Skip to main content

Posts

Showing posts from January, 2013

Balikong Pananagalog

Ang aking asawa ay hindi pa din marunong magtagalog ng direcho hanggang ngayon. Minsan tuloy iniisip ko, hindi ako magaling na guro pagdating sa kanya. Pero ikinatutuwa ko na ang pagsasalita nya ng pangilan-ngilang salita at talaga namang proud na proud na ko sa tuwing naririnig ko sya. Happinessmetch festival na yan ika nga.

Hayaan nyong ibahagi ko ang mga katuwa-tuwang pananagalog ng asawa ko. Sana lang ay di nya to mabasa, kundi malalagot ako ng bongga. Teka, di nga pala nya maiintindihan. So sige lang Ning. Ichismis mo na. Hahahaha!


TURO SESSIONS:
Asawa: How do you say 'Eat' in Tagalog?
Me: It's 'KAIN'.
Asawa: Okay. Come on, let's 'KAING'!

Asawa: How about 'Thank You"?
Me: Salamat po. (tinuturuan ko siya ng may po lagi para laging may respeto)
Asawa: Okay. SALAMA BO!


Asawa: How do you say 'You're Welcome'?
Me: "WALANG ANUMAN"
Asawa: Okay. WALANG ANUMANG BO.

Asawa: How about "Very Good"
Me: Galing Galing!
Asa…

Mga Kaibigang Tapat At Mapagmahal

Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng mga kaibigang alam mong nariyan para sayo sa hirap at ginhawa. Sila yung mga taong tunay na mag-aalay ng oras at panahon na kailangan mo sila.

 Ito ay napatunayan ko nang sa unang pagkakataon ay maospital ako may dalawang Linggo na rin ang nakakaraan. Laking pasasalamat ko sa Panginoon ang pagsama Nya sakin at naging matagumpay at smooth ang operasyon ko due to myoma. Hindi ko man nakita ang ilan sa mga naunang bumisita sa akin nang ako'y nasa operating room pa kaya wala silang picture sa post na ito. Gayunpaman, lubos lubos ang pasasalamat ko sa kanilang lahat na dumating para sa akin.

mga kaibigan for all season
ang mag-asawang halos kapatid ko na
ang aking piano teacher nuon na isa na sa pinakamalalapit sa puso ko
At ang tunay na nagpasaya sakin ay ang inaasahang pagkikita namin ni Papaleng at Lainy sa pinakaunang pagkakataon! Wagas ang mga halakhak ng sila'y dumating. Hindi ko lubos akalain na di pala talaga drawing ang …

Repost: Tribute Para sa Miss na Miss kong si Ate Lhen

Bago pa mawala at maburang tuluyan ang mga blog posts ko sa Multiply kaugnay ng pagsasara nito for social networking purposes, nais kong ipreserve ang isa sa mga isinulat ko doon na tunay na nailambag ko mula sa puso. Na kahit hanggang ngayon ay nagpapaiyak pa rin sa akin.

Muli, ilang taon man ay dumaan na, miss na miss talaga kita, Ate Lhen.


Dear Ate Lhen,

Hindi ko alam kung papaano sisimulan itong blog ko para sayo. Basta ang alam ko lang gusto kong isulat ito upang ipaabot sayo ang maraming mga bagay sa puso ko at naghahangad na sana ay mabasa mo pa, o kaya naman ay marinig mo pang sinasabi ko. Ate, miss na miss na kita!

Ate Lhen, ang sakit sakit para sa amin, lalo't higit sa iyong pamilya ang iyong pagkawala. Hindi ko lubos maisip at mapaniwalaan na wala ka na talaga. Lagi kong naiimagine ang tawa mo, pagbibiro at pagpupog ng halik sa akin. Yan ang miss na miss ko sa iyo at alam kong maging ang mga iba pa na talaga namang napamahal sa iyo.


Ate, mamimiss ko ang pagtulog katabi mo…

Anung Meroon Sa Teleserye?

Isa sa mga hilig ko ang magmovie marathon... lalo na kapag talagang nasimulan ko nang gawin? naku po! asahan nyo na tuloy tuloy na yan hanggang sa halos hindi ko na napapansin ang oras.  Ewan ko ba kung bakit naging hilig ko ito, dati naman ay hindi ako mahilig manuod kasi impatient ako, pero ngayon... it turns out to be one of my stress relievers. Gayunpaman, sa aking panunuod ay may mga napansin ako sa mga movie series na ito. Sabihin nyo sa akin kung ang mga napansin kong ito ay mga nakita nyo din kung kayo man ay mga fans din ng mga movie series...Hayaan nyong isa-isahin ko ito ayon sa bansang pinagmulan nito.

KOREA-NOVELAS
Wow, korea-novelas! Super fan ako nito... Winter Sonata, Which Star Are You From, Jumong, Stairway to Paradise, The Snow Queen, Endless Love, A Rosy Life at kung anu ano pa.. Napansin ko na ang mga series na ito ay maganda talaga pero may mga times lang na may mga characters na namamatay sa huli. Sad diba? Ang hirap tuloy makamove-on kapag natapos na lahat. Ngun…

Bagong Taon. Bagong Pag-asa

Marami ang tumatakbo sa isip ko nitong mga nakaraang araw. Iniisip ko kung maglilista ako ngayon ng mga resolutions ko na gusto kong matupad at mangyari sa bagong taon. Medyo mahirap para sa akin dahil ginawa ko ito last year pero marami sa listahan ko ang di natupad. Kaya napag-isipan kong ibahin ang sistema ngayon. Mas inisip ko muna yung mga natutunan ko sa nagdaang karanasan para maging mas effective ang nais kong mangyari this year.

Kaya eto na ang bago kong sistema:

Realization #1: Health is wealth!
Resolution: Maging napakaingat sa mga kinakain. Maging disiplanado sa pagpili ng mga pagkain at iprioritize ang kalusugan.

Realization #2: Patience is a virtue.
Resolution: Matutong mas maging mapagpasensya. Iwasang magpadaig sa inis o galit upang maiwasan din ang mga posibleng di pagkakaunawaan sa mga taong nakapaligid sa akin.

Realization #3: God is good all the time!
Resolution: Sa lahat ng naranasan na sakit at tagumpay sa nakaraang taon, nanaitiling tapat ang Panginoon. Ngayon, mas …