Apr 16, 2012

Ayoko! Amin Lang Si Baby!

Nacurious ba kayo sa title mga blogkada? Well, Talagang kacurious-curious ang ikukuwento ko. Ito ay kuwentong katatawanan.

Naalala ko lang kasi nung nasa Bicol pa kami ng aking mahal na pamilya nakatira. Baby o sanggol pa ang bunso namin noon. Yung tipong hindi magsusurvive kung wala syang gatas na iniinom. At siyempre pa, dahil sa mahal ang gatas, mas mainam at mas malusog kung gatas ni Ina ang kanyang tatangkilikin, diba? Oo, siyang tunay. Gatas ni Ina ang kanyang pagkain sa araw-araw. 

Sa mga panahong yon, yung pangalawa sa bunso, ay sobrang protective sa baby bunso. Ang katunayan nyan, sa pitong magkakapatid, siya ang pinakalove na love ang bunso namin. Siguro 4 na taon pa lang siya non. Sa pagkakaalala ko, taong 1995 yun. Nasa panglimang baitang pa lang ang beauty ko. (kung masasabi na ngang beauty yon hahaha!)

Anyway, bigyan ko muna kayo ng konting clue sa napakaliit naming pamilya. Pito lang kaming magkakapatid. Take note, may LANG pa yan. Mula sa panganay hanggang sa akin, taon lang ang pagitan namin. Pangatlo ako sa magkakapatid. Puro kuya ang nauna, dalawang lalaki ulit ang sumunod at dalawang babae ang pinakabunso. Ayan, alam nyo na siguro kung anong gender ng protective kay baby. Tama, babae sya. At "Nani" ang tawag namin sa kanya. Akchuali, madalas may magtanong sakin noon kung bakit madami kami. Nagpaplanning daw ba sina Mama at Papa?? Ang sabi ko, "Oo naman! Sa totoo lang, nagpaplano pa ulit sila ng isusunod sa bunso." Tawa na lang sila. Kasi, tama naman ang sagot ko, diba?

So eto na nga ang kwento. Minsan isang hapon, dumalaw ang lola ko. 'Lelang' na pala to be exact kasi lola na sya ni Mama. Nang paalis na sya, biniro nya ang kapatid kong protective sa bunso. At eto nga ang conversation:

Lola: Akin na lang nene ang baby nyo ah? Uwi ko na sya samin." (habang karga-karga si baby at animo palabas na ng bahay.)

Nani (ang protective 5yr old Ate): "Ayaw! Hindi pwede!" (galit na galit)...

Lola: "Huwag kang mag-alala, aalagaan ko sya ng mabuti. Paiinumin ko din ng gatas".

Nani: HMP! Wala ka namang dede eh! (oops, hindi masyadong sensored yan ah?)

Lola: Meron ah! (sabay ipinakita ang hinaharap nya nang walang patumpik-tumpik! OMG!)

Nani: HMP! Bulok naman yan eh!!! 

Ayan, pagpasensyahan nyo na. Ang bata ay di marunong magsinungaling, tama? Haha! Sa totoo lang, wagas na wagas ang hagalpak namin nila Lola at Mama nang marinig namin ang sinabi ni Nani kay Lola. 

Hindi ko alam kung dapat kong ilink ito sa Happiness is dahil baka dumalaw ang MTRCB. Hahaha!

Hanggang sa muli!
Photobucket

Apr 6, 2012

Bathe Me, I'm Dirty...

Isa sa mga kagalakan ko ang makapagpaligo ng mga bata sa lansangan! Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng ganitong experience. Sa totoo lang, ito ang isa sa mga longing ng heart ko. Ang makapagserve hindi lang sa church kundi pati sa community. I love reaching out and making people smile. At siyempre ang nagbigay ng heart na yan ay walang iba kundi si Jesus!

Oops! May tinakpan ako baka lang biglang mapadaan dito ang MTRCB.  Haha!
In fact, na-experience ko to twice na at ung last time ay noong February. Ang photo na yan sa taas ay noong 2010. Vacation Church School noon at naisipan naming mga teachers ang magpaligo sa mga batang ito para sila'y mabango bago pumunta sa kanilang mga classrooms. 5 days ang duration ng VCS kaya ginawa namin ito ng apat na araw tuwing umaga bago magsimula ang mga classes by level. Alam nyo bang ang mga batang yan ay yung mga natutulog sa daan along Luneta at Plaza Salamanca sa ilalim ng LRT UN station? Kaya hindi na nakapagtataka na wala silang source ng tubig para maligo. Ang nakakalungkot pa dun, wala silang damit na pampalit. Kaya hindi lang namin sila pinaliguan kundi naglikom din kami ng mga damit galing sa mga members ng church at iyon nga ang mga ibinihis namin sa kanila. 

Nakadagdag pa sa kasayahan ko ang pagsalubong nila sa akin kapag nakikita nila ako sa daan dahil around the church lang sila. Nakakatuwang pakinggan na "Teacher Ning" pa din ang tawag nila sakin. In fact, kanina lang, may batang kumalabit sa akin at humingi ng limos. Namukhaan ko agad siya. Bigla siyang nahiya pero binigyan ko pa din ng pera at sinabing, "Salamat Teacher Ning". Nakakahabag pero natutuwa akong nakatulong ako sa kahit ganung paraan lang. Napakabuti ng Panginoon at ipinararanas nya sa akin ang ganitong experience. 

At dahil dyan, i-lilink ko ang kasayahang ito sa Happiness Is!
Photobucket