Hindi ko alam kung bakit ang mga naiishare ko dito ay yung mga kwentong maliit pa ko kasi nga malaki na ko ngayon. Ewan ko ba kung bakit palagi kong naaalala yung mga kaganapan nung bata pa ako. Siguro yun na nga yung tinatawag nilang, fulfilled daw ang slot na iyon ng aking buhay. Kumbaga, punong puno at super naenjoy. Korek yan. At ako ay isang buhay na patotoo pagdating sa mga karanasan at kwento.
larawang hiram kay Google |
As far as I can remember, (naks, Ingles, pakibulsa na lang) simple lang akong bata. Mababaw ang kasiyahan, mabilis tumawa, mahilig maglaro at simple lang din ang pangarap. Dahil nga sa Bicol kami nun nakatira ng pamilya ko, kung saan ang lahat ng bagay ay pwede mong lakarin. Malapit sa iskul, sa palengke, sa simbahan, sa perya, sa swimming pool na nilulumot na sa halagang limang piso lang ay makakaswimming ka na, at sa hospital na halos sa isandaang steps lang ng maliliit kong biyas ay makakarating na ko. Ganun ang aming maliit na town. Ang totoo nyan, hindi din kami nakakasakay ng dyip noon kasi nga di naman kailangan. Dahil di mo kailangan lumabas ng maliit na town na iyon dahil andun na lahat ng kailangan namin. Mayaman na ang tingin sayo kung nakasakay ka ng traysikel galing sa palengke. Naku, parang may nabubulok na bagoong sa kumpol ng tao na sasalubong sayo pagbaba ng traysikel at pag-uusapan lang naman ang mga ipinamili mo. May maririnig ka pang tsismosa na, "ay dumating na nga ang Papa nila galing Maynila. Makapangutang nga mamaya". Naiimadyin nyo na ba ang setting?
Oo, ganyan sa aming baryo noon. Ang mga tao, dahil nga sa maraming taon na nandun sila at ang pagluwas ng baryo na yun lalo na ang pagluwas ng Maynila, ay isang napakalaking akala, na ang makagawa ay mayaman. May pera. May datung. Dahil nga ang Papa ko nun ay dito sa Maynila nagtatrabaho at every other month ang uwi doon sa amin, naku pow! Asahan nyo na every other month din marami akong kalaro at kabati at every other month din maraming kaibigan si Mama. Pano, may mauutangan na naman sila. Inggitan din noon sa compound na tinitirhan namin. Nung nagpundar kami ng TV, aba, isa isa na din nagkaroon ang iba. Nauso ang telepono, may gey-un na din sila. Pati component at electric fan.. Name it!
Dahil nga simpleng simple lang ang buhay namin noon, hindi ko din inisip na mangarap ng matayog. Pangarap ko lang noon maging maging cashier kasi tayp na tayp ko ang magcompute sa calculator. Kahit anong paraan ng pagrerequest ko nun kay Mama na bilhan ako ng calculator ay di umubra. Kaya ang ginawa ko. Naglalaro na lang ako mag-isa na kunwari nagpa-punch din ako ng mga items at magbabayad sila sakin at susuklian ko naman. Ganun lang ang buhay ko.
Pero nung naisipan na nila Papa at Mama na enough na yung panahong nanirahan kami sa Bicol, lumipat na nga kami ng Cavite. Gumradweyt ako ng Grade 6 dito na din sa Cavite at nakita ko kung pano lumawak ang mundo ko. Mas marami nakong naging kakilala at kalaro at natuto na din mag-Tagalog. Alam nyo kasi nung nasa Bicol kami, kapag may taong nagsasalita ng Tagalog, mayaman agad ang nasa isip ng mga tao at galing sa Maynila. Ganun! Haha. Pero nagpapasalamat ako dahil sa mga naranasan ko dun, nakita ko kung sino ako at nagpapasalamat ako sa mga nangyaring pag-unlad sa buhay ko. Kuntento ako sa kung anong meron ako dahil mabuti ang Panginoon. Hindi man ako naging cashier pero naranasan ko din naman magcompute ng grades sa calculator nung naging teacher ako. O diba? Lumevel up pa!
O siya, naisip ko lang isulat at ishare ang munting Happiness na ito to everybody!
Hanggang sa muli!
masarap balika ang alaala ng ating kamusmusan. Doon kasi malaya tayo. Simple lang ang buhay. Walang problema. Laro lang ang nasa isip natin noon.
ReplyDeleteHmmm.. saan ka po pala ulit dito sa cavite. nalimutan ko na eh :)
gandang araw :)
"Makapangutang na nga" wahhhhahhah tayong mga pinoy oo. Mabuti ka maging cashier. Ako alam mo anong ambisyon ko? Maging manicurista nyahahahahah! Yon lang kasi palagi kong nakikita. Mahilig si Mama ng home service e kaya mag manicurista tuloy anak nya.
ReplyDeleteSalamat sa dalaw dun sa kubo ko. Nakaka 'at home' (borrowing your words) rin dito sa place mo.
nakakatuwa talaga balikan ang ating kamusmusan hehe..dalaw dito from happiness is
ReplyDeletenakakatuwang basahin ang kwento mo..bigla ko tuloy naalala ang Mama ko, bicolana rin kasi sya gaya mo...napaisip ako dahil malamang ganito rin ang buhay nila noon...
ReplyDeletesalamat sa pagbisita mo sa bahay ko, sana madaan ka muli!
ang cute
ReplyDeleteNabanggit mo yung COMPONENT. Tingin ko magka-generation tayo. Hehe.
ReplyDeleteTulad mo, laking probinsya din ako. Kaya nakarelate ako sa kwento mo. :)
Buti ka nga maraming naalalang kaganapan sa buhay mo nung bata ka pa. That means pag tanda mo di ka basta basta magiging ulyanin. hehehe! Dahil sharp ang memory mo0!
ReplyDeleteTama sila, nakakatuwa talaga basahin ang kwento mo Ning. I love it! Hahahah! Dumalaw muli sa iyong tahanan. :)
ReplyDeletewow. childhood ^_^ na miss ko yung moments na yon :)
ReplyDeleteI love reading your story and your life's simple pleasures. Nakakamiss maging bata!
ReplyDeleteawww! sarap talaga balikan ang ating kabataan Sis Ning :-) salamat sa very inspirational na post mo at pinangiti mo naman kami :-) Dropping by from last weeks Happiness Is
ReplyDeleteAt home na at home nga ako dito! Tanda ko pa nong bata ako, lagi ko sinasabi na sana bata na lang ako forever! :-)
ReplyDeleteAng aking kumpanya ay handang magbigay sa iyo ng anumang uri ng pautang na iyong pinili kung maaari kang magbayad pabalik sa pagbabalik. Ang aming rate ng utang ay nababaluktot habang ibinibigay namin ang aming mga pondo sa pautang sa isang 3% na rate ng interes. Kami ay isang maaasahang tagapagpahiram at tinitiyak namin sa iyo na kung susundin mo ang aming hakbang sa hakbang na pamamaraan makakakuha ka ng iyong utang na aprubado at mailipat sa iyo. Huwag makipag-ugnay sa akin val: rebbecadonaldloancompany para sa higit pang mga detalye at kung paano ito gumagana
ReplyDeletePinakamahusay na alang
Mrs.Rebecca
Pagbati aking mahal
ReplyDeleteHindi ko talaga alam kung saan sisimulan ang aking patotoo mula sa dahil napakasaya kong pangalan ay Esteri Mumpung, mula sa Phillipine, Mrs Rebacca Alma ay dumating upang mailigtas ako sa aking buhay at pinunasan ang lahat ng aking mga kalungkutan.
Nakapagtataka kung naisip kong natapos ang lahat sa akin, labis akong may utang na loob na ang mga taong hiniram ko sa gang ay nilaban ako at pagkatapos ay inaresto ako bilang isang resulta ng aking utang. nakakulong nang maraming buwan ang biyaya ay ibinigay sa akin nang ako ay ma-uli at pinakawalan upang pumunta at kumita ng pera upang mabayaran ang lahat ng mga utang na natanggap ko kaya sinabihan ako na mayroong mga lehitimong online na nagpapahiram kaya kailangan kong maghanap sa mga blog na ako ay ginulangan. ngunit nang matagpuan ko ang REBACCA ALMA LOAN COMPANY, inutusan ako ng Diyos sa kanya at sa isang blog dahil ang pag-akit ko sa ito ay tunay na isang himala siguro dahil nakita ng Diyos na marami akong pagdurusa na dahilan kung bakit niya ako iniuutos sa kanya. Kaya't nag-apply ako nang may masigasig pagkatapos ng ilang oras na inaprubahan ng Lupon ang aking pautang at sa 24 na oras ay na-kredito ako sa eksaktong halaga na aking nilalayon para sa lahat ng ito nang walang karagdagang garantiya ng mga Personal na Pautang habang nakausap ko ka ngayon limasin ang lahat ng utang ko at mayroon akong sariling supermarket at pamumuhunan na nangyayari sa Pilipinas at Indonesia, magbubukas lang ako ng isang mall sa Malaysia hindi pa matagal na at hindi ko kailangan ang tulong ng ibang tao bago ako magpakain o kumuha ng pananalapi, kahit anong desisyon ko ay walang negosyo sa Pulis, ngayon ay isang malayang babae na ako.
Nais mong makaranas ng kalayaan sa pananalapi tulad ko, mangyaring makipag-ugnay sa Ina sa pamamagitan ng email ng kumpanya: (rebaccaalmaloancompany@gmail.com) makipag-ugnay din kay Mrs. Rebbacca sa pamamagitan ng numero ng whatsapp 14052595662.
Hindi mo maipagdebate ang katotohanan na sa mundong ito ng mga paghihirap na kailangan mo ng isang tao na makakatulong sa iyo na malampasan ang turnover financial sa iyong buhay sa isang paraan o sa iba pa, kaya't binigyan kita ng utos na subukan at makipag-ugnay kay Mrs. Rebacca Alma sa address sa itaas kaya ikaw maaaring malampasan ang mga problemang pampinansyal sa iyong buhay.
Maaari mo ring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng aking email: (esterimumpung77@gmail.com)) Palaging pagiging positibo kay Gng. Rebacca Alma dahil makikita ka niya sa lahat ng iyong mga hamon sa pananalapi at pagkatapos ay bibigyan ka ng isang bagong pananaw sa pananalapi at kalayaan upang malampasan ang lahat ng iyong pagkabahala . Pagpalain nawa kayong lahat.