Showing posts with label pampaputi ng kili-kili. Show all posts
Showing posts with label pampaputi ng kili-kili. Show all posts

Feb 24, 2012

Tawas: Gamot sa Singaw

Uy, hello! Kamusta ka? Alam ko, naparito ka dahil sa napagka-interesting baching baching ng titulo ng post na to. Tama? O sige di na kita pasasabikin pa. Eto na ang kwento.

Tawas. Ano nga ba ang tawas?
imaheng hiram kay mr. google


Ang tawas ay iyong puti, mala-porselana at kumikislap kislap na bagay na animo parang isang crystal. Mayroong dalawang uri ito. Ang buo at ang durog na tawas.

Ngayon naman ay alamin natin kung ano ang gamit ng tawas.

UNA: Ito ay nagsisilbing gamot sa mga singaw natin sa bibig. Ay opo! Ang tawas ay mabisang gamot sa singaw. Napakabisa! Isa ito talagang magic kung makapanggamot ng singaw. Yun lang, asahan na ang hapdi at sakit habang ina-apply ito. Siyempre diba? Hindi mo pa nga ginagalaw yung singaw, napagkasakit na. Eh yun pa kayang magmumog ng tubig na may tawas?! Pero diba, ika nga, "No Pain, No Gain". In just a minute, PATAY ANG SAKIT!".

PANGALAWA: Hindi ko talaga lubos akalain na ito lang pala ang makakapagpawala ng BO ko. Body odor, kili-kili odor. Andami ko nang nasubukan, deo sticks, roll-on, pero tuwang-tuwa ako na dahil napatunayan kong tawas talaga pala ang may kakayahang gamutin ang root cause ng ating pangangamoy sa kili-kili. Hindi nya lang mina-mask ang amoy tulad ng ibang deo, kundi tatargetin nya ang root cause ng pamamaho at yun ay ang patayin ang bacteria na nagiging sanhin ng pamamaho. Ulit-ulit na ako pero kasi napakatotoo nito. Dahil ako mismo ang nakasubok. At i can't stress this enough, pero MILCU deodorant for foot and underarms ang tinutukoy ko. Picture below. Napakamura lang nito sa Shopee Ph, nasa 95 pesos lang ang isa! 

Marami kang pagpipiliang produkto ng tawas dito kung gusto mo makita, i-click lang ito.





Eto naman ay magic puff para hindi messy ang pag-aapply nito. 



PANGATLO: Alam nyo bang nakakapagpaputi din ito ng kili-kili? Ayan mga girls, I know, I know.. Isa yan sa mga million-dollar-question pero ito ay totoo. Ito na din ay dahil napaputi nito (ng bahagya) ang aking kels. Nyahaha! Oo di ko na ikakahiya. Pero talagang mabisa. Para sa akin ha? Di ko lang alam sa iba.

Eto ang maa-achieve na puti ng kili-kili kapag gumamit ng tawas:
kay Mr. Google ko din kinuha 
PANGATLO: Ang buo o durog na tawas ay nakakatulong ma-prevent ang bad odor  sa katawan. Meron akong kaibigan, hindi lang sa kels ina-apply ang tawas kundi pati sa buong katawan. Inihahalo nya ang konting budbod ng tawas sa huling timba na kanyang huling banlaw. Teka, paalala. Wag naman OA sa paglagay. Konting konti lang para lang smooth ang skin at fresh after maligo.

Alam ko maraming makakarelate sa inyo sa kwento ng tawas na ito dahil noon. . . nong di pa naimbento ang mga roll-on o underarm sticks, ay tawas din ang gamit nyo. AMININ! Diba, nung mga panahong nagsisimula ka nang magbinata at magdalaga, si Nanay o si Tatay ay nagpapaalala nang lagi na gumamit ng tawas sa kili-kili para naman di nakakahiya sa mga crush sa school. Haha. Balik tanaw!

O siya! Kapulutan nyo sana ng sangkarumakot na wisdom at walang kasing-wagas na happiness ang post na ito. Kaugnay nyan, ili-link ko na din ang tawas na durog sa!!!
HAPPINESS IS
Photobucket

labels: 
tawas gamot sa singaw
tawas sa singaw
tawas para sa singaw
gamot sa singaw
gamot sa singaw home remedy
gamot sa singaw sa dila
home remedy sa singaw sa dila
anong gamot sa singaw
how to treat singaw sa dila
how to treat singaw sa bibig
paano tanggalin ang singaw
singaw gamot