Showing posts with label kaibigan. Show all posts
Showing posts with label kaibigan. Show all posts

Mar 20, 2012

Hindi Na Nga Talaga Ako Bata

Hello mga blogkada, namiss ko kayo ha? Nagmumuni-muni lang naman ako dahil sa mga kaganapan sa buhay ko at ng mga kaibigan kong naging kasama ko sa lakbayin ng buhay ko.

Una na dyan ang makita kong ikinasal na din ang isa sa mga itinuturing kong kapatid. Actually, tatlo kami. Sila sina May at Grace. 


Marami kaming mga pinagdaanang saya at kulitan nung nasa dorm pa kami way back college life. Naalala ko, kapag panahon na ng chapel service na ginaganap ng Martes at Huwebes, gabi pa lang, nagdi-dress rehearsal na kami! Meron kaming malaking salamin sa dulo ng pasilyo ng dorm kaya alam nyo bang rarampa ang mga lola nyo papunta sa salamin para lang naman masilayan kung ano pag-iitsura namin sa mga damit. Haha.. Nariyang sabay-sabay din kaming maligo ng hubo't hubad, ayan, wala talagang keme yan ah?! Talagang wala na kaming itatago sa isa't isa. Kung minsan pa nga dahil nasisikipan kami sa mga shower cubicles, mismong sa entrance ng bathroom na kami naliligo. At siyempre, makikita agad kami ng mga gustong umihi dun kasi sa tapat lang din ng toilet cubicles ang kinaroroonan namin. Ang saya! Pano, eh sila pa ang nahihiyang tumingin samin? Eh bakit ba kasi? Pare-pareho naman may kung aneklabum sa katawan! Pero wag ka, jumoin din sila nung huli! Kakaloka! Para kaming nagmistulang magkakakosa sa kulungan. Hahaha! Ay jusme, marami kung iisa-isahin. 

Naikasal na din si May nung Biyernes lang. Ang ganda ganda nya at talaga namang napakasaya at napakaingay ng kasal nya. Kung pwede nga lang tumambling dun ginawa ko din eh. Pero siyempre inisip kong nakapalda nga pala ko ng bongga. So, di ko na tinuloy. Nagcheer na lang ako ng wagas para sa kanya. Meron pa isa, si Grace na nag-Rank 1! Topnotcher sa ordination exam nila. At magiging ganap ng Reverendo soon! Proud na proud akong kaibigan!

Sa lahat ng mga pangyayaring ito, naramdaman kong tunay ngang di na kami bata. Masarap alalahanin yung mga bagay na nakaraan. Mga kulitan at sayang kabataan. Kung pwede lang manatiling bata for life, why not?? Pero sadyang ganun ang buhay. Ang masaya, sa bawat pahina at yugto, may magandang nakasulat. Bow!
Photobucket