Showing posts with label kahihiyan. Show all posts
Showing posts with label kahihiyan. Show all posts

Sep 19, 2011

Naranasan Mo Na Bang Mapahiya?

Hello, kumusta kayo? Eto ako ngayon, nagpapahinga ulit dito sa'king pahingahang blog site. 
Ang topic ko ngayon ay isang di malilimutang karanasan. Kuwentong sumasariwa sa mga alaala ko nung high school student pa ako. At eto nga ang aking pinaka-nakakahiyang karanasan ko. Nakakahiya noon ngunit nakakatuwa nang alalahanin ngayon. Hihi

Nasa Second year ako noon. Ang aming school ay mayroong isang napakalawak na tinatawag naming 'quadrangle'. Ito'y iyong malaking space sa gitna ng aming school. Siyempre, bilang isang high school, sa murang edad na yon, nagsisimula na din yung pagiging kiyeme o yung self-consciousness na tinatawag. At ako'y ganuon. Nagsisimula ako nung magdalaga. Ang nakakahiya lang ay nung minsang sa quadrangle ako dumaan kasi I was running late sa Values Education Subject ko.

Tumatakbo ako nang maramdaman kong may parang nag-click sa bandang bewang ko. Tumigil ako sandali, nang tignan ko na lang ang sarili kong nahubaran na pala ko! Ung zipper pala ng skirt ko ang nag-pop! Waah! Nakakahiya, diba? Naka-underwear lang ako nun kaya imagine na lang ano hitsura ko nun. Haha! Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Buti ba kung walang nakakita. E lahat yata ng bintana ng classrooms at nakasilip sa quadrangle. Nakita ako ng best friend ko at tumakbo for my rescue. Haha! Well ang ginawa ko na lang, patay malisya na parang walang nangyari pagpasok ko ng classroom 

Ikaw? May karanasan ka din ba na di malilimutan? Kung meron, ishare mo dito. ;)
Photobucket