Mar 20, 2012

Hindi Na Nga Talaga Ako Bata

Hello mga blogkada, namiss ko kayo ha? Nagmumuni-muni lang naman ako dahil sa mga kaganapan sa buhay ko at ng mga kaibigan kong naging kasama ko sa lakbayin ng buhay ko.

Una na dyan ang makita kong ikinasal na din ang isa sa mga itinuturing kong kapatid. Actually, tatlo kami. Sila sina May at Grace. 


Marami kaming mga pinagdaanang saya at kulitan nung nasa dorm pa kami way back college life. Naalala ko, kapag panahon na ng chapel service na ginaganap ng Martes at Huwebes, gabi pa lang, nagdi-dress rehearsal na kami! Meron kaming malaking salamin sa dulo ng pasilyo ng dorm kaya alam nyo bang rarampa ang mga lola nyo papunta sa salamin para lang naman masilayan kung ano pag-iitsura namin sa mga damit. Haha.. Nariyang sabay-sabay din kaming maligo ng hubo't hubad, ayan, wala talagang keme yan ah?! Talagang wala na kaming itatago sa isa't isa. Kung minsan pa nga dahil nasisikipan kami sa mga shower cubicles, mismong sa entrance ng bathroom na kami naliligo. At siyempre, makikita agad kami ng mga gustong umihi dun kasi sa tapat lang din ng toilet cubicles ang kinaroroonan namin. Ang saya! Pano, eh sila pa ang nahihiyang tumingin samin? Eh bakit ba kasi? Pare-pareho naman may kung aneklabum sa katawan! Pero wag ka, jumoin din sila nung huli! Kakaloka! Para kaming nagmistulang magkakakosa sa kulungan. Hahaha! Ay jusme, marami kung iisa-isahin. 

Naikasal na din si May nung Biyernes lang. Ang ganda ganda nya at talaga namang napakasaya at napakaingay ng kasal nya. Kung pwede nga lang tumambling dun ginawa ko din eh. Pero siyempre inisip kong nakapalda nga pala ko ng bongga. So, di ko na tinuloy. Nagcheer na lang ako ng wagas para sa kanya. Meron pa isa, si Grace na nag-Rank 1! Topnotcher sa ordination exam nila. At magiging ganap ng Reverendo soon! Proud na proud akong kaibigan!

Sa lahat ng mga pangyayaring ito, naramdaman kong tunay ngang di na kami bata. Masarap alalahanin yung mga bagay na nakaraan. Mga kulitan at sayang kabataan. Kung pwede lang manatiling bata for life, why not?? Pero sadyang ganun ang buhay. Ang masaya, sa bawat pahina at yugto, may magandang nakasulat. Bow!
Photobucket

12 comments:

  1. ok pa rin kahit d na bata.. gagandang babae naman eh :)


    Let's Vote for Cebu!
    Everything Etcetera

    ReplyDelete
  2. Hello lovelies! Na-miss kita, Ning! Walang kakupas- kupas ang ganda mo! Sobrang ingay sa kasal sa sobrang tuwa??? Buti pa kayo ng mga friends mo, madalas magkita :-(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo ang saya saya. Mula sa paglakad ng. Bride ganyan. Na miss di kita sis! Sobra! Chikahan ulit tayo fb soon ah?

      Delete
  3. Hi Sis! Musta na ang buhay buhay? Napaka lalim naman ng mensahe ng post na ito. Malalim na pagkakaibigan na di matatawaran. Swerte ka Sis at hanggang ngayon andyan pa rin sila sa tabi mo para alalahanin yung masasayang nakaraan. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yap sis, nagkikita kita pa din kami every once in a while. Super kasi ung naging bonding namin tlaga. Im hoping na sana makita mo mga long lost friends mo.

      Delete
  4. Replies
    1. Of course myke. Lalo akong gumaganda kapag binibisita ko blogs mo. hahaha

      Delete
  5. Nag reminisce ka ng bongga diyan ng iyong younger days ah. Take note, "younger" ang ginamit kong term, ah. Meaning "young" ka pa din ngayon. Nakarelate ako ng konti sa dress rehearsal, gawain ko din kasi yan. Hehe! At talagang, nagkakitaan na kayo ng lahat lahat, ano pa nga ba ang itatago nyo sa isa't isa, di ba? Kakatuwa pag may mga kaibigan kang ganyan. Ako din sa bespren ko may mga ganyang moments kami. Hindi kami pwede maligo ng sabay na hubo't hubad kasi hindi kami pareho ng kasarian (isa syang gay-sha!), pero may mga moments na nagbihis na din kami ng sabay, naka undies lang. LOL. Sayang pala at nakapalda ka nung kasal, nakapag tambling ka sana ng bongga :D

    Oist pareho tayong bisi-bisihan di na tayo nakapag chickahan ulit. Ano ng update sayo? Miss ya too, teh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi kemers! Haha! At nagddress rehearsals ka din pala! Apir tayo jan. Oo nga miss na miss na nga kita eh. Di bale, hahanap ulit ako ng time makachat ka lang!

      So young pa din talaga actually ang feeling ko. Promise. I don't feel getting old. And I hope the feeling won't last. Kaya happy lang tayo lagi. hahaha

      Delete
  6. I miss my friends dahil sa post mo..hmmm....makapag post nga din..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay! Go lang sis! I'll be reading that post!

      Delete

Magreact ka lang!

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...