Apr 20, 2012

Japeyk Nga Ba?

Haler mga blogkada! Muli ay inuulit ko, sa lahat ng tumawa, napahagalpak at tumambling sa tuwa sa Kwento ni Lelang at ni Nani... mas masaya akong napatawa ko kayo. Sa akin pa din bumanda pabalik ang kasiyahan. Ika nga, it's my fleasure!

So much about the pasakalye, sinabi ko sa sarili ko nung una pa na kahit keylan ay hindi ako magpapadenggoy. Fumeeling ako na madedenggoy yata kami nito lang Lunes. Ang mga workers and staff ng aming simbahan kasama ng kanilang mga pamilya, (kasama din ako syemps) ay nagpunta sa isang resort kung saan ang pangalan ng resort ay inisip naming 'japeyk'? Ito ay dahil Poracay ang pangalan ng resort. Ang totoo nyan, walang nakakaalam ng resort na to, siguro may mangilan-ngilan na.. ngunit, dapatwat, subalit ay ni isa mga kakilala ko ay hindi knowinggelles ang lugar na itey. Ini-status ko akchuali sa FB ang Poracay Resort, tapos may biglang nagcomment ng: "May Poracay? Siguro may Pohol din?" So, dahil sa curiousity na um-arise sa amin, minabuti pa din naming pumunta at siguraduhin kung ang resort ay tunay o japeyk. Kaya hinold ko muna nang matindi ang mga katagang: "hindi ka madedenggoy Ningning. Hindi!" (teka kakalma lang ako ng konti.... ayan pwede na)

Kaya eto, napag-alaman namin na ang lugar nga ay truelaloo! Voila! So, cancel na natin si japeyk. Erase.. erase. Eto na ang sobrang init ngunit bonggang bonggang lugar na aming pinuntahan para lang mag-unwind, magliwaliw at magswimming naman ang mga laging punong abala sa simbahan.

Tadah! Introducing.. the Poracay Resort!!! Hindi po Boracay.. Po-ra-cay! Getchingbelles?

Note: Ang Poracay Resort na ito ay located sa Porac, Pampanga that's why Poracay ang ipinangalan. Kacurious-curious kaya talagang dinayo. Napakadaming tao nang kami'y andun. Pagpasensyahan nyo na kung walang matinong pictures. Sadyang masaya ang trip na ito kaya nilubos lubos na namin! 

Yan si Pastor sa unahan ang nagpasimuno ng ganyang pose.

Poracay!

Sa Villa na napakaganda kung saan kami ngstay overnight. Paggising budoy pose ulit?

Kami ni Marrick having the same hairdo. Akchuali may performance di lang natuloy. Nyahaha!

Wacky pic with Ria!
Asyuswal, i-jojoin ulit ni Ningning ang Happiness na ito pati na din sa Color Connection.

Hanggang sa muli!
Photobucket

15 comments:

  1. hahaha kakatuwa ka talaga Sis Ning :-) sarap basahin ng mga Tagalog na mga salita(lalo nat ako ay isang Bisaya na ang hirap magsalita ng Tagalog) you made my day Sis, keep it up :-) Dropping by from Happiness is...Sis Ning, btw, I followed your NetworkedBlogs, pwede pafollow din sa akin? Salamat...

    http://www.e-newswithjessy.info/2012/04/meeting-amelia-segal-in-person/

    ReplyDelete
  2. ha ha ha ha wagas sakin eto...

    "May Poracay? Siguro may Pohol din?"

    bruha ka napa-tumbling mo na naman ako sa tawa :)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Inaasahan ko talagang may tatambling jan! Salamat sa pagtambling.

      Delete
  3. wahaha, Poracay talaga ang pangalan. gustong makahawig sa Boracay.. hehehe visiting from happiness is..

    ReplyDelete
  4. Hahaha Poracay at Pohol? Pwede lol! Love the Japeyk term ahaha navavakla ulit ako kakabasa nito lol.

    Thanks for joining Color Connection, have a great weekend!

    ReplyDelete
  5. Love the wacky shots! Katuwa namn ang name ng resort hehehe! By the way yung cam na ginagamit ko e canon 550D.

    ReplyDelete
  6. I'm glad na nakapagliwaliw ka pala ng bonggang bongga! Hahaha. That's nice. Na curious ako sa resort na yan Sis, parang gusto ko tuloy puntahan eh. Hahaha. Sayang talaga at wala ako sa Pinas this summer. Usually kasi nagpupunta din kami sa resort with the kids pag ganitong summer. Wala ka na bang mga pics ng makikita dyan sa Poracay Sis?

    Advance bisita sa happiness is kasi di ko pa nagagawa yung entry ko dun. Nyahahaha!!

    ReplyDelete
  7. nakakatuwa naman yang poracay, sayang walang pool shots!!

    ReplyDelete
  8. ayos ah.... PORACAY!hehe... oo nga, walang pool shots??? ^__^

    ReplyDelete
  9. visiting from happiness is. Kakatuwa ang post mo at pati mga pictures:) That is really what happiness is:)

    ReplyDelete
  10. How I wish we live close so I can visit the beautiful Poracay Sis Ning :-) salamat again sa tawa at lumaki ang aking bibig :-) Dropping by from CC.

    http://www.sportyjess.com/riding-his-atv/

    ReplyDelete
  11. Ang saya naman ng pictorial ninyo..He,he.. Akalain mo trueness naman pala si PORACAY, galing:)

    Visiting for Happiness- hope you can stop by:)

    http://www.heavenly-dreams.com/2012/04/watching-football.html

    ReplyDelete
  12. Visiting again for CC- hope you can stop by:)

    http://www.heavenly-dreams.com/2012/04/watching-football.html

    ReplyDelete

Magreact ka lang!