Apr 20, 2012

Japeyk Nga Ba?

Haler mga blogkada! Muli ay inuulit ko, sa lahat ng tumawa, napahagalpak at tumambling sa tuwa sa Kwento ni Lelang at ni Nani... mas masaya akong napatawa ko kayo. Sa akin pa din bumanda pabalik ang kasiyahan. Ika nga, it's my fleasure!

So much about the pasakalye, sinabi ko sa sarili ko nung una pa na kahit keylan ay hindi ako magpapadenggoy. Fumeeling ako na madedenggoy yata kami nito lang Lunes. Ang mga workers and staff ng aming simbahan kasama ng kanilang mga pamilya, (kasama din ako syemps) ay nagpunta sa isang resort kung saan ang pangalan ng resort ay inisip naming 'japeyk'? Ito ay dahil Poracay ang pangalan ng resort. Ang totoo nyan, walang nakakaalam ng resort na to, siguro may mangilan-ngilan na.. ngunit, dapatwat, subalit ay ni isa mga kakilala ko ay hindi knowinggelles ang lugar na itey. Ini-status ko akchuali sa FB ang Poracay Resort, tapos may biglang nagcomment ng: "May Poracay? Siguro may Pohol din?" So, dahil sa curiousity na um-arise sa amin, minabuti pa din naming pumunta at siguraduhin kung ang resort ay tunay o japeyk. Kaya hinold ko muna nang matindi ang mga katagang: "hindi ka madedenggoy Ningning. Hindi!" (teka kakalma lang ako ng konti.... ayan pwede na)

Kaya eto, napag-alaman namin na ang lugar nga ay truelaloo! Voila! So, cancel na natin si japeyk. Erase.. erase. Eto na ang sobrang init ngunit bonggang bonggang lugar na aming pinuntahan para lang mag-unwind, magliwaliw at magswimming naman ang mga laging punong abala sa simbahan.

Tadah! Introducing.. the Poracay Resort!!! Hindi po Boracay.. Po-ra-cay! Getchingbelles?

Note: Ang Poracay Resort na ito ay located sa Porac, Pampanga that's why Poracay ang ipinangalan. Kacurious-curious kaya talagang dinayo. Napakadaming tao nang kami'y andun. Pagpasensyahan nyo na kung walang matinong pictures. Sadyang masaya ang trip na ito kaya nilubos lubos na namin! 

Yan si Pastor sa unahan ang nagpasimuno ng ganyang pose.

Poracay!

Sa Villa na napakaganda kung saan kami ngstay overnight. Paggising budoy pose ulit?

Kami ni Marrick having the same hairdo. Akchuali may performance di lang natuloy. Nyahaha!

Wacky pic with Ria!
Asyuswal, i-jojoin ulit ni Ningning ang Happiness na ito pati na din sa Color Connection.

Hanggang sa muli!
Photobucket

Apr 16, 2012

Ayoko! Amin Lang Si Baby!

Nacurious ba kayo sa title mga blogkada? Well, Talagang kacurious-curious ang ikukuwento ko. Ito ay kuwentong katatawanan.

Naalala ko lang kasi nung nasa Bicol pa kami ng aking mahal na pamilya nakatira. Baby o sanggol pa ang bunso namin noon. Yung tipong hindi magsusurvive kung wala syang gatas na iniinom. At siyempre pa, dahil sa mahal ang gatas, mas mainam at mas malusog kung gatas ni Ina ang kanyang tatangkilikin, diba? Oo, siyang tunay. Gatas ni Ina ang kanyang pagkain sa araw-araw. 

Sa mga panahong yon, yung pangalawa sa bunso, ay sobrang protective sa baby bunso. Ang katunayan nyan, sa pitong magkakapatid, siya ang pinakalove na love ang bunso namin. Siguro 4 na taon pa lang siya non. Sa pagkakaalala ko, taong 1995 yun. Nasa panglimang baitang pa lang ang beauty ko. (kung masasabi na ngang beauty yon hahaha!)

Anyway, bigyan ko muna kayo ng konting clue sa napakaliit naming pamilya. Pito lang kaming magkakapatid. Take note, may LANG pa yan. Mula sa panganay hanggang sa akin, taon lang ang pagitan namin. Pangatlo ako sa magkakapatid. Puro kuya ang nauna, dalawang lalaki ulit ang sumunod at dalawang babae ang pinakabunso. Ayan, alam nyo na siguro kung anong gender ng protective kay baby. Tama, babae sya. At "Nani" ang tawag namin sa kanya. Akchuali, madalas may magtanong sakin noon kung bakit madami kami. Nagpaplanning daw ba sina Mama at Papa?? Ang sabi ko, "Oo naman! Sa totoo lang, nagpaplano pa ulit sila ng isusunod sa bunso." Tawa na lang sila. Kasi, tama naman ang sagot ko, diba?

So eto na nga ang kwento. Minsan isang hapon, dumalaw ang lola ko. 'Lelang' na pala to be exact kasi lola na sya ni Mama. Nang paalis na sya, biniro nya ang kapatid kong protective sa bunso. At eto nga ang conversation:

Lola: Akin na lang nene ang baby nyo ah? Uwi ko na sya samin." (habang karga-karga si baby at animo palabas na ng bahay.)

Nani (ang protective 5yr old Ate): "Ayaw! Hindi pwede!" (galit na galit)...

Lola: "Huwag kang mag-alala, aalagaan ko sya ng mabuti. Paiinumin ko din ng gatas".

Nani: HMP! Wala ka namang dede eh! (oops, hindi masyadong sensored yan ah?)

Lola: Meron ah! (sabay ipinakita ang hinaharap nya nang walang patumpik-tumpik! OMG!)

Nani: HMP! Bulok naman yan eh!!! 

Ayan, pagpasensyahan nyo na. Ang bata ay di marunong magsinungaling, tama? Haha! Sa totoo lang, wagas na wagas ang hagalpak namin nila Lola at Mama nang marinig namin ang sinabi ni Nani kay Lola. 

Hindi ko alam kung dapat kong ilink ito sa Happiness is dahil baka dumalaw ang MTRCB. Hahaha!

Hanggang sa muli!
Photobucket