Showing posts with label paano kumuha ng passport. Show all posts
Showing posts with label paano kumuha ng passport. Show all posts

Oct 13, 2011

Paano Kumuha ng Passport


Kung ikaw ay wala pang pasaporte at nagbabalak kang kumuha, ito ang mga kinakailangang dala mo bago ka pumunta sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Paano kumuha ng Passport?


1. Birth Certificate na galing sa NSO. (Pwede kang kumuha nito in person o via delivery dito http://nso.citizenservices.com.ph/)
2. Dalawang (2) Valid ID (Voter's, SSS, Driver's License, BIR o TIN Card, PRC Card, Company ID, Student ID, at iba pang digitized identification card na merong picture mo at mga detalye tulad ng buong pangalan, address, edad, lugar at araw ng kapangakan, etsetera, etsetera. Hangga't maaari ay government issued IDs ang dala-dala mo.
3. Iba pang supporting documents tulad ng School Records, NBI Clearance, Marriage Contract, o kaya naman mga lumang ID na hindi mo na ginagamit dahil ito ang sasalba sayo kung wala kang Voter's o SSS ID. Nga pala, hindi tinanggap ang aking Postal ID for passport.

Dahil wala pa akong maipakitang Voter's ID at SSS, tinanggap nila ang Teacher's ID ko (SY 2009-2010) at SSS Form E-1, (kulay pink na form ito na nagpapatunay na may number ka na sa SSS). Dahil sa mga 'to, binigyan nila ako ng passport. 

Mag tips na kailangan mong malaman paano kumuha ng passport:

  • Huwag kalimutang dalhin ang printed appointment paper mo (galing sa internet ito at dun nagpapaiskedyul ng appointment sa DFA website www.dfa.gov.ph ) pati ang email notification ng iyong schedule.
  • Huwag na huwag kaligtaan siyempre ang mga requirements!
  • Isnabin ang mga fixers o yung mga nagsasabing tutulungan ka sa pag-aapply mo ng passport, dahil hindi mo sila kailangan. Naglipana at nagkalat yan sila sa paligid ng DFA. Kaya beware!
  • Maging masunurin sa mga panuntunan ng mga guwardiya. Bawal ang anumang pagkain o inumin. Nakalusot lang ang mineral water ko dahil nasa loob ng jacket ko. Hihi. Oo sige, pasaway nako. Sumunod sa mga pila at siguraduhing nakapila ka kasama ng mga aplikanteng kapareho ng oras ng iyong appointment. 
  • Magdala ng pambayad siyempre! P950 para sa regular (30 days) at P1,200 para naman sa rush processing (15 days).
  • Matutong maghintay! Ang buong prosesong ito'y gugugol ng 30 minutos hanggang isang oras lang naman. Bumalik na lang sa DFA sa araw ng release ng iyong pasaporte o kaya naman hintayin ang delivery sa mismong bahay mo kung ito ang mas gusto mo. Ito ang ginawa ko at naipadala nga sa akin mismong the next day na natapos magawa ang passport ko. Pero siyempre may karagdagang bayad para sa koreo o serbis padala.

Ayan mga ka-berks! Sana ay nakatulong itong blog ko sa inyo!

Happy lang ako at nakadating na ang aking pasaporte ngayong hapon! Ibig sabihin, ready na kong mag-fly fly sa December para lang magbakasyon! Hihi. Ajah! 
Photobucket