Jun 2, 2012

Ang Bagong Tahakin ni Ningning

Hello mga blogkada. Kamusta na kayo? Medyo natagalan ulit ang beauty ko na magkuwento dito. Eto nakong muli.. Nagbabalik!

Eto ko ngayon, na supposedly nag-iimpake pero tinigil na muna at talagang di ko alam bakit tinatamad ako. Siguro talagang may sakit ako pag June. Kasi it's like every year in the month of June, naglilipat bahay ako.

2009 - nagrent ako ng bedspace sa Manila which is malapit sa school na pinagtuturuan ko.
2010 - naman from Manila to Pasay dahil nailipat ako ng school. Yan ang buhay ko, nakasalalay sa bossing at kung ililipat, walang reklamo. Go lang.
2011 - ayan! Ang pinakahappy na paglilipat dahil bagong kasal kami ni hubby. So, from Pasay to Cavite. Nagleave muna from work at nagsideline sideline at inenjoy ang first year ng married life.
2012 June - Ngayon na yan. Ngayon na kasalukuyan akong tumitipa ng mga letra na to. Akalain mong ganyan kabilis ang paglipas ng panahon??

Dapat ngayong June, babalik ako ng work. Medyo nakakapanghinayang din at expected na ng director ng school na babalik ako this year. Pero mas minabuti kong pagpasyahang mag-aral pa ng ilang units para maipursue ko na ang LET. Buti na lang nasabi ko agad at nakapaghanap sila ng bagong music teacher. I was so blessed din at natutuwa dahil nung time na nagdemo yung dalawang applicants, i was asked to be there and evaluate them. Ang kagandahan naman pareho silang natanggap at yung isa ay part-time teaching lang ang inaplayan.

So far, ang buhay ko ngayon ay may panibagong yugtong tatahakin. Alam kong mainam na din ang mag-aral habang wala pa kaming anak ni Hubs. At magiging mas mabuti din ang magiging profession na tatahakin ko pagkatapos kong gumradweyt. Alam ko din, na isa itong bagong hamon, hindi lang para sa akin kundi sa aming mag-asawa dahil pareho kaming mag-aaral ngayon. Tutulungan din naming makapasok this year ang kapatid ko at susuportahan na din. Hindi pa namin alam kung saan huhugutin lahat ng magiging gastos. Isa lang ang alam namin. Walang imposible sa Panginoon. Ang lahat ay kontrolado nya at ipagkakaloob nya hanggat kami'y naglilingkod sa kanya.

So, this is it! Sa Lunes, panibagong buhay at lokasyon. Totoo na talaga to. It's moving time and look forward na to the future. Wish me luck and happiness!

Ikaw? Anong bagong tahakin mo ngayong June?


Photobucket

5 comments:

  1. yeah, wish you luck and happiness! :)

    ReplyDelete
  2. It's nice talaga magbalik tanaw sa nakaraan noh? But trust that God has better plans for you kaya medyo naiba ang direksyon mo. I'm happy to hear na mag aaral kang muli at tatahak ng panibagong yugto sa buhay mo. I wish you the best of luck and happiness and fulfillment na rin sa bagong tatahakin mo. You and your hubs are both blessed with a good heart and this is enough reason to get that assurance that you will be both paid for all your love and kindliness. God bless you more Ning and hoping na sana you will continue to get in touch kahit bisi bisihan ka na.

    Hugs....Mwahh!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat sa mgaganda at nakakatabang puso na mga salita sis! Natouch ako sobra.

      Delete
  3. Hello kapafid!!!!!! wow1 suki ka pala ng lipat bahay..ako hindi masyado..
    Wow! congrats kong ganun..hala mag aral ka!..tama yan..habang wala pang baby continue to pursue your dreams..kasi I am sure if mom ka na full time mom na naman ang peg mo..
    Ako what keep me busy ba this June?..hmmm..busy with my online earnings/investment galore..nothing really life changing moments naman...chill chill lang..
    Tama ka GOD will provide talaga..
    so goodluck sa lipat bahay nyo..

    wag ka nang ma stress sa Firmoo...hehehe..

    ReplyDelete

Magreact ka lang!