Mar 23, 2012

Gumradweyt na si Hubby!

Walang mapagsidlan ang saya ko nang sa huling minuto ay nakompirma na gagraduate na ngang tunay si Hubby! Sa totoo lang, mula nung nakaraang Linggo pa hindi makatulog ang asawa ko kasi may isang subject pa siya na hinihintay ang grade. Nasa US na kasi yung professor na yun at thru email na lang pinasa ang papers nya. Umuwi ng US si Sir Matheny dahil  nagtuturo din sya sa isang seminaryo duon. At iyon nga, naglabas ng unang list ang school ng graduating class, wala ang pangalan nya doon!

Lunes, nag-email si prof at nangakong ifoforward na ang grade. Yun na lang talaga ang hinihintay! Deliberation ng Martes, wala pa ding naifoforward na grade. Siguro busy si prof kaya inemail ulit ni Hubby. That was 3 days before the graduation day!

Pagkatapos ng deliberation nung Martes, nagpaskil ulit ng list ng mga siguradong gagradweyt, wala pa din ang name ni hubby. ;( Gusto ko na din umiyak kasi baka hindi nga talaga makagradweyt pero siyempre puro pang-iencourage pa din ang lumabas sa magandang asawa. (nagawa pang umechos??) Hahaha!

Pero eto, Miyerkules ng umaga, ginising ko siya nang may bonggang bonggang smile! Sabi ko, punta na kami sa mall at bumili ng barong na gagamitin nya sa graduation. Hindi pa man kami sigurado dahil wala pa ngang grade, eh nagpunta na nga kami ng mall para bumili ng barong BY FAITH! Kay buti ng Panginoon! Pagkatapos naming bumili, pumunta si hubby sa registrar upang magconfirm, sa habag ni Lord ay umokey na nga. Natanggap na nila ang grade galing kay prof at tuloy ang ligaya! 

Ta-dah! Ayan na ang hubby ko! Marching with pride!
 
 Siyempre pa ang proud wifey kasama at ang mga pastor na sumuporta!
Dumirecho sa Tagaytay with supportive and kind professors to hubby.
Hubby earned a degree of Bachelor of Theology. Praise the Lord. Sa pagtuntong nya sa Masteral ay magpatuloy ang katapatan at kasigasigan. Dahil sa mga nangyari, muli naming napatunayan kung gaano kabuti ang Panginoon basta't manatiling nakakapit nang may buong pananampalataya at walang pag-aalinlangan. Amen.

Share ko sa Happiness is!
Photobucket

Mar 20, 2012

Hindi Na Nga Talaga Ako Bata

Hello mga blogkada, namiss ko kayo ha? Nagmumuni-muni lang naman ako dahil sa mga kaganapan sa buhay ko at ng mga kaibigan kong naging kasama ko sa lakbayin ng buhay ko.

Una na dyan ang makita kong ikinasal na din ang isa sa mga itinuturing kong kapatid. Actually, tatlo kami. Sila sina May at Grace. 


Marami kaming mga pinagdaanang saya at kulitan nung nasa dorm pa kami way back college life. Naalala ko, kapag panahon na ng chapel service na ginaganap ng Martes at Huwebes, gabi pa lang, nagdi-dress rehearsal na kami! Meron kaming malaking salamin sa dulo ng pasilyo ng dorm kaya alam nyo bang rarampa ang mga lola nyo papunta sa salamin para lang naman masilayan kung ano pag-iitsura namin sa mga damit. Haha.. Nariyang sabay-sabay din kaming maligo ng hubo't hubad, ayan, wala talagang keme yan ah?! Talagang wala na kaming itatago sa isa't isa. Kung minsan pa nga dahil nasisikipan kami sa mga shower cubicles, mismong sa entrance ng bathroom na kami naliligo. At siyempre, makikita agad kami ng mga gustong umihi dun kasi sa tapat lang din ng toilet cubicles ang kinaroroonan namin. Ang saya! Pano, eh sila pa ang nahihiyang tumingin samin? Eh bakit ba kasi? Pare-pareho naman may kung aneklabum sa katawan! Pero wag ka, jumoin din sila nung huli! Kakaloka! Para kaming nagmistulang magkakakosa sa kulungan. Hahaha! Ay jusme, marami kung iisa-isahin. 

Naikasal na din si May nung Biyernes lang. Ang ganda ganda nya at talaga namang napakasaya at napakaingay ng kasal nya. Kung pwede nga lang tumambling dun ginawa ko din eh. Pero siyempre inisip kong nakapalda nga pala ko ng bongga. So, di ko na tinuloy. Nagcheer na lang ako ng wagas para sa kanya. Meron pa isa, si Grace na nag-Rank 1! Topnotcher sa ordination exam nila. At magiging ganap ng Reverendo soon! Proud na proud akong kaibigan!

Sa lahat ng mga pangyayaring ito, naramdaman kong tunay ngang di na kami bata. Masarap alalahanin yung mga bagay na nakaraan. Mga kulitan at sayang kabataan. Kung pwede lang manatiling bata for life, why not?? Pero sadyang ganun ang buhay. Ang masaya, sa bawat pahina at yugto, may magandang nakasulat. Bow!
Photobucket