Jan 22, 2013

Repost: Tribute Para sa Miss na Miss kong si Ate Lhen

Bago pa mawala at maburang tuluyan ang mga blog posts ko sa Multiply kaugnay ng pagsasara nito for social networking purposes, nais kong ipreserve ang isa sa mga isinulat ko doon na tunay na nailambag ko mula sa puso. Na kahit hanggang ngayon ay nagpapaiyak pa rin sa akin.

Muli, ilang taon man ay dumaan na, miss na miss talaga kita, Ate Lhen.


Dear Ate Lhen,

Hindi ko alam kung papaano sisimulan itong blog ko para sayo. Basta ang alam ko lang gusto kong isulat ito upang ipaabot sayo ang maraming mga bagay sa puso ko at naghahangad na sana ay mabasa mo pa, o kaya naman ay marinig mo pang sinasabi ko. Ate, miss na miss na kita!

Ate Lhen, ang sakit sakit para sa amin, lalo't higit sa iyong pamilya ang iyong pagkawala. Hindi ko lubos maisip at mapaniwalaan na wala ka na talaga. Lagi kong naiimagine ang tawa mo, pagbibiro at pagpupog ng halik sa akin. Yan ang miss na miss ko sa iyo at alam kong maging ang mga iba pa na talaga namang napamahal sa iyo.


Ate, mamimiss ko ang pagtulog katabi mo pag pinupuntahan kita sa destino mo. Mamimiss ko ang mga pedicure sessions nating dalawa sa gitna ng gabi. Mamimiss ko ang mga payong hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa ding sinasambit mo. Mamimiss ko ang panunuod ng mga reality tv shows kasama ka, dhil lagi tayong may mga reactions na dalawa. Mamimiss ko ang mga pagkaing gustong gusto nating kainin pag sa iyo ako umuuwi. Mamimiss ko ang iyong tawa at halakhak at hampas sa likod o hita ko. Mamimiss ko ang mga invitations mo patungkol sa mga concerts na ating ginagawa. Mamimiss ko ang maganda mong mukha, ang magandang pastor Lhen at ang isang babaing may mataas na pagtingin sa kababaihan.

Alam kong ang mga salitang ito ay mahirap banggitin ngunit nais kong pasalamatan ka sa lahat lahat ng naidulot mo sa akin. Ate Lhen.... sobrang masakit para sa aming lahat na iyong naiwan ang mawala ka. Masakit dahil ang hirap tanggaping wala ka na. Buhay na buhay ka pa din sa aming mga diwa. Ngunit gayon pa man, salamat sa paglaban mo ng humigit dalawang linggo, dahil nagkaroon kami ng pagkakataong makausap ka at masabi ang mga nais naming sabihin nang naririnig mo pa. Ate, hindi ka man nakapagsalita nuon sa hospital ngunit isa nang kapahayagan ang mga luha na lumabas sa iyong mga mata na mahal mo kami at kung maaari lang ay ayaw mong iwan. Salamat dahil kahit alam naming hindi mo na kaya, pinakita mong lumaban ka. Salamat dahil nakilala ka namin at naging bahagi ng aming buhay.

Ate, alam kong nasa tabi ka na ng Panginoon ngayon. Wala ka nang mararamdamang kahit anong sakit ng katawan. Lagi mong alalahaning hindi ka namin kailanman makakalimutan. Isa kang magsisilbing inspirasyon para sa aming lahat. Ang iyong buhay ay isang blessing.

Huwag kang mag-alala dahil lagi naming bibisitahin ang baby mo at kukumustahin si Kuya Mark para sayo.

Sa iyong bagong paglalakbay, umaasam kami na mararanasan mo na ang walang humpay na kaligayahan kasama ang Panginoon. Ihahatid ka na namin sa iyong himlayan sa darating mong kaarawan sa June 2.

Ngayon, hayaan mo muna kaming lahat na nagmamahal sayo na iiyak lahat ng sakit ng iyong pagkawala. Hayaan mo munang damhin namin ang sakit ng pagkawala ng iyong presensya hanggang sa matanggap namin ang katotohanang wala ka na. Napakasakit mawala ang isang tulad mo Ate.

Ate, mahal na mahal kita! I WILL REALLY REALLY MISS YOU! I WILL NEVER FORGET THE THINGS THAT YOU HAVE TOLD ME. THANK YOU FOR BEING MY COUNSELOR AND FOR BEING PART OF THIS JOURNEY CALLED LIFE. WE LOVE YOU. WE ALL LOVE YOU!

Goodbye ATE LHEN! Maligayang paglalakbay sa iyo.....

ISANG PAGPUPUGAY PARA SAYO ATE/PASTOR LHEN ERNI-MCNAY......





Photobucket

Dec 28, 2012

Pasko Kasama ang Pamilya

Isa sa mga magagandang ugali nating mga Pilipino ang pagiging mapagmahal sa pamilya. Ganun na lang ang pagmamahal natin sa pamilya na may mga nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang mabigyang kaginhawaan ang buhay ng mga mahal sa buhay kahit katumbas nito ang pagkakalayo sa kanila. Ngunit anu't ano pa nga ba ay malayo man, may cellphone at skype na para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon ng live! Happiness much na yan.

Napakasaya ko lang na itong Paskong ito nagkaroon ng pinaunang Christmas celebration ang pamilya ko na naiba naman ang venue. Sabihin na nating first outing ito para sa pamilya. Yung mga nakaraan kasi ay puro pang-angkang lakaran. Kaya true happiness ang nangyari. Hayaan nyong ikuwento ko.

Ako at ang kuya ko ay nagtawagan ilang araw bago sumapit ang Pasko. Dahil sa sila ng kanyang asawa ay nakatira sa Batangas, napag-isip isip nya na ngayong taon ay sila naman ang maghost ng gathering. Ibig sabihin, lahat sa family ay tutungo doon at makisalo sa celebration nila. So, dahil sa alam naming hindi keri nila mama ang bumiyahe ng malayo dahil sa laki din ng pamasahe mula Cavite papuntang Batangas para sa pitong katao, ako na ang umako sa parteng ito. With matching lambing ay hiniling ko ang asawa kong mahal na hiramin ang revo ng aming ninong upang ipagdrive nya na din lahat kami. Masayang inako ng mahal na asawa syempre ang munting kahilingan ko. At yun nga ang nangyari. Sapul na marinig nila Mama ang aming kaplanuhan ay super excited much na ang lahat sa bahay.

Araw mismo ng Pasko nang kami ay tumungo upang sunduin ang excited na pamilya. Isa isa na silang gumayak at hinanda ang mga gadgets na may pampiktyur chorva. May ilang regalo at share din para sa dadatnan doon.

Pagdating ng Batangas, naging masaya ang kainan. Naging pagkakataon na din iyon upang magmeet ang mga in-laws ng kuya at aming mga magulang para sa unang pagkakataon dahil sila ay nanggaling pa sa Amerika. Mayroong lechon, pansit, cake, caldereta, laing na paborito ng lahat, leche flan, fruit salad at marami pang iba na masarap na pinagsaluhan ng lahat. Kinagabihan noon ay natulog kami sa resort na ilang minuto lang ang layo. Kinaumagahan ay nag-enjoy naman sa swimming pool kahit pa malamig ang panahon at manaka-nakang umuulan.

Napakasaya ngang tunay na magkaroon ng ganitong experience ang pamilya . Ang totoo nyan, natutuwa ako at natupad na din ang wish ko na dalhin ang pamilya ko sa malayo at ito na nga yung pagkakataon. Kitang kita ko ang saya sa kanilang mga mata at ramdam na ramdam ko ang naging change nito sa kanila. God is good ika nga. It was a great and happy experience. Salamat sa Panginoon sa mga biyaya at di matawarang ligayang dulot nito.

Aking hiling na sa darating na bagong taon ay mas ibuhos ng Panginoon ang biyaya sa akin, sa iyo at sa pamilya ng lahat sa mundo!

Advance HAPPY AND BLESSED NEW YEAR, aking mambabasa! Hanggang sa muli!

Photobucket