Alam ko, at huwag na ninyong i-deny na naranasan nyo na ang mga palatandaang ito. Eto, tingnan nyo at alalahanin ang mga palatandaang antok ka pa o antok ka na nga at kailangan mo lang itulog yan. ;)
ANTOK ka na nga…
- Kapag nanonood ka ng paborito mong telenovela at pinipilit ibukas nang todo ang mga mata dahil sa ayaw mo lang mamiss ang episode ng gabi.
- Kapag may nagtanong sayong, “Antok ka na?” at “Hindi pa noh?” ang sagot mo, sabay tindig tapos uupo din naman ulit at pipikit-pikit ulit ang mata.
- Kapag nagluluto ka sa umaga at parang nananalangin sa harap ng niluluto mong pritong itlog o hotdog.
- Kapag lumabas ka ng kuwarto at tinanong ang sarili, “Saan nga ba ko pupunta at anong kailangan kong kunin?” sabay kamot sa ulo.
- Kapag nasa klase ka, at kunwari tutok na tutok ka sa mukha ng teacher mo pero nangingindat na ang antok mong mga mata.
- Kapag may kausap kang sobrang nakakaboring ang kuwentong sinasabi nya at oo ka na lang oo pero nang-iirap ka na pala kasi antok ka na.
- Kapag nagsesermon ang pastor at ang akala ng mga tao sa likod mo sumasang-ayon ka lang lagi sa sinasabi ng pastor dahil sa katatango mo hanggang dibdib.
- Kapag nagmumukha nang lasing ang mga mata mo sa harap ng computer o laptop mo pero ayaw mo lang mahiga dahil nga nagfefacebook o nagbablog ka pa!
O natuwa kayo noh? Ako din eh. Naisip kong isulat kasi alam kong makakarelate kayo. So anong maidadagdag nyo? Hahaha! Sulat!