Showing posts with label ningning. Show all posts
Showing posts with label ningning. Show all posts

Mar 19, 2014

Vivid Dreams O Freaking Nightmare?

Wow! Ang tagal na panahon na pala mula nung huli akong nagsulat dito. Pasensya na kayo mga blogkada, sadyang may mga panahon na kailangan nating huminto sa mga nakasanayan nating gawin upang pagtuunan ng pansin ang mga mas mahahalagang bagay sa ating buhay. Pero, anu't ano pa man, eto na naman ang inyong lingkod para muling magbalik kwento sa kanyang buhay buhay at karanasan nung mga panahong sya'y pansamantalang nawala.

Ano nga ba ang mga kaganapan sa akin?

Unang una, kung naaalala ninyo ung post ko na kasalukuyan pa akong nangangarap at nananalangin na magkaroon na ng baby, guess what?? Oo, tama ka. Ako nga'y buntis na! Ipinagkaloob na din sa wakas ng Panginoon ang aking kahilingan.. ;)

Sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na may isang mumunting buhay na namumuo sa aking sinapupunan. Maraming masasayang thoughts ang naglalakbay sa isip ko mula nung dumating sya ngunit meron din namang mga pag-aalala. Siguro talagang normal yun lalo na at first time ko ito.

Para naman mapatunayan ko na masaya ang huntahan dito sa blog ko, nais ko lang ikuwento sa inyo yung mga nakakaloka, nakakatawa at nakapagtatakang panaginip na mayroon ako nitong mga nakaraang araw na may kinalaman sa aking pagbubuntis.

Dream No. 1: Chemistry Ba Ito?

Mga pitong linggo pa lang siguro ako sa aking pagbubuntis nung napanaginipan ko ito. Sa panaginip ko, napansin ko na palaki ng palaki ang tiyan ko. Which is normal lang naman talaga at di mapigilang mangyayari at mangyayari. Ang nakakapagtaka lang ay habang tinitingnan ko ang tiyan ko, lumalaki sya in a matter of minutes! Imaginine mo na lang na para syang lobo na binubombahan ng hangin at malalaman mo na lang malaki na sya. Lumaki ang tyan ko na kasinglaki ng syam na buwan na buntis sa loob ng 15 seconds! Kaloka!

So ang mahal kong nanay ay dumating at nakita akong nagfifreak-out dahil sa aking nasasaksihan. Nakatawa lang sya at lumapit sa akin. Sabi nya, "ano ka ba anak. talagang ganyan ano?"

Maya maya pa'y hinawakan nya ang malaki kong tyan. Binuksan nya ito, (may pintuan ang tyan ko?? hindi ko ito kinakaya) at may inilabas syang dalawang test tubes mula doon. Isang kulay blue at isang kulay green. Pinaghalo halo nya ung dalawang kulay at nilagay nya sa mas malaking test tube, ibinalik sa tyan ko at isinara ang pinto nito.


Sabi nya, ayan, maya maya lang ay magle-labor ka na. Nakatanga ako sa kanya at di makapaniwala sa kanina lamang na ginawa nya sa akin. Chemistry na ba ngayon ang pagbubuntis??? Tanong ko sa isip ko.

Magsisimula na sana ulit akong magfreak-out nang tumunog ang alarm clock ko at nagising. Buti na lang at panaginip lang ang lahat.

Kayo sa palagay nyo, anong ibig sabihin ng mala-siyensya kong panaginip?

HANGGANG SA MULI!

Photobucket

Feb 19, 2013

Nag-uumigting na Hangarin

Nitong mga nakaraang araw ay bigla ko na lang naramdaman ang kagustuhan kong maging nanay na din. Kung nung mga nakaraan ay wala pa sa plano ko ang magbuntis ngunit dahil sa operasyon na pinagdaanan ko, isang realisasyon ang dumating. Hindi na dapat pang magpaliguy ligoy pa. Kailangan ko ng maging ina.




Ilan na din kasi sa mga kaibigan ko ang mga happy moms na, at yung ilan ay mga expecting na din, at napakasaya ko para sa kanila. Sa mga status nila sa facebook, nagwonder ako. Kelan kaya na ako naman ang magpost na mga katagang na, "im pregnant!" Sa totoo lang, hindi ko pa ito hinangad right after na ikasal kami ng asawa ko. One year na kami ngayon, going two years by June at sa wakas, nag-uumigting na ang excitement at paghahangad sa puso ko na magkaroon na din ng sarili kong baby. Naiyak pako kahapon sa prayer ko habang hinihiling ko sa Panginoon ang bigyan nya na ako ng baby. Honestly, narealize ko din na ang pagbubuntis ay pinaghahandaan. Lalo ngayon na kailangan ko pa nga ng panahon para gumaling ng husto pagkatapos ng aking operasyon. Ika-anim na Linggo ko ito post-operation. Ayon sa aking OB doctor, we can start trying in 2 months time but I doubt that I need a couple more months to wait in order for my uterus to heal totally. At least 3-6 months para lang ma-avoid ang anumang infection or risks like miscarriage and all. Sabi nga nila, better wait than sorry. After all, I wont risk my health. Magaling ang doctor ko at super iningatan nya ang uterus ko sa operasyon pero sa pakiramdam ko ngayon, hindi pa handa ang katawan ko sa pregnancy. But hopefully, mabilis na lilipas ang panahon para sa time frame naming mag-asawa.

Sa ngayon, pinaghahandaan ko at pinag-aaralan ang katawan ko para sa pagbubuntis. Nagbasa basa ako ng mga helpful articles para malaman kung kelan ang ovulating days ko dahil sa napa-irregular kong menstrual cycle. In this early months kahit di pa kami trying to conceive dahil sa hindi pa pwede, ay may ginagawa na kong hakbang. I feel energized and hopeful for this! At naniniwala akong sa mga susunod na panahon, ang mababasa nyo dito ay updates na ng aking pagbubuntis. Andito na talaga ang hangarin sa puso ko na magkaroon na din ng aming little bundle of joy. And I claim it in Jesus name! At matatawag nyo na din akong, Mommy Ning!

God bless sa inyo! Aking hiling na mai-grant din ang desires ng inyong mga puso. Amen!

*imaheng hiram via google
Photobucket

Aug 25, 2012

Ang Dream Piano, Reality Na

A few years ago, nang makagraduate ako and earned a degree in Music, naging isa sa mga pangarap ko ang magkaroon ng sarili kong piano. Ito ay dahil na din para mahasa ako sa pagtugtog lalo na at kailangan ko pa ang matuto. Maigi na lang at halos linggo-linggo ng buhay ko, nakakapagpraktis ako sa church.

Pero hindi ko inaasahan na sa biglaang oras at panahon darating at magkakatotoo ang pangarap nato. Hindi man siya yung piano na ganun kamahal pero nagpapasalamat ako nang sa halagang Php29,000 ay makakagamit na ako ng kasintunog at katiklado ng piano! Electronic piano ito na 6 octaves ang haba at mayroong halos 80 tones na pwedeng pagpilian, plus SD card outlet na maaaring pag-imbakan ng mga piece records at talaga namang pangmatagalan ang quality. Mas masasabi ko pang mas masaya ako sa pianong ito dahil sa versatility niya at sa dami ng functions. Idagdag pa dyan ang wagas na discount na halos limang libo din from the original price! Tingnan mo nga naman kung gaano kabait si Lord at masusurpresa ka na lang.



Ngayon, masasabi kong isa ako sa pinakamasasayang tao ngayon dahil sa unexpected blessing na ito. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa church para magpraktis lalo't ako ngayon ang pianist for 3 months at nagtour sa Europa ang aming pianista.



Salamat Lord! Ikaw na! Ikaw na talaga!
Photobucket

Apr 27, 2012

Munting Pangarap ni Ningning

Hindi ko alam kung bakit ang mga naiishare ko dito ay yung mga kwentong maliit pa ko kasi nga malaki na ko ngayon. Ewan ko ba kung bakit palagi kong naaalala yung mga kaganapan nung bata pa ako. Siguro yun na nga yung tinatawag nilang, fulfilled daw ang slot na iyon ng aking buhay. Kumbaga, punong puno at super naenjoy. Korek yan. At ako ay isang buhay na patotoo pagdating sa mga karanasan at kwento.

larawang hiram kay Google
As far as I can remember, (naks, Ingles, pakibulsa na lang) simple lang akong bata. Mababaw ang kasiyahan, mabilis tumawa, mahilig maglaro at simple lang din ang pangarap. Dahil nga sa Bicol kami nun nakatira ng pamilya ko, kung saan ang lahat ng bagay ay pwede mong lakarin. Malapit sa iskul, sa palengke, sa simbahan, sa perya, sa swimming pool na nilulumot na sa halagang limang piso lang ay makakaswimming ka na, at sa hospital na halos sa isandaang steps lang ng maliliit kong biyas ay makakarating na ko. Ganun ang aming maliit na town. Ang totoo nyan, hindi din kami nakakasakay ng dyip noon kasi nga di naman kailangan. Dahil di mo kailangan lumabas ng maliit na town na iyon dahil andun na lahat ng kailangan namin. Mayaman na ang tingin sayo kung nakasakay ka ng traysikel galing sa palengke. Naku, parang may nabubulok na bagoong sa kumpol ng tao na sasalubong sayo pagbaba ng traysikel at pag-uusapan lang naman ang mga ipinamili mo. May maririnig ka pang tsismosa na, "ay dumating na nga ang Papa nila galing Maynila. Makapangutang nga mamaya". Naiimadyin nyo na ba ang setting? 

Oo, ganyan sa aming baryo noon. Ang mga tao, dahil nga sa maraming taon na nandun sila at ang pagluwas ng baryo na yun lalo na ang pagluwas ng Maynila, ay isang napakalaking akala, na ang makagawa ay mayaman. May pera. May datung. Dahil nga ang Papa ko nun ay dito sa Maynila nagtatrabaho at every other month ang uwi doon sa amin, naku pow! Asahan nyo na every other month din marami akong kalaro at kabati at every other month din maraming kaibigan si Mama. Pano, may mauutangan na naman sila. Inggitan din noon sa  compound na tinitirhan namin. Nung nagpundar kami ng TV, aba, isa isa na din nagkaroon ang iba. Nauso ang telepono, may gey-un na din sila. Pati component at electric fan.. Name it!

Dahil nga simpleng simple lang ang buhay namin noon, hindi ko din inisip na mangarap ng matayog. Pangarap ko lang noon maging maging cashier kasi tayp na tayp ko ang magcompute sa calculator. Kahit anong paraan ng pagrerequest ko nun kay Mama na bilhan ako ng calculator ay di umubra. Kaya ang ginawa ko. Naglalaro na lang ako mag-isa na kunwari nagpa-punch din ako ng mga items at magbabayad sila sakin at susuklian ko naman. Ganun lang ang buhay ko. 

Pero nung naisipan na nila Papa at Mama na enough na yung panahong nanirahan kami sa Bicol, lumipat na nga kami ng Cavite. Gumradweyt ako ng Grade 6 dito na din sa Cavite at nakita ko kung pano lumawak ang mundo ko. Mas marami nakong naging kakilala at kalaro at natuto na din mag-Tagalog. Alam nyo kasi nung nasa Bicol kami, kapag may taong nagsasalita ng Tagalog, mayaman agad ang nasa isip ng mga tao at galing sa Maynila. Ganun! Haha. Pero nagpapasalamat ako dahil sa mga naranasan ko dun, nakita ko kung sino ako at nagpapasalamat ako sa mga nangyaring pag-unlad sa buhay ko. Kuntento ako sa kung anong meron ako dahil mabuti ang Panginoon. Hindi man ako naging cashier pero naranasan ko din naman magcompute ng grades sa calculator nung naging teacher ako. O diba? Lumevel up pa!

O siya, naisip ko lang isulat at ishare ang munting Happiness na ito to everybody!

Hanggang sa muli!
Photobucket

Apr 26, 2012

Sakit-Sakitan


Nitong mga nakaraang araw ay nawalan ng boses ang inyong abang lingkod. Nagkaroon din ng lagnat noong Lunes although magaling na ngayon. Yun lang, ang boses na ginintuan ay nagtago ng ilang araw. Maigi-igi na ngayon habang sinusulat ko ang post na to ay may lumalabas nang boses kahit papano pero sadyang paos pa din. Mas malala kahapon at noong Lunes na lahat ng kumausap sakin, mas minabuti nang huwag akong tanungin ng kahit na ano kasi sila ang nahihirapang makinig sa sagot ko. Sabi ko nga sa kanila, lahat ng sasabihin ko ay sekreto dahil sa pabulong na paraan ko lang magagawa. Kaya mapagkakatiwalaan ako ngayon ng sekreto pramis. Hahaha! 

Ang totoo nyan, namiss kong magblog. At humihingi ako ng paumanhin muli sa mga di ko pa nababalikang pagbisita lalo na sa mga entries ng Happiness meme. Hwag mag-alala at ako'y nagbabayad ng utang. Mamamalayan nyo na lang ang pagsulpot ko na parang kabute sa inyong mga blogs. 

Sana lang talaga ay bumalik na ng bongga ang boses ko. May raket pa naman akong kakantahan sa Sabado. Pero sa lagay ng boses ko ngayon, baka hindi ko yun magampanan. HUHU. Kaya nga ba faithful akong uminom ng gamot. 

Hanggang sa muli!
Photobucket

Mar 30, 2012

Ang Batang Ningning

Masayang balikan ang panahong minsan tayong naging bata, tama? Hay! Sa totoo lang ang happiness post na ito ay may halong kilig kapag inaalala ko yung mga kaganapan, kakulitan at di pangkaraniwang karanasan nung ako ay ganito pa kaliit!!

Yey! Yan si Ningning! Yan ako nung limang taong gulang pa lang ako. Ang cute cute ko diba? Aminin! Hahaha! 

Ang damit na yan ang pinakapaborito ko sa lahat ng damit na ibinili sakin ni mahal na ina. Tatlo yan na iba-iba ang style pero ito ang tinitingnan kong lagi sa cabinet namin at gustong isuot kapag magsisimba kami. Sa edad na yan andami ko nang naaalala na ginawa ko.

Una, kabibuhan! Oist imadyinin nyo nga naman na sa ganyang liit ko entertainer na ko. Kapag may bisita kami, ibinibida na ko ng papa ko sa mga bisita. Sasabihin nya, "Ning, kanta ka dali". Dali-dali naman akong isasampa sa mesa ng mahal kong ama at kakanta na nga ako nang walang kaabog-abog! AT take note! With EMOTE pa at actions sa kamay na kala mo kontestant sa Kampeon ng Tanghalan!! Ito ang mga kanta ko: "Sayang na Sayang Lang ang Pag-Ibig Ko", "Mr. Dreamboy" at "Somewhere Out There". San ka pa teh! Hulaan nyo anong taon yan!!! Para sa clue, sa carpet pa lang sa likod ko, malalaman nyo kung kelan yan nauso. Kasama yan sa era. LOL!

Pangalawa, ka-istarirayan! Alam nyo bang buntot ako ng mama ko? Basta kahit san sya pupunta dapat kasama ako. Hindi sya makapagtago sakin. Isang araw, dumating ang Tita galing sa Bicol. Nasa Laguna kami nito nakatira noon. Busyng busy ako maglaro at intensyonal nga akong nilalaro ng Tita ko. Yun pala, dahan dahan na si Mama lumalabas ng pinto! Aba? Di pa din sya nakatakas sa paningin ko. Takbo ko sa pinto at humarang ang Tita ko. Ang lakas ng iyak ko at nagpupumilit sumama sa mama ko. Successful na sana ang pag-alis ni Mama nang marinig nyang tumili si Tita at napabalik sya ng bongga. Anong nangyari? Kinagat ko lang naman si Tita sa bukong bukong sa abot ng aking makakaya sa pagkalupasay ko. Ayan, palo ang inabot ni Ningning sa mahal na ina. Hindi na nga nakaalis ang nanay. Nakapag-isip isip siguro si Ningning at tumahimik sa isang sulok.

Pangatlo, picture addict! Opo. Si Ningning nang edad na yan ay napakapicture addict na daw sabi ng mama ko. Well, ang ganda naman talaga ng mga ngiti ko diba? Pano eh, nagpapraktis pa daw ako sa salamin ng ngiti. haha! Ako na yan! Ang cute cute ko!

Nang si Ningning ay lumaki, siya'y naging isang mabait na bata at anak. Haru! Oo, mabait ako pramis! 

Siya, bago nyo tapusin ang post na to, kumaway muna kayo sa batang si Ningning at tiyak na mapapangiti nyo sya. Wag din kalimutang mag-iwan din ng masayang kumento sa baba! Ciao!

My share for: HAPPINESS IS
Photobucket

Feb 19, 2012

Si Ning Kumakanta!!

Ayan! Excited na ba kayo? Oo, Ako nga yan, ang aspiring singer ng Bicolandia. Kasi sayang naman yung pag-aaral ko ng Music nung college. Yap! I took Music as a course, in fact voice major pa. Medyo di lang ako confident sa boses ko but I love to sing! Ako na yan talaga. Nanginginig na ang voice, matagal na di kumakanta e. So, sana ay inyong maibigan ang aking mumunting sorpresa!

Kanina lang ito sa aming chapel. Hinablot ko muna ipad2 ni hubby at eto nga ang resulta ng pinaggagawa ko nang di nya alam. Enjoy!

Photobucket

Feb 17, 2012

Happiness is Maging Sikat!

Hindi ko lubos maubos ang kasayahan nato. Actually, nakakaloka dahil ang si-sweet ng mga bongga kong blogger friends! Hindi ko akalaing mararanasan kong maging ganito kasikat at sa blogospero pa! Grabe. Nagpapasalamat ako dahil sa mga ginawa nilang ito para sakin. Appreciated ko Sissies!! Nakakaloka talaga to ng bongga! 
Alam kong idedeny nila to kasi maaaring unconsciously naisend nila tong mga fan signs sakin accidentally. Kung paano, hindi ko rin alam. Siguro baka sa kung anong hangin ang nagdala nito dito sa blog ko. Sabi nga ng asawa ko, wag ko daw i-blog para "humble" ang peg ko. Nyahaha! Haru humble daw?! Pero talagang sa ganitong paraan ko lang din sila mapapasaya. KM, Krizza, Lainy, Ate Rovs at lalong lalo na kay Baby Bella, pinasaya nyo ko ng to the tenth power! At ang gaganda nyo! Kayo ang number one sa puso ko. Asahan nyong mamahalin ko pa kayo nang ganap na ganap at mapapangiti lagi sa mga post ko dito! AYLABYU ALL!!!

Ooooopss! Photo credit to their blog sites nga pala. Hihi. Just for fun!

Isang nakakatambling nang paulit-ulit na happiness ito, kaya ili-link ko to sa:
Photobucket

Nov 26, 2011

Birthday ni Ningning!

Hello mga blogkada! Birthday ko kasi ngayon. So naisip ko lang iannounce. Haha. Papansin man sa tingin ng iba pero pagbigyan na, birthday naman eh. Hihi. May maipost lang. ;)

Photobucket