Jul 24, 2012

Sapatos. Sapatero. Repleksyon

Nang ako ay nagsimulang maglakad at baybayin ang daan papuntang college ngayong araw, may mga bagay ang tumatakbo sa isip ko. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, napansin ko na sira na ang dulo ng takong ko.  Naisip ko agad agad na kailangan na ng atensyon ng sapatero ang mga takong ko. Hindi pa naman gaanong sirang sira na masasabi pero lumilikha na sya ng ingay kesa sa pangkaraniwang tunog lang. Sa Biyernes na darating, dadalhin ko ang naturang mga sapatos na ito sa Manila nang maipagawa na sa sapatero na ilang hakbang lang ang layo sa simbahan.



Ano naman ang repleksyon ko?

Kung maaalala nyo, kamakailan lang ay nagsulat ako  ng blog na puro rant, galit at inis. Muli, pagpasensyahan nyo na. Talagang kinailangan ko lang ilabas at masakit na sa dibdib. Pero alam nyo nakatulong. Katulad ng sapatos ko, ako ay napudpuran na ng takong. What I mean is, pasensya. Matibay na klase ng sapatos ang mga sapatos ko pero ngayon lang ulit sya napudpod. Napag-isip isip ko lang na ang tao ay para ding sapatos. May mga panahon na kahit gaano ka pa katibay at mahaba ang pasensya, darating at darating ang panahon na mapupudpod ka. Pinanday ka man ng Diyos na maging isang mapagpasensyang tao, still, hindi iyon guarantee na sa lahat ng panahon ay magpapasensya ka. Katulad ng sapatos ko, ako ay nanatiling tahimik sa napakahabang panahon. Pero katulad din nito, lumikha na din ako ng ingay. Ingay na dapat ilabas para naman ako ang makalaya. Isang paalala lang din ito na ako din ay nangangailangan na ng sapaterong huhubog sa aking muli na maging mapagpasensya at matibay at may kahinahunan ng loob. Salamat na lang at may mga ganitong repleksyon. Natututo akong lalong maging isang Kristyano sa kahit na anong oras. Ang pinagpapasalamat ko ay napalaya ko din ang sarili ko at ngayon ay happiness na!

Nalaliman ba kayo sa akda ko ngayon? Kayo nang bahalang humalukay ha?

Ikaw? Kelan ka nangailangan ng sapatero sa buhay mo?

Photobucket

10 comments:

  1. Hindi naman Sis. Tama naman ang mga sinabi mo. May punto ika nga. Ganyan talaga buhay Ning, tao lang tayo, nakakaramdam ng galit, sama ng loob at inis. Hindi yun kasalanan na maituturing. Bagkus iyon ay paraan ng pagpapalaya sa damdamin para maramdaman natin na tayo ay tao lang at nakararamdam. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aw sis! palakpakan!!! Ngayon lang ako nakabasa ng comment mo na direchong Tagalog eh. Haha. Anyway, yan naman ang punto ko talaga. Narealize kong tao talaga ko. Ang kainaman dun ay natuto ako at naluwagan. God bless you.

      Delete
    2. Hahaha!! Ganun ba? di ko yun napapansin ah. Kasi minsan di na ako nasanay magtagalog kasi majority ng office mates ko different nationalities. As in halo halo kami. Hehehe Bihira ako makapagtagalog in a week. Hihihi. salamat sa blog mo at may nakakausap ako ng tagalog. :)

      Delete
    3. Nasiyahan talaga ko at may "bagkus" pa! Bihira yan lumabas sayo. Haha.. Well, kapag gusto mong managalog, pumunta ka lang dito.

      Delete
  2. Tama ka po ate...

    Minsan kelangan natin ng sapatero para hubugin muli ang bagong sapatos... sobrang nagustuhan ko ito, naka-relate ako. salamat sa iyong post :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isang kasiyahan sa akin ang magustuhan mo ang akdang ito! Ang galing. Nakarelate ka din. Kung may time ka, ikuwento mo din sa akin pano ka nahubog ng sapatero.

      Delete
  3. Ate Ning, ngayon lang po ulit nakadalaw! :)

    Mayged... Dumugo utaks ko sa lalim nito! hehehe! :)

    akchawali po, ilang years na din akong di nakakapunta sa isang sapatero para magpakonsulta ng sapatos ko kasi maingat ako sa sapatos eh! hahaha.. pero honestly, madalang lang akong magsapatos. Kapag may event kembular lang! hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aw ikaw na ang mangat sa sapatos. Salamat sa muling dalaw marie!

      Teka, kamusta na ang dumugong utak? Hihi

      Delete
  4. Ang ganda sis! Ang pagkakahambing sa upod na sapatos sa upod na pasensya. Tamang-tama.

    Ang sabi ko nga, tao lang tayo hindi anghel. Marami man ang bala mo sa pang-unawa darating at darating din ang panahon na mauubos ang pasensya kung wala naman ginawa ng taong iyong tinutukoy kundi ubusin ang iron pasensya mo.

    Sakin pag ganyan, kinakalimutan ko muna sya. Yung tipo bang hindi sya nag-e-exist. Iwas gulo, iwas wrinkles. Ang wrinkles sis yun ang pinaka-mahalaga. Nakakabawas sa hotness yan! he he

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Panalo ka sa kumento mo sis! Napahalakhak ako ng bonggang bongga. Mega emote man din ako sa unang bahagi ng kumento mo ng napatawa sa wrinkles na yan. Ang galing! Ikaw na yan!

      Delete

Magreact ka lang!