Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2013

Nag-uumigting na Hangarin

Nitong mga nakaraang araw ay bigla ko na lang naramdaman ang kagustuhan kong maging nanay na din. Kung nung mga nakaraan ay wala pa sa plano ko ang magbuntis ngunit dahil sa operasyon na pinagdaanan ko, isang realisasyon ang dumating. Hindi na dapat pang magpaliguy ligoy pa. Kailangan ko ng maging ina.




Ilan na din kasi sa mga kaibigan ko ang mga happy moms na, at yung ilan ay mga expecting na din, at napakasaya ko para sa kanila. Sa mga status nila sa facebook, nagwonder ako. Kelan kaya na ako naman ang magpost na mga katagang na, "im pregnant!" Sa totoo lang, hindi ko pa ito hinangad right after na ikasal kami ng asawa ko. One year na kami ngayon, going two years by June at sa wakas, nag-uumigting na ang excitement at paghahangad sa puso ko na magkaroon na din ng sarili kong baby. Naiyak pako kahapon sa prayer ko habang hinihiling ko sa Panginoon ang bigyan nya na ako ng baby. Honestly, narealize ko din na ang pagbubuntis ay pinaghahandaan. Lalo ngayon na kailangan ko pa nga…