Ayan! Excited na ba kayo? Oo, Ako nga yan, ang aspiring singer ng Bicolandia. Kasi sayang naman yung pag-aaral ko ng Music nung college. Yap! I took Music as a course, in fact voice major pa. Medyo di lang ako confident sa boses ko but I love to sing! Ako na yan talaga. Nanginginig na ang voice, matagal na di kumakanta e. So, sana ay inyong maibigan ang aking mumunting sorpresa!
Kanina lang ito sa aming chapel. Hinablot ko muna ipad2 ni hubby at eto nga ang resulta ng pinaggagawa ko nang di nya alam. Enjoy!
Grabe! Ang ganda ng boses mo ate Rona. Alam mo bang frustrated singer ako kaya nakakainggit ka :( Anyway, iPad gamit mo to take this video? Bakit ang linaw? hahaha
ReplyDeleteNagtataka talaga ako :D
Aw sarap naman pakinggan ng sinabi mo. Thanks! Gasgas na yan, walang practice. Nakaisip lang ulit magpractice kasi I was invited to sing in a worship service on March 11 at kasal ng best friend ko naman sa March 16.
Deleteyap, ipad nga. Naku malabo talaga gene, maliit lang yang nasa taas kaya luminaw. haha. Labya!
Ning, hindi ko alam pero na touch ako ng bonggang-bongga at para pa talaga sa amin ang kantang ito. Hindi ko napigilan at napaiyak ako pero kalaunan natawa rin at may "May I look at the camera" ka pa habang tumutugtog at kumukanta as if nasa harapan mo kami...hehehe
ReplyDeleteIsa ka talagang magaling na mag-aawit at musician. Inggit ako. Gaya ni Algene frustrated singer din kaya ako pero sige lang may Bella pa namang pwdeng maging singer gaya ni Tita Ning...Humanda si Bella...hahaha
Kakaiba talaga ang hirit mo ngayon ha. I am so blessed to have a friend like you and the "rest of the gang". Bigyan kaya natin name at least ang friendship natin para hindi na "rest of the gang" ang tawagan. Ano sa palagay mo Ning? Hehe
Keep it up. Ang iyong talento ay tunay na bigay ng Panginoon. Hugs!
Aw, grabe natouch kita sa malaanghel kong voice! i can imagine how you were teary-eyed ate rovs tapos binasag yung emote mo ng pagtingin ko sa kamera. haha. Pasensya na, loka loka lang talaga si Ningning. Hindi naman ganyan ang mamat papa nya. haha!
DeleteTsalamat sa pakikinig! Para talaga sa inyo yan.
And yes! Why not? Sige pag-usapan namin ni Kemers ang pag-iisip ng pangalang yan sa rest of the gang. Or baka may bonggang suhestiyon kayo? Para maisiwalat yang naiibang kakengkengan ng ating samahan.
PS: Yung song naalala ko. Pansin nyo, pangsawi ito, pero kinanta ko in a positive way. Gusto ko kayong dalhin sa palasyo ko, kaya lang dahil sa di ko kayo nakikita, nilipad ng hangin ang pangarap ko. Pero happy kasi sa hangin ng internet tayo nagkakabaklaan! haha!
Nakikinig ulit sa kantang ito bago ako matulog ngayong gabi Sis...
DeleteKumusta ka? Medyo pagod pa ako but I am getting energy through blogging...Hehehe
Miss ko na kayo kahit iilang araw pa lang akong hindi nakakapag-bisita...
Hi Ning! Salamat ng maraming marami sa pag awit mo for us. Actually wala akong balak mag open ng blog tonight dahil nga sa busy ako pero bigla naisipan ko sumilip sandali at nakita ko yung message mo sa LTT blog ko. Kaya eto sugod agad sa blog mo para pakinggan ang awitin mong hinanda for us.
ReplyDeleteAng ganda ng boses mo Ning! Super ganda as in! At naloka ako dahil ibang iba yung timbre ng boses mo sa inaasahan ko. Pati sa pagsasalita walang halong kabaklaan. Hahaha.
On a serious note, same as Rovs, na touch din ako ng sobra at naluha din gaya nya. Siguro dahil madami akong emotions na pinagdadaanan sa ngayon. Masaya...malungkot at kung anu ano pa.
Salamat ng marami sa alay mong awit. Hindi ka lang pala magaling na designer, mang aawit pa at tumutugtog ng piano. Bonggang talentong kaloob ng Dyos talaga. I also feel happy and blessed for the kind of friendship that we have. In the blogosphere, we cannot only earn money but precious friends who are always there ready to cheer us up in a click of a mouse.
Hugs to u Sis! May God Bless u richly for all your love and kindness! Mwahhh!
Huhuhu! Grabe, I can feel every meaning to every word you say sis! Naluha din ako tuloy. Grabe teka grab muna ko pamunas. ;(
DeleteAnyway, I love the friendship too. I know that each of us, may mga pinagdadaanan sa buhay and blogging friends can make us feel better like us! Super treasured ko talaga kayo. Huhu. Ayan, nagkakadramahan na, hindi ko kasi inaasahang makakapagpaluha ako sa inyo tonight. But then thank you for being so touched. Ramdam ko talaga.
Ayan Ning, pag gusto ko mag emote, binabalikan ko tong awitin mo. Madaling araw na now, naisipan ko bumalik dito at pakinggan ka ulit umawit. Yun eh. Iba ang hatak mo eh. Hahaha...
DeleteGod Bless!!
Sis, sure! just come back if my singing helps you more in your emo mode. Kahit paulit ulit o tumambay ka pa. ;) Muah.. Did you receive my address already? Excited ako! hihi
DeleteOMG Ning! Di ko alam na kalahi mo pala si Regine! Nakakabilib naman! Super touched ako kasi "specially dedicated" para samin pala to! Di lang pala ang blog mo ang pumapalo sa takilya!
ReplyDeleteKumanta ka lingo-lingo at sigurado akong patok din yang album mo sa bloglandia, hehehe! Galing naman! Nakaka-proud! Di ka lang bumirit ha, nag-piano ka pa dito sa vblog mo!
At ang ganda mo pala talaga! Bibihira sa ating mga bloggers ang nagkaka-guts humarap at bumirit sa harap ng video, kaya WINNER ka para sakin! Kumanta rin ako noon para sa birthday ni Windy pero di ko carry ang humarap sa video, audio lang yong sakin. Ipapaubaya ko na sa inyo ng pinsan kong si Ally ang pagkanta at papalakpak nalang kami, hehehe.
Uy ha! Napapansin ko na na pag nararamdaman kong may mensahe ka para sakin, nagigising ako ng wala sa oras. Tingnan mo naman, 4:40 AM palang. Kanina lang ay naghihilik pako, ngayon nasa harap na ng PC ng wala sa oras, LOL!
Aabangan ko ang paglabas ng self-titled album mo ha! Hahakot ako ng fans para sumuporta sayo. Keep the fun going and again, aymproudofyou!
Sobrang dagitab sa puso Lains! At madaling araw pa talaga pinakinggan ang song ko. haha.
DeleteLavyah girl! THanks for those compliments! Uy magaling pala kumanta si Ally? Want to hear her sing as well. At naman! Nakatiyempo ang beauty ko ng mgandang anggulo. haha.
Pretty ako? wow! Iloveit!
OO Ning! In fact bumalik ako ngayon para pakinggan uli ang maganda mong boses at makita ang maganda mong mukha ;-)
DeleteLabyahtoo! Ikarir mo na ang pagperform. Bibili kami ng album mo, pramis!
Kumakanta si Ally. Dating female lead vocals ng Kuerdas Band, reggae band to ng mga kapatid ko. Gusto mong marinig? O sige. Hinalungkat ko pa sa baul nya ang isang video, hahahaha! Hanapin mo nalang sa post yong video, LOL! Contest entry nya kasi to sa pa-contest ko dati kaya medyo mahaba. hehehe!
SHARING A PIECE OF ME TO THE VIRTUAL WORLD
I am sure gagawa sya ng bagong video nya na live uli ang pagkanta, with matching kapa ng gitara nya ;-) Kayo na ang mga idols ko!
Di ka lang pretty no! Seksi pa! ;-)
Galing galing naman kumanta ni Ning! At hindi lang yun, galing din mag-piano. Ikaw na teh, ikaw na talaga ang talented ;) Salamat sa awit na'to, nakaka-touch :)
ReplyDeleteGaya ng sabi ni Lainy, ako din parang ilang beses na akong mag-attempt mag record ng song at i-share sa bloglandia *thanks, Lainy, for this term* eh talagang hindi keribelles ng powers ko. Kaya bilib ako sa'yo, dahil talagang ariba ng byuti mez sa harap ng camera :)
Keep it up, Ning. Karirin na ang voice major na yan :D
aw! Kemers! daming tenkyu! haha. Talentong bigay ni God. Blessed to have it. Ikaw? Pakita mo din ang talento ni Beki Mae ah? Abangan ko yan.
DeleteAnd about the camera, usually ayaw nya sakin. Chaka palagi pero ito, nakatiyempo ang beauty ko. Muah!
Ate, at home ka sa cam! :) "at home" talaga yung ginamit kong term ha! :)
ReplyDeleteGaling mo po ate.. Ang talented mo lang.
wow bongga bongga ng boses mo teh nkakaingit k nman tapos ganda pa ng song mo ikaw natalaga n sayu n lahat teh binigay n god...
ReplyDeleteLiezl! thanks! I thank God for this talent. Hindi naman lahat. Konti lang hehe.
DeleteHi Rona, great job on the singing!
ReplyDeleteAnd I'm also glad that you use your God-given talent to sing His praises. I'm sure He will bless you and your family even more.
Keep it up. By the way, I'll look for some of the songs that my friend made (I composed the lyrics and he did the music) and perhaps you can study it, sing it and upload it on youtube. We entered it years ago for the KBP song writing festival but since we don't have a singer and no proper recording equipment, I'm sure the screening committee never considered it.
See ya!
Wow! impressive! at kinanta pa ang paborito ko:) nakaka bilib Ronz marunong ka palang magpiano. One thing I wish I know how to play:)
ReplyDelete