Jul 24, 2012

Sapatos. Sapatero. Repleksyon

Nang ako ay nagsimulang maglakad at baybayin ang daan papuntang college ngayong araw, may mga bagay ang tumatakbo sa isip ko. Sa bawat hakbang na ginagawa ko, napansin ko na sira na ang dulo ng takong ko.  Naisip ko agad agad na kailangan na ng atensyon ng sapatero ang mga takong ko. Hindi pa naman gaanong sirang sira na masasabi pero lumilikha na sya ng ingay kesa sa pangkaraniwang tunog lang. Sa Biyernes na darating, dadalhin ko ang naturang mga sapatos na ito sa Manila nang maipagawa na sa sapatero na ilang hakbang lang ang layo sa simbahan.



Ano naman ang repleksyon ko?

Kung maaalala nyo, kamakailan lang ay nagsulat ako  ng blog na puro rant, galit at inis. Muli, pagpasensyahan nyo na. Talagang kinailangan ko lang ilabas at masakit na sa dibdib. Pero alam nyo nakatulong. Katulad ng sapatos ko, ako ay napudpuran na ng takong. What I mean is, pasensya. Matibay na klase ng sapatos ang mga sapatos ko pero ngayon lang ulit sya napudpod. Napag-isip isip ko lang na ang tao ay para ding sapatos. May mga panahon na kahit gaano ka pa katibay at mahaba ang pasensya, darating at darating ang panahon na mapupudpod ka. Pinanday ka man ng Diyos na maging isang mapagpasensyang tao, still, hindi iyon guarantee na sa lahat ng panahon ay magpapasensya ka. Katulad ng sapatos ko, ako ay nanatiling tahimik sa napakahabang panahon. Pero katulad din nito, lumikha na din ako ng ingay. Ingay na dapat ilabas para naman ako ang makalaya. Isang paalala lang din ito na ako din ay nangangailangan na ng sapaterong huhubog sa aking muli na maging mapagpasensya at matibay at may kahinahunan ng loob. Salamat na lang at may mga ganitong repleksyon. Natututo akong lalong maging isang Kristyano sa kahit na anong oras. Ang pinagpapasalamat ko ay napalaya ko din ang sarili ko at ngayon ay happiness na!

Nalaliman ba kayo sa akda ko ngayon? Kayo nang bahalang humalukay ha?

Ikaw? Kelan ka nangailangan ng sapatero sa buhay mo?

Photobucket

Jul 20, 2012

Masakit sa Ulo!

Ni minsan ay di ko inisip na magsulat ng mga nararamdaman ko kung maaari lang lalo na kung puro negatibo din lang. Pero sa mga araw na tiniis at tinimpi ko yung feeling na alam kong sa puso ko ay di ako okay, pinagbigyan ko na ang sarili kong ilabas dahil baka makasakit lang ako ng kapwa ko kung patuloy kong kikimkimin. Kaya pagpasensyahan nyo na kung may mga rants ako ngayon. After all, kailangan ko lang talaga ito.

Hanggat maaari, gagawin kong mabuti ang sarili ko sa pakikitungo ko sa taong ito dahil may respeto pa din naman ako at ayokong mag-initiate ng gulo. Minsan naaamaze lang ako na may mga tao talagang pupunuin ka, noh? Na maiisip mong nagawa nila yun? Inaabuso na ko kung ganun! Kung tutuusin, di ako palaaway. At hangga't maaari nga dadaanin ko sa maayos na paraan. Kung makakapili lang ang ako ng karakter ko bilang tao, pipiliin ko yung tipong with strong personality. As i really admire those kinds of people. Ako kasi, kailangan ng matinding effort ang magcommand, o kahit minsan wag mag-apologize. Sabi nga sa result ng psychological exam ko, i am a very relaxed person and a peacemaker. Natural sa akin ang magretreat at pahupain ang temper ng tao. Nakakapanggalit lang na people will take advantage of that because they know that I am not such a person who'll be mad. Pero mali ang sapantahang yun. Ako man ay tao din. Nagagalit at nasasaktan. Kaya makinig kang mabuti.... "Isang paghihiya mo na lang, di ka pa tapos sa sinasabi mo, BINGO ka na."

Sa bagay na ito, isa lang ang natutunan ko. Difficult people are INDEED difficult to manage. You are an item in my prayer since the beginning of time. And I am still praying that there will be a turning point for you to reflect why you dont have friends and see what's behind that trivia. See? May hope pa din kami sayo? We tried our best to understand you and even sympathize with you kapag malungkot ka at nag-iisa pero sadyang hindi nga overnight ang pagbabago. Sooner or later, babalik sa dating gawi. Ang hirap at nakakastress! Ang sakit sakit mo sa ulo!!! So, I might as well have to tell you straight that you are being sooo controlling to us. (still, with respect at diplomasya) At depende yan sayo. Sana nga itrigger mo na, nang ako naman ang makapagpalaya ng sarili kong ipahayag ang nasasaisip ko. Well, naniniwala akong ang Diyos lang ang makakapagpabago sayo. For now, I'd like to calm down. I feel like I'm so tired and angry. Im trying not to be mad at you but for what you are doing. Sana naiisip mo din na may mga bagay na di lagi naaayon sa kagustuhan mo. At higit sa lahat, kung gusto mong manatiling may kaibigan.... Then try not to push them away. Ikaw lang ang puno't dahilan ng lahat. GETS MO???


Photobucket

Jul 17, 2012

Diyeta!

Isa sa mga dahilan kung bakit ako hindi ngayon nagpapapicture ay dahil sa mataba na ako. Exaggerated daw ako mag-isip dahil okay pa naman daw. Pero para sakin, hindi ko na keri ang weight ko ngayon. Nararamdaman ko na ang hirap ng paggalaw at sumasakit din ang mga paa ko pag minsan. Well, hindi pa ko buntis kung yan ang nasasaisip ninyo. Sapagkat sa ngayon ay wala pa kaming plano dahil meron pa kaming nais gawin sa taong ito. At konti na lng na paghahanda para sa masayang biyaya na yan. Kaya ang peg ko ngayon ay magdiet.


Kanina lang ay nagshopping kami ni Hubby. Gumawa ako ng diet menu plan na susundin namin. Of course lahat ng nutrients at vitamins ay considered. May meat pa din naman but strictly no frying for the meantime. More on fish at veggies and fruits plus walking sa gabi. And yes! Brown rice at in fairness, mura pala ito. Ang katunayan ay mas mahal pa ang regular rice!

Natutuwa lang ako na sa wakas ay sinisimulan na namin ang diyeta na matagal ng plano at bukambibig. Ngayon, I'd like to feel great and look great at the same time. And the best way to achieve it is to eat a well-balanced diet. Isa na din ang kagustuhan ko na maalagaan si Hubby dahil sa wala na siyang gall bladder kaya ang bilis ng pagtaba nya.

So wish us happiness sa magiging result! Excited na ko at talaga namang full of motivation kami. Tuloy tuloy na ito at wala ng atrasan!

Ikaw kamusta ka?

Hanggang sa muli!
Photobucket

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...