Sep 28, 2011

Na-trap sa Gitna ng Baha

Nasa Manila kami ng asawa ko mula nung Linggo. Nagpasya kaming huwag munang umuwi dahil may inasikaso kami kahapon. Kaninang umaga pa sana kami uuwi dito sa Cavite nang malaman naming baha ang halos buong TAFT. Nasa condominium kami nagstay (pag-aari ng aming ninong sa kasal) sa Ermita, Manila at sa ika-22ng palapag ang unit nito. Paggising namin, tumingin kami sa ibaba, at wala kaming nakitang street na hindi baha. Lahat ng daan ay may tubig at hanggang hita ng mga naglalakad. Wala ding makitang moving vehicle man lang. Halos parang nung panahon ni Ondoy ang aming nasilayan.  

Dahil sa gutom, naisip naming kumain muna sa Robinsons Ermita (isang tawid lang mula sa condominium na pinag-isteyhan namin). Kung kaya, bumaba kami at inisip namin kung bababa ba kami ng hagdan dahil nga sa walang kuryente, buti na lang may isang elevator na pwedeng gamitin na pinapagana ng generator. Ang nakakatakot lang umuuga na ang elevator sa di malamang dahilan. Bawat palapag tumitigil at sa takot pakiramdam ko babagsak kami hanggang ground floor. OMG! Buti na lang at nakababa kami nang safe. Ilang steps lang sana papuntang Rob pero ito ang aming nakita. 

Okey na sana na kahit lusubin namin ang bahang to, yun lang napakalakas ng hangin at running water pa yang bahang yan. Nagdecide na lang kaming maghintay hanggang humupa ang hangin at baha, at nagtiyagang kumain ng chocolate at tuna dahil yun lang ang stock meron sa bahay. Nakalabas kami ng condo bandang 6:30 na ng gabi at kumain sa ministop ng sandwich na wala pa ding kuryente. Nilusob ang baha at nakasakay din ng bus pauwi nang bandang alas nuwebe na. At eto ko ngayon, nagbablog na dito sa komportable naming tahanan. Salamat sa Diyos at nakauwi kami nang matiwasay.

Ang prayer ko ay makaalis na ang Bagyong Pedring na yan. Sana ay okey lang din kayo sa inyong mga bahay. Ismayl!
Photobucket

5 comments:

  1. Wow.. mabuti naman at nakauwi kayo nang maayos.. I heard, Pedring is about to leave the Philippne's area of responsibility raw.. but actually by tomorrow, typhoon Quiel will be entering the country naman. Then on Saturday typhoon Ramon. Tsk.. Sunod sunod na bagyo.. I hope all will be well.. Let's pray for the Philippines.

    ReplyDelete
  2. madaming binahang lugar sa manila... mabuti naman at nakauwi kayo ng ligtas... :)

    tanong ko lamang.. saan ka sa cavite?

    magandang araw po

    ReplyDelete
  3. Oo nga Leah, salamat. Nasaan ka ba ngayon? Nasa ibang bansa ka ba?

    Istambay: Sa Dasma Cavite kami nakatira. ;)

    ReplyDelete
  4. sana naman wala na munang bagyo ulit ^^ malapit pa naman na ang Pasko ;)

    ingat lagi :)

    ReplyDelete
  5. Iba na trend ng bagyo ngaun, dati kz sa bicol lalo na sa Catanduanes.Sana wala na bagyo after ni Quiel.Let's pray n lng

    ReplyDelete

Magreact ka lang!