Sep 24, 2011

Nagsasakit-sakitan?

Kumusta mga kapuso, kapamilya, kapatid, kablog? Ilang araw na din akong walang post kahit sa mga iba ko pang blogs. Wala din akong naisulat nitong nakaraang araw sa Triond kung saan ay kumikita nako kahit papano. Masama kasi ang pakiramdam ko, wala namang lagnat pero I just really don't feel well. Siguro dahil sa buwanang dalaw kaya mabigat ang pakiramdam. Ang totoo, dahil sa sakit ng dalaw na to, nakahiga lang ako ng buong araw at hindi ko kayang gumalaw. Buti na lang at napakabait ng asawa ko, siya na ang nagkusang magluto at ipaghanda ako ng pagkain. Nagtry din akong mag-online kanina pero talagang wala ako sa mood. 

Kayo kumusta naman? Sana ay okay lang kayo at walang anumang sakit. Well, bumabalik na ulit ang energy ko. Bukas ay Linggo kaya busy ulit sa church. 

Maligayang araw and have a blessed Sunday tomorrow everyone!

Kuwentuhan tayo ulit pagbalik ko! Kita kits!
Photobucket

10 comments:

  1. Ang swerte mo naman sa asawa mo. Have a nice sunday din frend

    ReplyDelete
  2. Take care Rona, nagkakagaulo siguro mga tissues mo sa katawan kaya dapat bigyan mo ng pansin.

    ReplyDelete
  3. Haha! Natuwa naman ako sa mga nagkakagulong tissue na yan. Sige hayaan mo't aalamin ko anu ba ang pinagkakaguluhan nila. Ciao!

    ReplyDelete
  4. helo po... nagsusulat ka na siguro sa mga oras na ito

    ingat po palagi..

    magandang araw sayo :)

    ReplyDelete
  5. Bedrest lang din siguro ang kailangan.. at syempre, medicine at TLC. hehe..

    And nakapag update ka na din ngayon. So I guess, you're doing okay na.. :)

    ReplyDelete
  6. rest lang at umiwas sa stress.... see yah soon

    ReplyDelete
  7. Salamat mga katoto, okay nako ngayon! Back to blogging!

    ReplyDelete
  8. Hello Ning! Sana ok na ang pakiramdam mo ngayon. Ang bait naman ng asawa mo. Kelangan mo rin ng maraming yakapsule at kisspirin. Buti pag may dalaw ka, di ka nag-eemote tulad ko, hahaha!

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...