Oct 13, 2011

Ang Pasaporte'y Napasakamay Na!

Pilipinas-Logo-Pasaporte ang unang makikita sa cover ng bago kong pasaporte o e-passport na ngayon kung tawagin! Yee! Nagdiriwang ako dahil napasakamay ko na din ang pasaporteng inaasam. Hihi. c",) Matagal-tagal ko din kasing pinrocess ito. Kinailangan ko munang mag-ipon ng mga valid ID's upang makapag-apply nito. Gayunpaman, sabi nga, kung may tiyaga, may nilaga! 

Eto nga pala, kung ikaw ay wala pang pasaporte at nagbabalak kang kumuha, ito ang mga kinakailangang dala mo bago ka pumunta sa Department of Foreign Affairs (DFA):

1. Birth Certificate na galing sa NSO. (Pwede kang kumuha nito in person o via delivery dito http://nso.citizenservices.com.ph/)
2. Dalawang (2) Valid ID (Voter's, SSS, Driver's License, BIR o TIN Card, PRC Card, Company ID, Student ID, at iba pang digitized identification card na merong picture mo at mga detalye tulad ng buong pangalan, address, edad, lugar at araw ng kapangakan, etsetera, etsetera. Hangga't maaari ay government issued IDs ang dala-dala mo.
3. Iba pang supporting documents tulad ng School Records, NBI Clearance, Marriage Contract, o kaya naman mga lumang ID na hindi mo na ginagamit dahil ito ang sasalba sayo kung wala kang Voter's o SSS ID. 

Dahil wala pa akong maipakitang Voter's ID at SSS, tinanggap nila ang Teacher's ID ko (SY 2009-2010) at SSS Form E-1, (kulay pink na form ito na nagpapatunay na may number ka na sa SSS). Dahil sa mga 'to, binigyan nila ako ng passport. 

Ito naman ang mga tips para papasukin ng guwardiya na siyang una mong makakaulayaw sa DFA:
  • Huwag kalimutang dalhin ang printed appointment paper mo (galing sa internet ito at dun nagpapaiskedyul ng appointment sa DFA website www.dfa.gov.ph ) pati ang email notification ng iyong schedule.
  • Huwag na huwag kaligtaan siyempre ang mga requirements!
  • Isnabin ang mga fixers o yung mga nagsasabing tutulungan ka sa pag-aapply mo ng passport, dahil hindi mo sila kailangan. Naglipana at nagkalat yan sila sa paligid ng DFA. Kaya beware!
  • Maging masunurin sa mga panuntunan ng mga guwardiya. Bawal ang anumang pagkain o inumin. Nakalusot lang ang mineral water ko dahil nasa loob ng jacket ko. Hihi. Oo sige, pasaway nako. Sumunod sa mga pila at siguraduhing nakapila ka kasama ng mga aplikanteng kapareho ng oras ng iyong appointment. 
  • Magdala ng pambayad siyempre! P950 para sa regular (30 days) at P1,200 para naman sa rush processing (15 days).
  • Matutong maghintay! Ang buong prosesong ito'y gugugol ng 30 minutos hanggang isang oras lang naman. Bumalik na lang sa DFA sa araw ng release ng iyong pasaporte o kaya naman hintayin ang delivery sa mismong bahay mo kung ito ang mas gusto mo. Ito ang ginawa ko at naipadala nga sa akin mismong the next day na natapos magawa ang passport ko. Pero siyempre may karagdagang bayad para sa koreo o serbis padala.

Ayan mga ka-berks! Sana ay nakatulong itong blog ko sa inyo!

Happy lang ako at nakadating na ang aking pasaporte ngayong hapon! Ibig sabihin, ready na kong mag-fly fly sa December para lang magbakasyon! Hihi. Ajah! 
Photobucket

7 comments:

  1. ang pasaporte ko malapit ng maexpire :)

    good gor you ma'am, ikaw bay may balak ding makipagsapalaran sa ibang lupain?

    magandang araw po sa inyo

    ReplyDelete
  2. magrenew ka na ulit kikomaxx! Salamat sa iyong pagbisita!

    ReplyDelete
  3. Gudluck siz sa pupuntahan mo, wala na akong ibang blogs siz.

    ReplyDelete
  4. kelangan ba may passport picture na ako ? o dun na ako pipicturan ?

    ReplyDelete
  5. hindi na kailangan ng picture kasi dun na pipicturan. ;)

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
anak asawa at home ka dito await award na natanggap awit baby plans bagyong Pedring baha bakasyon balikong pananagalog Bata Bata Paano Ka Ginawa batang lansangan bathing ministry batutay bayad online Bicol bidang bida ang tawas birthday blog designing blogger blogger hot seat blogger of the year blogkada ang sasagot buhay titser Cabanatuan City Carlo Aquino casio piano chikahan comedy cute fonts damuhan damuhan.com di malilimutang karanasan di na bata disappointed dismayado DJ Chacha dumplings earn online fan signs farm gladliness grace graduation happiness Hawak Kamay cover hektik iskedyul Hualien ina inaantok japeyk nga ba? joy kabusyhan kahihiyan kahilingan kaibigan kaibigang tunay komedyang pang-priskul kuwento kuwentuhan kwentong bakasyon libreng badge lugar na Poracay ang pangalan mabisang gamot sa singaw magulang maraming tenk you masamang pakiramdam meme movie review munting pakulo munting pangarap mylot mylot earnings napahiya ningning opinyon original designs pagkain pakulo ni bino palatandaan ng antok pamamalat pampaputi ng kili-kili panaginip pananaw paraan ng pagkuha ng pasaporte pasaporte Pasko paypal pelikulang Pinoy piano pictures Pilipinas playing piano Porac Pampanga Poracay Poracay Resort Pork barrel scam PR2 praybeyt benjamin radio station repleksyon requirements para sa passport application sahod sakit sapatos scrapbook designs Serena Dalrymple si lelang at si bunso sikat simbahan sine singing street children sunshine blog award survey ni Ning tagalog Taiwan talento tambayan 101.9 tawang wagas tawas teleserye tofu traditional costume tricycle capital of the Philippines tulog ubo vice ganda Vilma Santos walang gana wednesday whites
 

Rona's Home Blog Copyright 2011 Designed by Rona