Aug 25, 2012

Ang Dream Piano, Reality Na

A few years ago, nang makagraduate ako and earned a degree in Music, naging isa sa mga pangarap ko ang magkaroon ng sarili kong piano. Ito ay dahil na din para mahasa ako sa pagtugtog lalo na at kailangan ko pa ang matuto. Maigi na lang at halos linggo-linggo ng buhay ko, nakakapagpraktis ako sa church.

Pero hindi ko inaasahan na sa biglaang oras at panahon darating at magkakatotoo ang pangarap nato. Hindi man siya yung piano na ganun kamahal pero nagpapasalamat ako nang sa halagang Php29,000 ay makakagamit na ako ng kasintunog at katiklado ng piano! Electronic piano ito na 6 octaves ang haba at mayroong halos 80 tones na pwedeng pagpilian, plus SD card outlet na maaaring pag-imbakan ng mga piece records at talaga namang pangmatagalan ang quality. Mas masasabi ko pang mas masaya ako sa pianong ito dahil sa versatility niya at sa dami ng functions. Idagdag pa dyan ang wagas na discount na halos limang libo din from the original price! Tingnan mo nga naman kung gaano kabait si Lord at masusurpresa ka na lang.



Ngayon, masasabi kong isa ako sa pinakamasasayang tao ngayon dahil sa unexpected blessing na ito. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa church para magpraktis lalo't ako ngayon ang pianist for 3 months at nagtour sa Europa ang aming pianista.



Salamat Lord! Ikaw na! Ikaw na talaga!
Photobucket

Jul 24, 2012

Sapatos. Sapatero. Repleksyon

Nang ako ay nagsimulang maglakad at baybayin ang daan papuntang college ngayong araw, may mga bagay ang tumatakbo sa isip ko. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, napansin ko na sira na ang dulo ng takong ko.  Naisip ko agad agad na kailangan na ng atensyon ng sapatero ang mga takong ko. Hindi pa naman gaanong sirang sira na masasabi pero lumilikha na sya ng ingay kesa sa pangkaraniwang tunog lang. Sa Biyernes na darating, dadalhin ko ang naturang mga sapatos na ito sa Manila nang maipagawa na sa sapatero na ilang hakbang lang ang layo sa simbahan.



Ano naman ang repleksyon ko?

Kung maaalala nyo, kamakailan lang ay nagsulat ako  ng blog na puro rant, galit at inis. Muli, pagpasensyahan nyo na. Talagang kinailangan ko lang ilabas at masakit na sa dibdib. Pero alam nyo nakatulong. Katulad ng sapatos ko, ako ay napudpuran na ng takong. What I mean is, pasensya. Matibay na klase ng sapatos ang mga sapatos ko pero ngayon lang ulit sya napudpod. Napag-isip isip ko lang na ang tao ay para ding sapatos. May mga panahon na kahit gaano ka pa katibay at mahaba ang pasensya, darating at darating ang panahon na mapupudpod ka. Pinanday ka man ng Diyos na maging isang mapagpasensyang tao, still, hindi iyon guarantee na sa lahat ng panahon ay magpapasensya ka. Katulad ng sapatos ko, ako ay nanatiling tahimik sa napakahabang panahon. Pero katulad din nito, lumikha na din ako ng ingay. Ingay na dapat ilabas para naman ako ang makalaya. Isang paalala lang din ito na ako din ay nangangailangan na ng sapaterong huhubog sa aking muli na maging mapagpasensya at matibay at may kahinahunan ng loob. Salamat na lang at may mga ganitong repleksyon. Natututo akong lalong maging isang Kristyano sa kahit na anong oras. Ang pinagpapasalamat ko ay napalaya ko din ang sarili ko at ngayon ay happiness na!

Nalaliman ba kayo sa akda ko ngayon? Kayo nang bahalang humalukay ha?

Ikaw? Kelan ka nangailangan ng sapatero sa buhay mo?

Photobucket