ang kulay ko. hehe.

      pero sa maniwala ka ulit o sa hindi, never akong gumamit ng roll on na yan. until now, birhen pa sa ganyan ang kels ko. hindi pa nadadampian ng kahit anong bilog na roll on 'to. ay teka nga, change topic na nga, at baka ma-ban na talaga 'tong blog mo. hahahah!

      Delete
  2. teh, nga pala, bumalik lang para itanong kung na getchingbelles mo anetch ang ngets at kots. hahaha! kung hindi kasi, gusto mo i-translate ko sa bekspression lane? LOL.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, intiendes muhendes ko yan! singets at kuyu-kots! aw! maba-ban ang blog ko neto sayo! hahaha

      Delete
    2. haha! nadali mo, pak chumenelyn forte boom! ikaw na, ikaw na talaga ang masarap i-beki, fastness monster maka getchingbelles bumbumley. lol.

      Delete
    3. hehe betchay ketch yang kudaan nyo. betchay ko din tawas kasi iwas kyawti at parang kiwi ung deodorant na ginamit ko. tawas morayta na, ganders pa sa bortabels-take note witit lang sa lekibels, pati sa bortabels! Pakak!

      Delete
  3. bwahahaha dami kung tawa dito Obang!! nyahaha :)

    >> nakarelate ako teh! lalo na sa kels pati sa singaw!! hehe -->> until now ginagawa ko pa yan... yung sa singaw huh, may roll on na ako eh :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang saya saya diba? Nakarelate ang lahat! Onli in da Pilipins!!

      Uy, graduate ka na din sa tawas??? hahahaha!!

      Delete
  4. NAman! Sobrang nakakarelate ang Lola mo dito! LOL! OO na! Inaamin ko, gumamit din ako nyan noon. Pero di maganda ang naging epekto sakin, nagkabaskil si akekels kaya kelangan kong maghanap ng solusyon. Buti nalang at merong nakaimbento ng deodorant. Pero yong akin, kelangan pang bilhin sa US. Tenkful naman ang Lola mo at meron akong generous friend na nags-supply sakin, kaya eto! No problemo sa kels,hahaha! Pero sa singaw, naman! Kelangang tiisin ang sakit!

    Curious ako. Talaga bang nakakaputi ng kels? Sample nga! LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. BASKIL! Lol tawa ko ng tawa!! Pero oo, bakit ganun nga ang tawas, nakakabaskil. Sa totoo lang preferred ko pa din ang tawas ngayon kasi bukod sa unscented which is mas gusto ko, e tuyo agad ang kels pagkaligo. Yun lang, di na sya lasting di tulad noon. Binabaskil na akekels. Nag-shift na ko sa MILKU roll-on. Uy, ano yang product from US? Interesado ako! Magkano?

      Napaputi ang kels ko, sa pagtingin ko ha? haha. Gusto mo pa ng sample? Umayos ka! For my eyes onli. hahaha!!

      Delete
    2. Hay naku! Sinabi mo pa! Kainis yang baskil na yan! Ang ibang artista nga nag-undergo pa ng kung anong anek anek na procedure para mawala lang ang baskil. Di ko exactly alam magkano sya in the market kasi nga binibigay lang sakin.

      You can read here for more details. hehe!

      http://www.thefabchic.com/2010/07/12/i-am-for-certain/

      Delete
    3. Gusto ko ngang makita kung umepekto talaga sayo ang tawas eh, LOL! May kakilala ako, ang epektibo naman sa kanyang pampaputi ay calamansi. sa pagkakaalam ko, effective din daw talaga ;-)

      Delete
    4. nasubukan ko na din ang calamansi sa kels.. pero di ko kinareer kasi wala lang. tamad tamaran ever!

      Delete
  5. Hahaha..tawa ako ng tawa while binabasa ko to, muntik na tuloy maging ang princesa ko hahaha..anyway, agreed ako lahat ng sinabi mo, nung nasa pinas pa ako tawas gamit ko para sa kels ko pero since ng migrated ako dito sa Sweden deodorant na kasi naisip ko nung papunta ako dito if mgdadala ako ng maraming tawas baka ma hold ako sa airpot kasi baka ang isip nila is shabu hahahaha..kaya yun d na ako ngdala :(..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha!! Naiimagine ko ang wagas mong tawa Shy sa post na ito. Natutuwa akot napatawa kita ng bongga! Naloka ka ba?? hahaha! Kasi habang sinusulat ko to, naloloka na ko at nasasabik mabasa nyo!

      Eniwey, highway, tumawa din ako sa balak mong pagdadala ng tawas jan! Haha! Mapagkakamalan ka talagang nag-aangkat nyan ng shabu sa airport. LOL!

      Maraming salamat sa pagbabasa at sa pagtawa mo. My pleasure!

      Delete
  6. Narinig ko rin yan sa friend ko about ilalagay ang tawas sa tubig, no body odor daw talaga visiting from happiness mine is here My Little Home

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo mabisa noh? Salamat sa pagbisita!

      Delete
  7. dami kong tawa habang binabasa ko ang mga conversation nyo,isa rin ako sa gumamit ng tawas nung teenager ako,tas nung nagkatrabaho na ako,deodorant na gamit ko, nag level up na hehe pero infairness nakakaputi talaga ng under arm ang tawas, kaya lang dyahe kasi pagpapawisan kilikili mo pero wala naman amoy...tsk tsk

    ReplyDelete
    Replies
    1. binaskil ka din? bkit nga ganun noh? haha!

      Anyway, it's my pleasure to have made you laugh in this post! Masaya ang huntahan talaga dito kaya dalaw ka lang lagi. Jumoin sa fun!

      Delete
  8. Nang aking mabasa at tuluyang maintindihan ang nilalaman ng iyung kasulatan, parang gusto ko mag iwan na lamang ng mga mensaheng 'jalan-jalan' o kaya ung 'c iss you, c iss me back.'

    Subalit, kung iyong mamarapatin, nais ko sanang idagdag na ito din ay ginagamit para pangbabad sa paang umaalingasaw sa baho dahil sa walang humpay na pagpapawis habang nakasuot ka ng sapatilyo. Ito ay, sa aking opinyon, ay sadyang mabisa!

    Ako din ay minsang nasabihan ng aking butihing ina na ilagay sa singaw, at kagila gilalas na sadya ngang napawi nya ang sakit at hapdi na dulot ng karamdamang nasambit! Isang alternatibo ng tawas para panlunas sa singaw ay ang posporo subalit hindi ko pa sya nasubukan. Ipagpaumanin po.

    Lubusan akong nagagalak sa pagbasa ng iyong naisulat. Isang karangalan na ako din ay mabigyan ng karapatan na mag iwan ng sinasaluob ng aking damdamin.

    P.S. Kalamansi kasi ang pinapahid ko sa aking kilikili nung wala pa ako pambili ng dyodorant.

    Hanggang sa muli!

    ☺☺☺

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Talagang scholarly ka bumanat ng kumento Myke! Kaya nga ba pinakaabang-abangan ko ang mga dalaw at opinyon mo sa mga di naman masyadong seryosong bagay. At tunay ngang lahat ng nasambit mo ay kapupulutan din ng aral!

      At oo nga, nalaktawan ko yan. Yung tungkol sa umaalingasaw na paa. Maraming salamat sa karagdagan ito.

      Lubusan din akong nagagalak sa iyong pagdalaw at sa wagas mong karunungan!

      Hanggang sa muli nating huntahan!

      Delete
    2. Sobrang arayb na arayb naman ang pagbabahagi din ni Mike ng kaalaman nya... Hehehe

      Galing!

      Delete
  9. Hahahaha! Buti nalang at binisita ko ang site mong ito ate Rona. Napapabilib mo talaga ako sa husay mo when it comes to writing Filipino blog posts. How do you do it? Anyway, havey na havey ang pagdescribe mo sa Tawas. Hahaha. Hindi ako maka get over. Ikaw na. You na. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat dear Algene! Havey na Havey ba? Thanks!

      Delete
    2. Bakit ang galing niyo magsulat ni ate KM ng ganito ate Rona? Hehehe :)

      Delete
    3. Naku walang effort al, basta isulat mo lang kung pano ka magsalita sa tagalog. Ganun lang. Try mo.

      Delete
  10. aba chikahan ever pala dito..bat ngayon lang ako napunta dito?..
    late na kong late..ako naging concious nalang ako nung nagkaanak ako..hahaha..itiman ba ang usapan dito..hindi kayo magwawagi sa akin..hahaha..
    Visiting from happiness is... entry #33.
    My Happiness is..
    Happy Monday!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Nahuli ka nga. Pero di pa huli ang saya dito shengkay kasi laging may chikahan ditey. Sya, magcontest nga tayo ng paitiman ng kels nila KM! hahaha!

      Salamat sa pagdalaw!

      Delete
  11. Ang kwentong Wagas ng Tawas!!!...by Obang (hahahhaha)
    hnd ko ginagamit yan sa singaw... pamatay nmn eh!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Oy! Mabisa yan, try mo bukas, magkakasingaw ka eh. Gamutin mo agad. LOL!

      Delete
  12. hahaha! kakaloka... sobrang relate na relate ko naman ang mga nakasulat sa post na ito ning at pawang nasubukan ko na sa singaw sa lahat ng panahon... hehehe

    Totoong tutulo ang luha sa hapdi at sakit pero pagkatapos naman ay ginhawa.. Sa kels naman paminsa minsan lang pag mapag tripan dahil kagaya ni KM hindi ako masyadong gumagamit ng kung anong anek-anek sa wankata ko...

    Sa paliligo, ayun lang medyo natatagalan... Hehehe

    Salamat sa pagbahi ng iyong kaalaman. Hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. naloka ka ba ate rovs? Haha ang lahat naman including me lokaloka na sa post na to. Maraming salamat sa iyong pagdalaw!

      Delete
  13. hahahahaha.... naloka naman ako sa post mo Ron.

    Pero if nakakaputi yan ng Kels mo, haaaaay happiness nga yan... I like i like....

    Sana lang wag nyong gamitin ang tawas para sa singaw, na galing sa "kels" mo. Nyaaaaaaaaah.....

    Salamat sa pag dalaw mo Ron... dalaw dalaw ako dito ulit. Dalaw dalaw ka daw sa akin ha.... :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Grabe Lalah, buti pinaalala mo. Kaya pala kung minsan doble ang pakla ng tawas sa singaw, bka nga dahil galing sa kels ko? hahaha! Ang gross ko! Nuver!

      Delete
  14. I dont know your language :p
    but thanks for sharing :D

    ReplyDelete
  15. naalala ko tuloy nong highschool pa ako, sinubukan kung gumamit ng tawas para pumuti and kili-kili ko..hahahaha..bumisita para sa happiness is, mine is up at

    http://www.pinaysinglemomsnook.info/one-fine-summer-of-2010/

    see yeah...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ka nag-iisa Rosemarie! Sa lahat ng kumumento dito, nakarelate. Apir!

      Delete
  16. ang cute mo naman Sis :-) ang tawas bow! noong nasa Pilipinas pa ako gamit ko yan, in fairness d naman mabaho kili2x ko, ewan ko kung pumuti kasi morena kasi ako :-) Visiting late from Happiness Is, hope that you can return the visit too.

    http://www.sportyjess.com/buffalo-sabres-won-on-the-shoot-out/

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa akin meroong slight na epek kasi pumusyaw ng kaunti ang kaitiman ng kels. Haha!

      Ang tawas bow! Salamat sa pagdalaw!

      Delete
  17. ahahaha, sobrang tawa naman ko dito. salamat at sa wakas nakadalaw den. i needed a good laugh the last few days, and here it is pala. kaloka! ako ay lumaki sa probinsya at hindi uso ang deodorant duun, kaya ako ay certified tawas girl. mukha nga lang hindi umepekto saken ang whitening effect, ahehehe.

    salamat nga pala rona sa award! hindi pa ako nakakagawa ng post tungkol dun pero malapit. muli, maraming salamat sa tawas, este sa tawa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mai! Maraming salamat at nakadalaw ka na din sa wakas. Haha! Sooobrang naantig at napaligaya nyo kong lahat sa inyong pagtawa! Isang karangalan ang mapatawa ka lalot kailangan mo ng masarap na halakhak. Siya! Dalaw ka lang lagi kung gusto mo tumawa.

      Delete
  18. ha ha ha epic na post at epic na comment thread. sumakit ang sintido ko sa pag-unawa at pag-tawa.dami kong natutunan about tawas at side tips ha ha ha.

    @KM
    hinanap ko pang mabigyang linaw kung ano ang "ngets" at "kots" ha ha ha

    ReplyDelete
  19. Ang dami na ngang comments nito o! Nakakaaliw naman kasi talaga! hehehe!

    ReplyDelete
  20. hello mga teh! Nakakaaliw naman itong tunkol sa tawas na ito! Oi, nanay ko gamit na yan at yan din ang gamit ko ng high school ako. In fairness ha.. talagang nakakaputi sya ng kili-kili! haha!

    ReplyDelete
  21. Hi sa lahat nag sesearch about sa borax na currious ako sa blog na abt sa tawas..my friend use it washing her ...HHMM alam nyo na yun..mabisa at nag papasikip daw..lol sige na padaan lang ...pinakukuluan daw at warm ipang hugas in case u want to try..:)

    ReplyDelete
  22. masubukan nga den yan tawas sa singaw 1 week na kasi singaw ko sigurado ba talaga na mabisa yan kasi sabi nila ang hapdi daw,,pero ok lang kisa naman fourever akong magtiis ng singaw angsakit kapag binubuka ko ang bibig ko..gusto kuna talaga sya matanngal......hehehee,,,,maligamgam na tubig tapos tawas...saka imumug...i try this..perfect sa singaw...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi angelika! yes napakamabisa din nya talaga sa singaw! tiis nga lang sa hapdi.

      Delete

Magreact ka lang!

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...