Nov 16, 2011

Komedyang Pang-Priskul

Lingid sa kaalaman ng marami, ako po ay isang preschool teacher. Nagpasya lang muna akong mag-leave ngayong taon sa pampamilyang rason. Pero magbabalik muli ako sa pagtuturo ko next school year sa mga napakababait kong estudyante.

Sa totoo lang pinost ko ito dahil sa miss na miss ko na ang mga bata 3-5 years old ang edad. Magtataka siguro kayo kung bakit mas pinili kong magturo sa mga ganito kaliliit na bata dahil talaga namang napakakukulit at mahirap i-handle diba? Pero ang hindi alam ng iba, mas masarap magturo sa mga batang ito kesa sa mga hayskul at college. Bakit kamo? Dahil tiyak maiinis ka at mawawalan ng pasensya kung minsan, given na yan, pero kapag sila naman ang maglambing, sooobrang dagitab sa puso. Dagitab? San ko naman nakuha yon? Haha, ang ibig kong sabihin ay yung kaligayahang dulot nila sa isang katulad kong guro kapag maglalambing o sa mga kuwentong pagbibida sa'ming mga titser sa kanilang bahay. Lahat kaya ng sinabi ni teacher ay tama. Totoo yan, kahit magulang aawayin basta sabi ni teacher, yun ang tama! Haha!

Siya, ang dami ko nang sinabi, gusto ko lang naman i-share ang mga comedy scenes sa klasrum na talaga namang napahalakhak ako ng wagas.

Comedy Scene #1:

Eksena sa panahon ng break time. Kumakain ang mga bata habang ako ay nagche-check ng kanilang mga artworks.

JC: Khing, bakit ba bungi ka? San napunta mga ngipin mo? (seryosong tanong kay Khing habang kumakain ng biskwit)

Khing: Meron kaya akong ngipin, di mo lang nakikita. (seryosong sagot sabay balik konsentrasyon sa pagkain)

Moira: Patingin nga? (pinanganga si Khing, nganga naman ang isa) Oo, meron siyang mga ngipin nagtatago lang.

Jasmine: Nabulok mga ngipin ni Khing kasi di sya behave. Palagi na lang siyang upo tayo kahit sinasaway ni teacher. (sabay sipsip ng juice)

Sophia: Oo, tama si Jasmine. 

Haha! Panalo sa konek diba? Aminin niyo natawa din kayo. Sa sunod na ulit ang Komedyang Pampriskul Number 2. Kaya abangan!

Link ko sa Happiness Meme!
Photobucket

21 comments:

  1. haha :) boy pick up narin pala pati mga kinder nguan!! haha

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Kakatuwa naman... Sobrang inosente...

    Turo rin ba ni teacher yun? Hahaha

    ReplyDelete
  3. LOL. Talagang si Teacher Ning, nakiki-eavesdrop sa usapan ng mga stuwdents nya. Haha!

    At least yang mga ganyang edad, Ning, wala pang mga sungay. Hindi pa susuwag sa'yo ;)

    Nakaka-happy ang Happiness Is na post na ito ah. Next week aabangan kong i-post mo dun yung part 2 :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha! Hindi ako nag-eavesdrop. Eh anlakas nila mag-usap usap eh. Humagalpak na lang ako ng tawa. haha

      Delete
  4. you make my day, ako din gusto ko mgturo ng mga ganyang age. Before nag teach ako sa Thailand pag-grade 1 naka smile na ako before pasok sa room, pero pag sa high school ang schedule ko dala na ako ng stick na pampalo sa table.lol.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay talaga? haha! Ganyan nga sa grade 1. Nagkasakit ako nung unang linggo kong nagturo sa elem. Sa preschool enjoy ako. Haha.

      At i'm happy that I made your day! Thanks mhie for visiting!

      Delete
  5. Awww such innocence. Kakatuwa talaga ang mga bata pag nagusap, minsan nga dito sa bahay humahagalpak ako bigla pag pinapakingggan ko tong dalwa ko dito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo yan! Naku lalo ka na siguro Mommy! Maya't maya ang mga bloopers! haha

      Delete
  6. haha, pwede bang sumali sa usapan nila... LOL :)

    salamat sa pagdalaw sa aking blog sis...:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha. Pwedeng pwede sis! salamat sa dalaw!

      Delete
  7. lol. cute! nakakatuwa talaga reasoning nila at that age! :)

    ReplyDelete
  8. hahahha! kacute nman! kids nga naman :)

    thanks for the visit po :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. cuteness talaga! salamat sa pagdalaw venus!

      Delete
  9. Ang cute lang! :) Swak to pag inis na inis kayo then magki-kwentuhan ang mga yun.. Buti naman po't di kayo humagalpak ng tawa. HEHEHEHE!

    Ganyan din daw ako ng preschool sabi ni Mama kaya tuloy nailipat ako sa ibang school dahil sa mga kung anu-anong sinasabi ko..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku MC humagalpak ako! ang tagal ko ngang di nakamove on nito. todo kwento ko sa mga pamilyat kaibigan ko hhahaha. Nailipat ka ng preschool? anong mga pinagsasabi mo? hahaha

      Delete
  10. I agree, mas sharp ang listening skills nang mga bata 3-5 ang edad kesa college students. nice to know you are a pre-school teacher. :) Sharing to you My Happiness is...#6.

    ReplyDelete
  11. ang cute naman ng estudyante ni Maam :-) Visiting from
    Happiness is...hope that you can return the visit too.

    http://www.simplyjess.info/beautiful-crochet-of-scarf-and-beanie-sets/

    ReplyDelete

Magreact ka lang!