Feb 19, 2013

Nag-uumigting na Hangarin

Nitong mga nakaraang araw ay bigla ko na lang naramdaman ang kagustuhan kong maging nanay na din. Kung nung mga nakaraan ay wala pa sa plano ko ang magbuntis ngunit dahil sa operasyon na pinagdaanan ko, isang realisasyon ang dumating. Hindi na dapat pang magpaliguy ligoy pa. Kailangan ko ng maging ina.




Ilan na din kasi sa mga kaibigan ko ang mga happy moms na, at yung ilan ay mga expecting na din, at napakasaya ko para sa kanila. Sa mga status nila sa facebook, nagwonder ako. Kelan kaya na ako naman ang magpost na mga katagang na, "im pregnant!" Sa totoo lang, hindi ko pa ito hinangad right after na ikasal kami ng asawa ko. One year na kami ngayon, going two years by June at sa wakas, nag-uumigting na ang excitement at paghahangad sa puso ko na magkaroon na din ng sarili kong baby. Naiyak pako kahapon sa prayer ko habang hinihiling ko sa Panginoon ang bigyan nya na ako ng baby. Honestly, narealize ko din na ang pagbubuntis ay pinaghahandaan. Lalo ngayon na kailangan ko pa nga ng panahon para gumaling ng husto pagkatapos ng aking operasyon. Ika-anim na Linggo ko ito post-operation. Ayon sa aking OB doctor, we can start trying in 2 months time but I doubt that I need a couple more months to wait in order for my uterus to heal totally. At least 3-6 months para lang ma-avoid ang anumang infection or risks like miscarriage and all. Sabi nga nila, better wait than sorry. After all, I wont risk my health. Magaling ang doctor ko at super iningatan nya ang uterus ko sa operasyon pero sa pakiramdam ko ngayon, hindi pa handa ang katawan ko sa pregnancy. But hopefully, mabilis na lilipas ang panahon para sa time frame naming mag-asawa.

Sa ngayon, pinaghahandaan ko at pinag-aaralan ang katawan ko para sa pagbubuntis. Nagbasa basa ako ng mga helpful articles para malaman kung kelan ang ovulating days ko dahil sa napa-irregular kong menstrual cycle. In this early months kahit di pa kami trying to conceive dahil sa hindi pa pwede, ay may ginagawa na kong hakbang. I feel energized and hopeful for this! At naniniwala akong sa mga susunod na panahon, ang mababasa nyo dito ay updates na ng aking pagbubuntis. Andito na talaga ang hangarin sa puso ko na magkaroon na din ng aming little bundle of joy. And I claim it in Jesus name! At matatawag nyo na din akong, Mommy Ning!

God bless sa inyo! Aking hiling na mai-grant din ang desires ng inyong mga puso. Amen!

*imaheng hiram via google
Photobucket

9 comments:

  1. Wow! Nakakatuwa ng malaman ang iyong desire upang magkaron ng sariling anak. Kami noon ay after 1 yr bago nagtry at 6 mos. pa uli bago ako nabuntis. Oo tama, mas maganda Na ang nag-iingat. Looking forward akong mabasa ang updates mo rito sa iyong blog. Ingat!

    our family

    Heartifying

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow. Sana kmi din pag nagtry na magkaroon agad. Thanks sis sa dalaw at makakasa ka sa updates na yan. Hopefully soon!!!

      Delete
  2. YEHEY! Sana nga po Ate Ning na maging mommy na din kayo kagaya ni Ate KM para masaya! :) Para marami-rami na din ang mga Blogging babies! hehehe

    God bless Ate Ning.

    -Marie. ♥

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oh thanks dear Marie sa support! God bless u too!

      Delete
  3. Hi Ning! Musta na? Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa pagbisita mo sa blog ko. Pangalawa, humihingi ako ng paumanhin dahil sa ilang araw o linggo na walang komunikasyon. Toxic ang schedule ko ngayon Sis. Pati yung Ina, kapatid Anak na teleserye na sinusubaybayan ko eh medyo nalalagpasan na ako ng ilang serye. Wala din ako time mag facebook.

    I don't see anything wrong Ning if you desire na to have a baby. That completes a family and that will complete you as a woman. Go for it, but as you said, wait for your body to completely heal. You need to prepare your body not only for the pregnancy but even after giving birth. I have gone through all that. Dama ko yung hirap lalo na pag maliliit pa mga bata. But to have children earlier is good din kasi mae enjoy mo yung company nila pag malaki na sila just like my case. Para ko na silang barkada ngayon. Kasama sa lahat ng gala and I'm enjoying every bit of it.

    Good Luck dear and I will also pray for your hearts desire. Mwahhh!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga sis. Like ko din yung parang barkada lanng. And yes, im prepared for all the hirP sa pag-aalga ng bata at pagpapalaki. Yayakapin ko lahat ng mga challenges dahil blessing ang mga bata para sakin. Yaan mo, if ever dumating sa time na mahirap, i'll turn to you all my sis for wisdom and encouragement! Miss u sis! Thanks for taking time despite your busy work schedule. Ikaw na talaga!

      Delete
  4. ay naku Obang.. (share ko lang) ganyan din ako noon! ako nga hindi lang sa prayer ko naiiyak. kahit during my normal conversation with Paul!!! Talagang dumating ako sa point na "REALLY ONE TO BE A MOM" pero hindi pa muna binigay ni Lord saken...

    Until the that very moment na nag positive and kit ko. I knew then, it was the right time!!

    Tama ka din, pag handaan mo! kasi malaking battle ang haharapin mo! although andon ang ibang feeling na buntis ka at magkaka-baby na.. iba parin pag handa ka!!

    >> I'll pray for you!!! nothing beats a sincere prayers, at alam kung alam mo yan!! God knows what's best for you!!! because He loves you!!!

    >> sorry, ngayon lang nakadalaw... ngayon lang nag ka time!!

    ReplyDelete
  5. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete
  6. you are really a good webmaster. The web site loading
    speed is amazing. It seems that you're doing any unique trick.
    Also, The contents are masterpiece. you have performed
    a great process in this topic!

    my web site ... how to remove cellulite fast

    ReplyDelete

Magreact ka lang!

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...