Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2012

Sapatos. Sapatero. Repleksyon

Nang ako ay nagsimulang maglakad at baybayin ang daan papuntang college ngayong araw, may mga bagay ang tumatakbo sa isip ko. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, napansin ko na sira na ang dulo ng takong ko.  Naisip ko agad agad na kailangan na ng atensyon ng sapatero ang mga takong ko. Hindi pa naman gaanong sirang sira na masasabi pero lumilikha na sya ng ingay kesa sa pangkaraniwang tunog lang. Sa Biyernes na darating, dadalhin ko ang naturang mga sapatos na ito sa Manila nang maipagawa na sa sapatero na ilang hakbang lang ang layo sa simbahan.



Ano naman ang repleksyon ko?

Kung maaalala nyo, kamakailan lang ay nagsulat ako  ng blog na puro rant, galit at inis. Muli, pagpasensyahan nyo na. Talagang kinailangan ko lang ilabas at masakit na sa dibdib. Pero alam nyo nakatulong. Katulad ng sapatos ko, ako ay napudpuran na ng takong. What I mean is, pasensya. Matibay na klase ng sapatos ang mga sapatos ko pero ngayon lang ulit sya napudpod. Napag-isip isip ko lang na ang tao ay para ding sa…

Masakit sa Ulo!

Ni minsan ay di ko inisip na magsulat ng mga nararamdaman ko kung maaari lang lalo na kung puro negatibo din lang. Pero sa mga araw na tiniis at tinimpi ko yung feeling na alam kong sa puso ko ay di ako okay, pinagbigyan ko na ang sarili kong ilabas dahil baka makasakit lang ako ng kapwa ko kung patuloy kong kikimkimin. Kaya pagpasensyahan nyo na kung may mga rants ako ngayon. After all, kailangan ko lang talaga ito.

Hanggat maaari, gagawin kong mabuti ang sarili ko sa pakikitungo ko sa taong ito dahil may respeto pa din naman ako at ayokong mag-initiate ng gulo. Minsan naaamaze lang ako na may mga tao talagang pupunuin ka, noh? Na maiisip mong nagawa nila yun? Inaabuso na ko kung ganun! Kung tutuusin, di ako palaaway. At hangga't maaari nga dadaanin ko sa maayos na paraan. Kung makakapili lang ang ako ng karakter ko bilang tao, pipiliin ko yung tipong with strong personality. As i really admire those kinds of people. Ako kasi, kailangan ng matinding effort ang magcommand, o kahit…

Diyeta!

Isa sa mga dahilan kung bakit ako hindi ngayon nagpapapicture ay dahil sa mataba na ako. Exaggerated daw ako mag-isip dahil okay pa naman daw. Pero para sakin, hindi ko na keri ang weight ko ngayon. Nararamdaman ko na ang hirap ng paggalaw at sumasakit din ang mga paa ko pag minsan. Well, hindi pa ko buntis kung yan ang nasasaisip ninyo. Sapagkat sa ngayon ay wala pa kaming plano dahil meron pa kaming nais gawin sa taong ito. At konti na lng na paghahanda para sa masayang biyaya na yan. Kaya ang peg ko ngayon ay magdiet.


Kanina lang ay nagshopping kami ni Hubby. Gumawa ako ng diet menu plan na susundin namin. Of course lahat ng nutrients at vitamins ay considered. May meat pa din naman but strictly no frying for the meantime. More on fish at veggies and fruits plus walking sa gabi. And yes! Brown rice at in fairness, mura pala ito. Ang katunayan ay mas mahal pa ang regular rice!

Natutuwa lang ako na sa wakas ay sinisimulan na namin ang diyeta na matagal ng plano at bukambibig. Ngayon, …