Mar 30, 2012

Ang Batang Ningning

Masayang balikan ang panahong minsan tayong naging bata, tama? Hay! Sa totoo lang ang happiness post na ito ay may halong kilig kapag inaalala ko yung mga kaganapan, kakulitan at di pangkaraniwang karanasan nung ako ay ganito pa kaliit!!

Yey! Yan si Ningning! Yan ako nung limang taong gulang pa lang ako. Ang cute cute ko diba? Aminin! Hahaha! 

Ang damit na yan ang pinakapaborito ko sa lahat ng damit na ibinili sakin ni mahal na ina. Tatlo yan na iba-iba ang style pero ito ang tinitingnan kong lagi sa cabinet namin at gustong isuot kapag magsisimba kami. Sa edad na yan andami ko nang naaalala na ginawa ko.

Una, kabibuhan! Oist imadyinin nyo nga naman na sa ganyang liit ko entertainer na ko. Kapag may bisita kami, ibinibida na ko ng papa ko sa mga bisita. Sasabihin nya, "Ning, kanta ka dali". Dali-dali naman akong isasampa sa mesa ng mahal kong ama at kakanta na nga ako nang walang kaabog-abog! AT take note! With EMOTE pa at actions sa kamay na kala mo kontestant sa Kampeon ng Tanghalan!! Ito ang mga kanta ko: "Sayang na Sayang Lang ang Pag-Ibig Ko", "Mr. Dreamboy" at "Somewhere Out There". San ka pa teh! Hulaan nyo anong taon yan!!! Para sa clue, sa carpet pa lang sa likod ko, malalaman nyo kung kelan yan nauso. Kasama yan sa era. LOL!

Pangalawa, ka-istarirayan! Alam nyo bang buntot ako ng mama ko? Basta kahit san sya pupunta dapat kasama ako. Hindi sya makapagtago sakin. Isang araw, dumating ang Tita galing sa Bicol. Nasa Laguna kami nito nakatira noon. Busyng busy ako maglaro at intensyonal nga akong nilalaro ng Tita ko. Yun pala, dahan dahan na si Mama lumalabas ng pinto! Aba? Di pa din sya nakatakas sa paningin ko. Takbo ko sa pinto at humarang ang Tita ko. Ang lakas ng iyak ko at nagpupumilit sumama sa mama ko. Successful na sana ang pag-alis ni Mama nang marinig nyang tumili si Tita at napabalik sya ng bongga. Anong nangyari? Kinagat ko lang naman si Tita sa bukong bukong sa abot ng aking makakaya sa pagkalupasay ko. Ayan, palo ang inabot ni Ningning sa mahal na ina. Hindi na nga nakaalis ang nanay. Nakapag-isip isip siguro si Ningning at tumahimik sa isang sulok.

Pangatlo, picture addict! Opo. Si Ningning nang edad na yan ay napakapicture addict na daw sabi ng mama ko. Well, ang ganda naman talaga ng mga ngiti ko diba? Pano eh, nagpapraktis pa daw ako sa salamin ng ngiti. haha! Ako na yan! Ang cute cute ko!

Nang si Ningning ay lumaki, siya'y naging isang mabait na bata at anak. Haru! Oo, mabait ako pramis! 

Siya, bago nyo tapusin ang post na to, kumaway muna kayo sa batang si Ningning at tiyak na mapapangiti nyo sya. Wag din kalimutang mag-iwan din ng masayang kumento sa baba! Ciao!

My share for: HAPPINESS IS
Photobucket

Mar 28, 2012

Welcome Grace, Ang Bagong Blogger!

Alam nyo naman siguro kung gano ko kamahal ang blogging. Ang totoo nyan, nagsimula ang adiksyon na to, way back Friendster days pa. Anu ngang taon yon? Yung tipong meh mga testimonial ever pa? Ay naku teh, marami akong naging prendship at nahakot na testimonials sa profile ko nun sa pamamagitan ng pagmamakaawa. Hahaha! Hindi ko lang alam kung binobola nila ko. Pero kasabay nun, nung makita kong may blog churvaness dun eh nagsimula akong magblog. Ayan, sumunod na nga itong discovery ko ng multiply noong 2008 na mas minahal ko kesa sa friendster dahil sa kumpleto ito! Maliban sa meron itong photo albums, blog roll ay pupuwede ka ding mag-imbak ng videos at kung ano-anu pa. Tapos, nakakaengganyo lalo ay masarap bihisan ang multiply. Napakaraming choices na maaring pagpilian na aangkop sa personality. Ayan, ako na yan!

Kasabay ng adiksyon na yan, sa multiply pa lang ay nahikayat ko din ang mga kaibigan kong magblog. At eto nga, si Grace na sisterette ko na kung ituring ay nahikayat ko din. Espaks kami magtawagan dahil nung nag-aaral pa kami, naging partner kami sa prayers. "Espaks" means, spiritual pakners! Oh, astig diba? At dahil siyempre para na silang magkapatid ng asawa ko, nagkaron din sila ng sarili nilang tawagan. Alam nyo kung ano? "XBOX" Kaloka diba? Hahaha! Totoo yan kahit sa personal ganyan ang tawagan nila. 

Kaya heto ako ngayon, nahikayat ko naman sya ulit magblog dito sa mundo ng mas malawak  na blogsphere. Nagshift na din sya sa blogger. Ang katunayan nagulat pa ko dahil 4 agad ang binuksan nyang blogs. 

Si Grace nga pala ay isang pastor. Magandang batang pastor ng UCCP at nagpapastol sa Las Pinas. Hindi lang siya maganda kundi napakagaling din na singer! Ay oo. Proud akong sabihin na ang tandem naming dalawa ay pwedeng pwedeng pagsimulan ng matayog na career. Sa school noon, ang tawag sa amin ay M2M. Namiss ko na nga siya kajamming eh. 

Sana ay suportahan nyo din at maging kaibigan si Grace. Mas makikilala nyo sya sa mga bago nyang blogs. Magaling siyang sumulat din sa Tagalog at isang magaling na manunulat pagdating sa mga sulating teyolohiya. Yun naman talaga kasi ang forte nya. 

Siya, eto na ang kanyang mga blogs! Sana'y mag-enjoy din kayong subaybayan ang mga akda niya:


Photobucket