Masayang balikan ang panahong minsan tayong naging bata, tama? Hay! Sa totoo lang ang happiness post na ito ay may halong kilig kapag inaalala ko yung mga kaganapan, kakulitan at di pangkaraniwang karanasan nung ako ay ganito pa kaliit!!
Yey! Yan si Ningning! Yan ako nung limang taong gulang pa lang ako. Ang cute cute ko diba? Aminin! Hahaha!
Ang damit na yan ang pinakapaborito ko sa lahat ng damit na ibinili sakin ni mahal na ina. Tatlo yan na iba-iba ang style pero ito ang tinitingnan kong lagi sa cabinet namin at gustong isuot kapag magsisimba kami. Sa edad na yan andami ko nang naaalala na ginawa ko.
Una, kabibuhan! Oist imadyinin nyo nga naman na sa ganyang liit ko entertainer na ko. Kapag may bisita kami, ibinibida na ko ng papa ko sa mga bisita. Sasabihin nya, "Ning, kanta ka dali". Dali-dali naman akong isasampa sa mesa ng mahal kong ama at kakanta na nga ako nang walang kaabog-abog! AT take note! With EMOTE pa at actions sa kamay na kala mo kontestant sa Kampeon ng Tanghalan!! Ito ang mga kanta ko: "Sayang na Sayang Lang ang Pag-Ibig Ko", "Mr. Dreamboy" at "Somewhere Out There". San ka pa teh! Hulaan nyo anong taon yan!!! Para sa clue, sa carpet pa lang sa likod ko, malalaman nyo kung kelan yan nauso. Kasama yan sa era. LOL!
Pangalawa, ka-istarirayan! Alam nyo bang buntot ako ng mama ko? Basta kahit san sya pupunta dapat kasama ako. Hindi sya makapagtago sakin. Isang araw, dumating ang Tita galing sa Bicol. Nasa Laguna kami nito nakatira noon. Busyng busy ako maglaro at intensyonal nga akong nilalaro ng Tita ko. Yun pala, dahan dahan na si Mama lumalabas ng pinto! Aba? Di pa din sya nakatakas sa paningin ko. Takbo ko sa pinto at humarang ang Tita ko. Ang lakas ng iyak ko at nagpupumilit sumama sa mama ko. Successful na sana ang pag-alis ni Mama nang marinig nyang tumili si Tita at napabalik sya ng bongga. Anong nangyari? Kinagat ko lang naman si Tita sa bukong bukong sa abot ng aking makakaya sa pagkalupasay ko. Ayan, palo ang inabot ni Ningning sa mahal na ina. Hindi na nga nakaalis ang nanay. Nakapag-isip isip siguro si Ningning at tumahimik sa isang sulok.
Pangatlo, picture addict! Opo. Si Ningning nang edad na yan ay napakapicture addict na daw sabi ng mama ko. Well, ang ganda naman talaga ng mga ngiti ko diba? Pano eh, nagpapraktis pa daw ako sa salamin ng ngiti. haha! Ako na yan! Ang cute cute ko!
Nang si Ningning ay lumaki, siya'y naging isang mabait na bata at anak. Haru! Oo, mabait ako pramis!
Siya, bago nyo tapusin ang post na to, kumaway muna kayo sa batang si Ningning at tiyak na mapapangiti nyo sya. Wag din kalimutang mag-iwan din ng masayang kumento sa baba! Ciao!
My share for: HAPPINESS IS
hahaha.. nice naman... :))
ReplyDeletehi espaks! Salamat at kumumento ka din. haha!
Deletekakatuwa naman, haha! lam ko ung Mr. Dreamboy, ke Sheryl Cruz ba yan? Shucks highschool na yata ako nyan, rona! love ko ang damit, naalala ko tuloy ung saken, tig isa kami ng sister ko. parang ganyan den pero pink. ka cute mo nga nung bata ka pa. kaway, kaway!
ReplyDeleteganda nmn ng kwento mo sis galing mo rin ha para lang hindi mkaalis ang mama mo kinagat mo tita mo tama un hehehe....cute mo dito sa picture bibo bibo talaga c ningning noon bata pa yun mga bisita sa nyo hindi maiinip kasi kinakantahan mo cla galing mo....aba tong mg kanta mo mr.dreamboy,sayan nasayang lang gustong2x k nice ng ngiti mo dito sa pics.sis n enjoy mo talaga un pgkabata mo ha ikw n ang makulit noon bata :)
ReplyDeletehahaha... kakatuwa talaga ang mga memories nung kabataan natin Ning at napatawa nga naman ako sa kwento ng batang Ningning.
ReplyDeleteKawawa lang si Tita at napagbuntunan ni Ningning nang malamang aalis ang mama nya. Bakit kaya ganyan ang mga bata gusto nilang lagi nakabuntot sa mga nanay nila.
Si Bella nga sa edad nyang ito hindi mo na malulusutan dahil lahat ng papasok sa bahay at sa kwarto nya hostage at hindi na pwdeng umalis. Hehehehe
Dalaw dito at na miss na din kita... Mwah!
ang cuteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee mo naman Ning2x paborito ko pa naman c Sheryl Cruz noong bata pa ako hehehe sarap basahin ng post ko :-) you make my day too :-) Dropping by for Happiness Is...
ReplyDeletehttp://www.mommies2ks.com/2012/03/i-won-a-raffle-basket.html
parang happiness talaga ang kabataan mo..ako parang hindi eh..pasan ko ang daigdig naman ang drama ko..parang hindi ako happy baby hahaha..pramis! parang la akong malalang masyado namasaya sa kabataan ko..masungit at inferior na bata ako..hahaha..at! wala akong picture nung maliit ako..meron man dati pero nabasa na lahat ni bagyong Ruping ata yun..
ReplyDeletebuti na lang happy nanay ako now sa anakis kong si Iris..para naman happy baby ang baby ko..
si emoterang kulot la pang happiness post..si shengkay pa lang..
http://shengkay.com/2012/03/i-won-mymemorysuite-software.html
Kakabilib ka naman Ning. Lahat ng pangyayari nung 5 years old ka eh tandang tanda mo pa. At "in full details" ha. hehehe.
ReplyDeleteWell...kakatuwa naman at maliit ka pa eh hilig mo na talagang kumanta sa harap ng madaming tao. May talent :)
Sorry nga pala ha kung now lang me nadalaw. Abala kasi ako sobra dito sa new job ko. Nabawasan talaga yung time ko for blogging. Sana naman wag nyo ako makalimutan dalawin kahit di ako ganu nakakadalaw sa inyo. Busy lang talaga eh. kakalungkot nga eh, kasi bihira ko na kayo maka chikahan at kasi bihira na din ako makabasa ng mensahe galing sa inyo. Sya...ingat na lang palagi.
Your yaya told me yesterday you were just adopted daw po. Sorry to be the one to break this news to you. According to her, you were just found on a pile of carabao poop while your parents were exploring their hacienda in bicol. They were disheartened by the sight of you so they asked the caretaker to take you in and clean you up a bit. While the mayordoma was giving you a bath (you were covered in poop all over), you started to sing. I think you sang "pearly shells" by Nora Aunor, that's as far as your yaya can remember. They were delighted by what they witnessed so they instructed the hermana mayor to arrange for your adoption. They baptized you with your new name, ningning.
ReplyDeleteThat's your story, not this one. Sorry. LOL!
Just messing with ya. Take care and God bless.
cute naman ni ning..katuwang balikan ang nakaraan..
ReplyDeletevisiting for happiness is
Oh, naalala ko tuloy yung kapanahunan nila Sheryl Cruz, Jennifer at Manilyn. Ang sayang balikan.. Talented ka pala masyado Ning at saka super cute pa:)
ReplyDeleteMe, here visiting you for happiness sana maka visit ka din sa bahay kubo ko:)
http://www.loveablecassandra.com/2012/04/at-niagara-falls.html
Totoo naman cute na cute ka nung bata ka hanggang ngayon naman e! nakakatuwa ka namn at dami mong napapasayang tao dahil entertainer ka. Bibang biba kung baga!
ReplyDeleteDespite ng iyong kabibuhan and all that, na tipong me pakaway kaway pa sa fans mong tila nagsasabit ng mga sampagita at humahalik sa pisngi mo habang umaawit ka ng "Sayang na sayang lang" at "Mr. Dreamboy" eh, separation anxiety drama queen ka din pala. Ayan, buti nga at napalo ka. Hahaha! Tama ba namang kinagat mo ang tiyahin mo?? LOL.
ReplyDeleteSalamat sa pag share nito. Natawa at natuwa na naman ako sa post mo'ng ito. Haaayyyy. Nakakagaang ng puso ang mga ganitong posts :)
Ang cute mo naman :) Salamat sa pagbisita sa blog ko. Have a great day :)
ReplyDeleteha ha.. ang cute..
ReplyDeletesalamat sa pag daan sa aking blog
here for happiness is
ang cute ni Ningning! hehe. halata ngang bibo sa ngiti palang bibong bibo na.salamat sa pgbisit sa akong happiness
ReplyDeleteYes, one cutie little lass. :) I miss my old photos when I was a little one when I saw your photo. :) Visiting you back!
ReplyDeleteAdin B
oo, cute talga! :)
ReplyDeletealam mo, parang ganyan din ung 3year old ko...lol
salamat sa pagbisita!
Alam mo ning, tawa ako ng tawa ng binabasa ko ito....nakakatuwa naman yong post mo. Lalo na yong mga awit na Sayang na Sayang...ang sara talagang balikan ang memories natin...
ReplyDeleteI enjoy reading your article. Anyways, napadaan nga pala sa blog mo, sana makadalaw ka rin sa blog ko. Thanks a lot :)
ReplyDeletehttp://angelowagan.blogspot.com/2012/04/masaya-mamasyal-lalo-na-pag-kasama-ang.html
naks ningning, may church song na "ningning" a, alam mo ba yon?
ReplyDeletenakakatuwa naman, bring back memories din on my end...at ang damit, parang may ganyan din ako green nga lang, naalala ko tuloy bigla! hehehe. tsaka ang mga kanta, wow...bibong-bibo ka talaga. pero pasaway din kasi nangangagat ka, mapapalo din siguro kita, lolz! but yes, great happy memories...sarap alalahanin, sigurado napapangiti ka nung sinusulat mo etong post mo na eto. galing ng batang si ningning and i am sure, you're still a great person now, wag lang mangagat ulit, ha! hehehe! visiting from last week's happiness is...hope you can visit me back. thanks and have a great week. :)
ReplyDeleteNingning! Ang cute mo at matindi ang "effort" sa pagtatagalog! Mabuhay ka kapatid! :)
ReplyDeleteRizza (beingwell)