Sep 1, 2013

Ang Masasabi Ko sa Pork Barrel Scam

Naiiyak ako sa katotohanang may pag-asa pala talaga ang Pilipinas na umunlad. Ang akala ko talaga mula nung trese anyos lang ako, nung mga panahong lugaw lang na may asin ang kinakain namin na pamilya dahil sa hirap ng buhay; nung mga panahong tinatanong ko ang sarili ko bakit nagkalat ang mga taong lansangan, walang matirhan at mapaliguan man lang; matinding problema sa polusyon, trapiko at kahirapan. Pero mula nang pumutok ang pork barrel scam, na bilyon bilyong piso ang kinakamkam na dapat ay sa magagandang proyekto napupunta! Sinisi ko ang mga politiko na halos lahat yata sila ay nagnanakaw sa mamamayan. Habang lalong akong namumulat, ang bilyon pala na yun ay talagang tayo ang nagbibigay sa knila. Tayong mahihirap na kinukunan ng napakalaking tax mula sa lahat ng ating binibiling pagkain, kagamitan, serbisyo at kung anu ano pa. Isipin nyo na malaki pala talaga ang tax kung titignan ang mga resibo?? Nakakapanggalit! 

Pero ito ang napatunayan ko. Ang pagbabago ay talagang magsisimula sa bawat isa. Dahil hindi lang mga pulitiko ang corrupt kundi kung minsan mga simpleng tao din. Masasabing korapsyon din ang panlalamang sa sobrang singil ng mga sasakyan, tindera, at kung sino pang nagpapalakad ng negosyo. Sa hindi tamang pagbabayad. Sa hindi tamang pagbibigay ng serbisyo ng mga ahensya. Marami! 

Aking hiling na sana, sana dumating ang panahong ang bawat isang Pilipino na nagmamahal na tunay sa bansa at sa kapwa Pilipino ay maging tapat, malinis ang hangarin at may pagmamalasakit. 

Hindi pala pera ang problema ng Pilipinas. Kayang kaya nating umunlad at mapabilang sa mauunlad na bansa kung maayos ang bawat isang Pilipino. 

Aaminin ko, labingwalong taong gulang na ako ngunit ngayon ko lang lubusang naunawaan at namulat sa katotohanan sa tunay na nangyayari sa bansa. At totoong naiiyak ako dahil may pag-asa talaga ang Pilipinas! Meron! Ayokong mawalan ng pag-asa. Ayoko. Dahil umaasa pa din ako na ang mga Pilipino tulad ko sa pangkalahatan ay magsusumikap na magtulungan para sa maganda at maunlad na bansa. 

Natutuwa ako sa naganap na million people march na isinagawa sa maraming lugar maging sa ibang bansa. Katunayan lamang na mahal pa din natin ang bansa at patuloy nating itinataguyod anv pagkakaisa. 

Ngayon, mga pulitiko kayo na kasangkot sa malaganapang pagbubulsa ng kaban ng bansa. Panahon na iwanan nyo ang pwesto nyo. Wala kayong pagmamahal sa bansa! Sarili lang ang naiisip nyo! Hindi kami kailanman magpapaloko pa sa inyo. Lumalabas na ang katotohanan. Wag lang sanang maluto pa!!! 

Feb 19, 2013

Nag-uumigting na Hangarin

Nitong mga nakaraang araw ay bigla ko na lang naramdaman ang kagustuhan kong maging nanay na din. Kung nung mga nakaraan ay wala pa sa plano ko ang magbuntis ngunit dahil sa operasyon na pinagdaanan ko, isang realisasyon ang dumating. Hindi na dapat pang magpaliguy ligoy pa. Kailangan ko ng maging ina.




Ilan na din kasi sa mga kaibigan ko ang mga happy moms na, at yung ilan ay mga expecting na din, at napakasaya ko para sa kanila. Sa mga status nila sa facebook, nagwonder ako. Kelan kaya na ako naman ang magpost na mga katagang na, "im pregnant!" Sa totoo lang, hindi ko pa ito hinangad right after na ikasal kami ng asawa ko. One year na kami ngayon, going two years by June at sa wakas, nag-uumigting na ang excitement at paghahangad sa puso ko na magkaroon na din ng sarili kong baby. Naiyak pako kahapon sa prayer ko habang hinihiling ko sa Panginoon ang bigyan nya na ako ng baby. Honestly, narealize ko din na ang pagbubuntis ay pinaghahandaan. Lalo ngayon na kailangan ko pa nga ng panahon para gumaling ng husto pagkatapos ng aking operasyon. Ika-anim na Linggo ko ito post-operation. Ayon sa aking OB doctor, we can start trying in 2 months time but I doubt that I need a couple more months to wait in order for my uterus to heal totally. At least 3-6 months para lang ma-avoid ang anumang infection or risks like miscarriage and all. Sabi nga nila, better wait than sorry. After all, I wont risk my health. Magaling ang doctor ko at super iningatan nya ang uterus ko sa operasyon pero sa pakiramdam ko ngayon, hindi pa handa ang katawan ko sa pregnancy. But hopefully, mabilis na lilipas ang panahon para sa time frame naming mag-asawa.

Sa ngayon, pinaghahandaan ko at pinag-aaralan ang katawan ko para sa pagbubuntis. Nagbasa basa ako ng mga helpful articles para malaman kung kelan ang ovulating days ko dahil sa napa-irregular kong menstrual cycle. In this early months kahit di pa kami trying to conceive dahil sa hindi pa pwede, ay may ginagawa na kong hakbang. I feel energized and hopeful for this! At naniniwala akong sa mga susunod na panahon, ang mababasa nyo dito ay updates na ng aking pagbubuntis. Andito na talaga ang hangarin sa puso ko na magkaroon na din ng aming little bundle of joy. And I claim it in Jesus name! At matatawag nyo na din akong, Mommy Ning!

God bless sa inyo! Aking hiling na mai-grant din ang desires ng inyong mga puso. Amen!

*imaheng hiram via google
Photobucket

Jan 22, 2013

Repost: Tribute Para sa Miss na Miss kong si Ate Lhen

Bago pa mawala at maburang tuluyan ang mga blog posts ko sa Multiply kaugnay ng pagsasara nito for social networking purposes, nais kong ipreserve ang isa sa mga isinulat ko doon na tunay na nailambag ko mula sa puso. Na kahit hanggang ngayon ay nagpapaiyak pa rin sa akin.

Muli, ilang taon man ay dumaan na, miss na miss talaga kita, Ate Lhen.


Dear Ate Lhen,

Hindi ko alam kung papaano sisimulan itong blog ko para sayo. Basta ang alam ko lang gusto kong isulat ito upang ipaabot sayo ang maraming mga bagay sa puso ko at naghahangad na sana ay mabasa mo pa, o kaya naman ay marinig mo pang sinasabi ko. Ate, miss na miss na kita!

Ate Lhen, ang sakit sakit para sa amin, lalo't higit sa iyong pamilya ang iyong pagkawala. Hindi ko lubos maisip at mapaniwalaan na wala ka na talaga. Lagi kong naiimagine ang tawa mo, pagbibiro at pagpupog ng halik sa akin. Yan ang miss na miss ko sa iyo at alam kong maging ang mga iba pa na talaga namang napamahal sa iyo.


Ate, mamimiss ko ang pagtulog katabi mo pag pinupuntahan kita sa destino mo. Mamimiss ko ang mga pedicure sessions nating dalawa sa gitna ng gabi. Mamimiss ko ang mga payong hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa ding sinasambit mo. Mamimiss ko ang panunuod ng mga reality tv shows kasama ka, dhil lagi tayong may mga reactions na dalawa. Mamimiss ko ang mga pagkaing gustong gusto nating kainin pag sa iyo ako umuuwi. Mamimiss ko ang iyong tawa at halakhak at hampas sa likod o hita ko. Mamimiss ko ang mga invitations mo patungkol sa mga concerts na ating ginagawa. Mamimiss ko ang maganda mong mukha, ang magandang pastor Lhen at ang isang babaing may mataas na pagtingin sa kababaihan.

Alam kong ang mga salitang ito ay mahirap banggitin ngunit nais kong pasalamatan ka sa lahat lahat ng naidulot mo sa akin. Ate Lhen.... sobrang masakit para sa aming lahat na iyong naiwan ang mawala ka. Masakit dahil ang hirap tanggaping wala ka na. Buhay na buhay ka pa din sa aming mga diwa. Ngunit gayon pa man, salamat sa paglaban mo ng humigit dalawang linggo, dahil nagkaroon kami ng pagkakataong makausap ka at masabi ang mga nais naming sabihin nang naririnig mo pa. Ate, hindi ka man nakapagsalita nuon sa hospital ngunit isa nang kapahayagan ang mga luha na lumabas sa iyong mga mata na mahal mo kami at kung maaari lang ay ayaw mong iwan. Salamat dahil kahit alam naming hindi mo na kaya, pinakita mong lumaban ka. Salamat dahil nakilala ka namin at naging bahagi ng aming buhay.

Ate, alam kong nasa tabi ka na ng Panginoon ngayon. Wala ka nang mararamdamang kahit anong sakit ng katawan. Lagi mong alalahaning hindi ka namin kailanman makakalimutan. Isa kang magsisilbing inspirasyon para sa aming lahat. Ang iyong buhay ay isang blessing.

Huwag kang mag-alala dahil lagi naming bibisitahin ang baby mo at kukumustahin si Kuya Mark para sayo.

Sa iyong bagong paglalakbay, umaasam kami na mararanasan mo na ang walang humpay na kaligayahan kasama ang Panginoon. Ihahatid ka na namin sa iyong himlayan sa darating mong kaarawan sa June 2.

Ngayon, hayaan mo muna kaming lahat na nagmamahal sayo na iiyak lahat ng sakit ng iyong pagkawala. Hayaan mo munang damhin namin ang sakit ng pagkawala ng iyong presensya hanggang sa matanggap namin ang katotohanang wala ka na. Napakasakit mawala ang isang tulad mo Ate.

Ate, mahal na mahal kita! I WILL REALLY REALLY MISS YOU! I WILL NEVER FORGET THE THINGS THAT YOU HAVE TOLD ME. THANK YOU FOR BEING MY COUNSELOR AND FOR BEING PART OF THIS JOURNEY CALLED LIFE. WE LOVE YOU. WE ALL LOVE YOU!

Goodbye ATE LHEN! Maligayang paglalakbay sa iyo.....

ISANG PAGPUPUGAY PARA SAYO ATE/PASTOR LHEN ERNI-MCNAY......





Photobucket