Apr 26, 2012

Sakit-Sakitan


Nitong mga nakaraang araw ay nawalan ng boses ang inyong abang lingkod. Nagkaroon din ng lagnat noong Lunes although magaling na ngayon. Yun lang, ang boses na ginintuan ay nagtago ng ilang araw. Maigi-igi na ngayon habang sinusulat ko ang post na to ay may lumalabas nang boses kahit papano pero sadyang paos pa din. Mas malala kahapon at noong Lunes na lahat ng kumausap sakin, mas minabuti nang huwag akong tanungin ng kahit na ano kasi sila ang nahihirapang makinig sa sagot ko. Sabi ko nga sa kanila, lahat ng sasabihin ko ay sekreto dahil sa pabulong na paraan ko lang magagawa. Kaya mapagkakatiwalaan ako ngayon ng sekreto pramis. Hahaha! 

Ang totoo nyan, namiss kong magblog. At humihingi ako ng paumanhin muli sa mga di ko pa nababalikang pagbisita lalo na sa mga entries ng Happiness meme. Hwag mag-alala at ako'y nagbabayad ng utang. Mamamalayan nyo na lang ang pagsulpot ko na parang kabute sa inyong mga blogs. 

Sana lang talaga ay bumalik na ng bongga ang boses ko. May raket pa naman akong kakantahan sa Sabado. Pero sa lagay ng boses ko ngayon, baka hindi ko yun magampanan. HUHU. Kaya nga ba faithful akong uminom ng gamot. 

Hanggang sa muli!
Photobucket

4 comments:

  1. Aww....ganun ba? get well soon Ning! Bawasan ang pag chika chika ng mabalik na ang ginintuang boses at nang makarinig ako muli ng isang awitin. Oissst...di ko pa nalilimutan yan ah....ang pramis! :)

    ReplyDelete
  2. get well soon!! at magpahinga ng bongga teh :)

    ReplyDelete
  3. do rest well, at wag kalimutan ngumuya ng luya, epektib yan! para mabalik ang golden voice!!have a great day!!!

    ReplyDelete
  4. manahimik at magpahinga. wag kang excited gumamit ng boses mo teh lol
    parang sprain ko yan, pinahinog ko ng husto bago tumakbo ha ha ha.

    get well soon sis muaah!

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
anak asawa at home ka dito await award na natanggap awit baby plans bagyong Pedring baha bakasyon balikong pananagalog Bata Bata Paano Ka Ginawa batang lansangan bathing ministry batutay bayad online Bicol bidang bida ang tawas birthday blog designing blogger blogger hot seat blogger of the year blogkada ang sasagot buhay titser Cabanatuan City Carlo Aquino casio piano chikahan comedy cute fonts damuhan damuhan.com di malilimutang karanasan di na bata disappointed dismayado DJ Chacha dumplings earn online fan signs farm gladliness grace graduation happiness Hawak Kamay cover hektik iskedyul Hualien ina inaantok japeyk nga ba? joy kabusyhan kahihiyan kahilingan kaibigan kaibigang tunay komedyang pang-priskul kuwento kuwentuhan kwentong bakasyon libreng badge lugar na Poracay ang pangalan mabisang gamot sa singaw magulang maraming tenk you masamang pakiramdam meme movie review munting pakulo munting pangarap mylot mylot earnings napahiya ningning opinyon original designs pagkain pakulo ni bino palatandaan ng antok pamamalat pampaputi ng kili-kili panaginip pananaw paraan ng pagkuha ng pasaporte pasaporte Pasko paypal pelikulang Pinoy piano pictures Pilipinas playing piano Porac Pampanga Poracay Poracay Resort Pork barrel scam PR2 praybeyt benjamin radio station repleksyon requirements para sa passport application sahod sakit sapatos scrapbook designs Serena Dalrymple si lelang at si bunso sikat simbahan sine singing street children sunshine blog award survey ni Ning tagalog Taiwan talento tambayan 101.9 tawang wagas tawas teleserye tofu traditional costume tricycle capital of the Philippines tulog ubo vice ganda Vilma Santos walang gana wednesday whites
 

Rona's Home Blog Copyright 2011 Designed by Rona