Showing posts with label piano. Show all posts
Showing posts with label piano. Show all posts

Aug 25, 2012

Ang Dream Piano, Reality Na

A few years ago, nang makagraduate ako and earned a degree in Music, naging isa sa mga pangarap ko ang magkaroon ng sarili kong piano. Ito ay dahil na din para mahasa ako sa pagtugtog lalo na at kailangan ko pa ang matuto. Maigi na lang at halos linggo-linggo ng buhay ko, nakakapagpraktis ako sa church.

Pero hindi ko inaasahan na sa biglaang oras at panahon darating at magkakatotoo ang pangarap nato. Hindi man siya yung piano na ganun kamahal pero nagpapasalamat ako nang sa halagang Php29,000 ay makakagamit na ako ng kasintunog at katiklado ng piano! Electronic piano ito na 6 octaves ang haba at mayroong halos 80 tones na pwedeng pagpilian, plus SD card outlet na maaaring pag-imbakan ng mga piece records at talaga namang pangmatagalan ang quality. Mas masasabi ko pang mas masaya ako sa pianong ito dahil sa versatility niya at sa dami ng functions. Idagdag pa dyan ang wagas na discount na halos limang libo din from the original price! Tingnan mo nga naman kung gaano kabait si Lord at masusurpresa ka na lang.



Ngayon, masasabi kong isa ako sa pinakamasasayang tao ngayon dahil sa unexpected blessing na ito. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa church para magpraktis lalo't ako ngayon ang pianist for 3 months at nagtour sa Europa ang aming pianista.



Salamat Lord! Ikaw na! Ikaw na talaga!
Photobucket

Feb 19, 2012

Si Ning Kumakanta!!

Ayan! Excited na ba kayo? Oo, Ako nga yan, ang aspiring singer ng Bicolandia. Kasi sayang naman yung pag-aaral ko ng Music nung college. Yap! I took Music as a course, in fact voice major pa. Medyo di lang ako confident sa boses ko but I love to sing! Ako na yan talaga. Nanginginig na ang voice, matagal na di kumakanta e. So, sana ay inyong maibigan ang aking mumunting sorpresa!

Kanina lang ito sa aming chapel. Hinablot ko muna ipad2 ni hubby at eto nga ang resulta ng pinaggagawa ko nang di nya alam. Enjoy!

Photobucket