Showing posts with label Katatawanan. Show all posts
Showing posts with label Katatawanan. Show all posts

Apr 16, 2012

Ayoko! Amin Lang Si Baby!

Nacurious ba kayo sa title mga blogkada? Well, Talagang kacurious-curious ang ikukuwento ko. Ito ay kuwentong katatawanan.

Naalala ko lang kasi nung nasa Bicol pa kami ng aking mahal na pamilya nakatira. Baby o sanggol pa ang bunso namin noon. Yung tipong hindi magsusurvive kung wala syang gatas na iniinom. At siyempre pa, dahil sa mahal ang gatas, mas mainam at mas malusog kung gatas ni Ina ang kanyang tatangkilikin, diba? Oo, siyang tunay. Gatas ni Ina ang kanyang pagkain sa araw-araw. 

Sa mga panahong yon, yung pangalawa sa bunso, ay sobrang protective sa baby bunso. Ang katunayan nyan, sa pitong magkakapatid, siya ang pinakalove na love ang bunso namin. Siguro 4 na taon pa lang siya non. Sa pagkakaalala ko, taong 1995 yun. Nasa panglimang baitang pa lang ang beauty ko. (kung masasabi na ngang beauty yon hahaha!)

Anyway, bigyan ko muna kayo ng konting clue sa napakaliit naming pamilya. Pito lang kaming magkakapatid. Take note, may LANG pa yan. Mula sa panganay hanggang sa akin, taon lang ang pagitan namin. Pangatlo ako sa magkakapatid. Puro kuya ang nauna, dalawang lalaki ulit ang sumunod at dalawang babae ang pinakabunso. Ayan, alam nyo na siguro kung anong gender ng protective kay baby. Tama, babae sya. At "Nani" ang tawag namin sa kanya. Akchuali, madalas may magtanong sakin noon kung bakit madami kami. Nagpaplanning daw ba sina Mama at Papa?? Ang sabi ko, "Oo naman! Sa totoo lang, nagpaplano pa ulit sila ng isusunod sa bunso." Tawa na lang sila. Kasi, tama naman ang sagot ko, diba?

So eto na nga ang kwento. Minsan isang hapon, dumalaw ang lola ko. 'Lelang' na pala to be exact kasi lola na sya ni Mama. Nang paalis na sya, biniro nya ang kapatid kong protective sa bunso. At eto nga ang conversation:

Lola: Akin na lang nene ang baby nyo ah? Uwi ko na sya samin." (habang karga-karga si baby at animo palabas na ng bahay.)

Nani (ang protective 5yr old Ate): "Ayaw! Hindi pwede!" (galit na galit)...

Lola: "Huwag kang mag-alala, aalagaan ko sya ng mabuti. Paiinumin ko din ng gatas".

Nani: HMP! Wala ka namang dede eh! (oops, hindi masyadong sensored yan ah?)

Lola: Meron ah! (sabay ipinakita ang hinaharap nya nang walang patumpik-tumpik! OMG!)

Nani: HMP! Bulok naman yan eh!!! 

Ayan, pagpasensyahan nyo na. Ang bata ay di marunong magsinungaling, tama? Haha! Sa totoo lang, wagas na wagas ang hagalpak namin nila Lola at Mama nang marinig namin ang sinabi ni Nani kay Lola. 

Hindi ko alam kung dapat kong ilink ito sa Happiness is dahil baka dumalaw ang MTRCB. Hahaha!

Hanggang sa muli!
Photobucket