Ano naman ang repleksyon ko?
Kung maaalala nyo, kamakailan lang ay nagsulat ako ng blog na puro rant, galit at inis. Muli, pagpasensyahan nyo na. Talagang kinailangan ko lang ilabas at masakit na sa dibdib. Pero alam nyo nakatulong. Katulad ng sapatos ko, ako ay napudpuran na ng takong. What I mean is, pasensya. Matibay na klase ng sapatos ang mga sapatos ko pero ngayon lang ulit sya napudpod. Napag-isip isip ko lang na ang tao ay para ding sapatos. May mga panahon na kahit gaano ka pa katibay at mahaba ang pasensya, darating at darating ang panahon na mapupudpod ka. Pinanday ka man ng Diyos na maging isang mapagpasensyang tao, still, hindi iyon guarantee na sa lahat ng panahon ay magpapasensya ka. Katulad ng sapatos ko, ako ay nanatiling tahimik sa napakahabang panahon. Pero katulad din nito, lumikha na din ako ng ingay. Ingay na dapat ilabas para naman ako ang makalaya. Isang paalala lang din ito na ako din ay nangangailangan na ng sapaterong huhubog sa aking muli na maging mapagpasensya at matibay at may kahinahunan ng loob. Salamat na lang at may mga ganitong repleksyon. Natututo akong lalong maging isang Kristyano sa kahit na anong oras. Ang pinagpapasalamat ko ay napalaya ko din ang sarili ko at ngayon ay happiness na!
Nalaliman ba kayo sa akda ko ngayon? Kayo nang bahalang humalukay ha?
Ikaw? Kelan ka nangailangan ng sapatero sa buhay mo?