Skip to main content

Posts

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo!

My own version of "I'll Be There" by Julie Ann San Jose.
Recent posts

Cheers to Pink Nail Polish

I am loving the fair but windy weather today that I went out for a walk with my daughter and enjoyed our time together. It gave me some sense of peace and relaxation and lifted my spirit as i looked up and captured the beautiful formation of the clouds.

The truth is I was feeling so homesick lately that I even cry myself to sleep at some nights but I know that I'll get better as days go by. My family and I moved here in Taiwan for about 8 months now and I could say that the transition has been a little tough for me. You know what they say, it's never easy to leave your comfort zone. What matters most is that we are complete as a family.

So to cheer myself up, I started it with putting some colors to my gloomy world and Im glad I did! Nakakaganda. Nakakauplift at higit sa lahat nakakahappy! Here's to a brighter and blessed days ahead with my pink nail polish! Thank You Jesus for simple things that gives happiness!

Submitting this entry to Pink Fridays!





Panalangin sa Tula

Aking Panginoon, meron akong mga pangamba. Minsan ay may pagdududa. Ngunit gusto ko pong matigil ito. Dahil sabi sa iyong Salita ay Believe. Tulungan nyo po ako Panginoon. Ayokong manatiling nakakulong sa mga diwang hindi naaayon sa iyong salita. Sa mga mapanlinlang na paniniwala ngunit nakakasira. Paano po Panginoon ako magsisimula? Nais kong lumakad sa landas na ikaw ang may gawa. Hindi ko kailanman nais mapalayo sayo. Kaya ako po Panginoon ay hanguin mo. 
May mga pangyayari na sa mundo na kailanman ay diko inakala. Kung noon ay mahigpit na lihim ang kadiliman ngunit ngayo'y buyangyang na. Hindi na nga lingid sa paningin ng lahat. Kung kaya marami na rin ang tumatanggap sa maling ginawang dapat. 
O Diyos tulungan mo po kaming sumunod sa Iyo. Sa tahaking hindi magpapahamak at tutuwid kung sakali'y kami'y lumiko. Nakakatakot na mapahiwalay sayo Panginoon. Ang hangarin lamang ay makasama ka habang panahon. 
Kaya ngayon Ama, dalangin ko ang Iyong pagsama. Banal na Espiritu an…

Taiwan Vacation 2014: Sis-in-Law's Wedding

Hello mga blogkada. Mas minabuti ko na lang na i-blog ang mga karanasan dito sa sa Taiwan. Bakasyon galore para sa taong ito. Umalis kami sa Pilipinas noong May 14 at dumating nang matiwasay at safe. 
Hayaan nyong ang mga pictures na ito ang magsalaysay ng aming journey from the first day. Ito ay para sa mga nag-aabang ng update para naman mapasaya ko na sila. Wag mag-alala dahil di katulad nung mga nakaraang taon, wala na akong sori na hindi nakapagpost ng pictures. Hahaha. 
Preparasyon para sa malakihang wedding reception: 






Abangan ang mga susunod na kaganapan!


Vivid Dreams O Freaking Nightmare?

Wow! Ang tagal na panahon na pala mula nung huli akong nagsulat dito. Pasensya na kayo mga blogkada, sadyang may mga panahon na kailangan nating huminto sa mga nakasanayan nating gawin upang pagtuunan ng pansin ang mga mas mahahalagang bagay sa ating buhay. Pero, anu't ano pa man, eto na naman ang inyong lingkod para muling magbalik kwento sa kanyang buhay buhay at karanasan nung mga panahong sya'y pansamantalang nawala.

Ano nga ba ang mga kaganapan sa akin?

Unang una, kung naaalala ninyo ung post ko na kasalukuyan pa akong nangangarap at nananalangin na magkaroon na ng baby, guess what?? Oo, tama ka. Ako nga'y buntis na! Ipinagkaloob na din sa wakas ng Panginoon ang aking kahilingan.. ;)

Sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na may isang mumunting buhay na namumuo sa aking sinapupunan. Maraming masasayang thoughts ang naglalakbay sa isip ko mula nung dumating sya ngunit meron din namang mga pag-aalala. Siguro talagang normal yun lalo na at first ti…

Ang Masasabi Ko sa Pork Barrel Scam

Naiiyak ako sa katotohanang may pag-asa pala talaga ang Pilipinas na umunlad. Ang akala ko talaga mula nung trese anyos lang ako, nung mga panahong lugaw lang na may asin ang kinakain namin na pamilya dahil sa hirap ng buhay; nung mga panahong tinatanong ko ang sarili ko bakit nagkalat ang mga taong lansangan, walang matirhan at mapaliguan man lang; matinding problema sa polusyon, trapiko at kahirapan. Pero mula nang pumutok ang pork barrel scam, na bilyon bilyong piso ang kinakamkam na dapat ay sa magagandang proyekto napupunta! Sinisi ko ang mga politiko na halos lahat yata sila ay nagnanakaw sa mamamayan. Habang lalong akong namumulat, ang bilyon pala na yun ay talagang tayo ang nagbibigay sa knila. Tayong mahihirap na kinukunan ng napakalaking tax mula sa lahat ng ating binibiling pagkain, kagamitan, serbisyo at kung anu ano pa. Isipin nyo na malaki pala talaga ang tax kung titignan ang mga resibo?? Nakakapanggalit! 
Pero ito ang napatunayan ko. Ang pagbabago ay talagang magsisimul…

Nag-uumigting na Hangarin

Nitong mga nakaraang araw ay bigla ko na lang naramdaman ang kagustuhan kong maging nanay na din. Kung nung mga nakaraan ay wala pa sa plano ko ang magbuntis ngunit dahil sa operasyon na pinagdaanan ko, isang realisasyon ang dumating. Hindi na dapat pang magpaliguy ligoy pa. Kailangan ko ng maging ina.




Ilan na din kasi sa mga kaibigan ko ang mga happy moms na, at yung ilan ay mga expecting na din, at napakasaya ko para sa kanila. Sa mga status nila sa facebook, nagwonder ako. Kelan kaya na ako naman ang magpost na mga katagang na, "im pregnant!" Sa totoo lang, hindi ko pa ito hinangad right after na ikasal kami ng asawa ko. One year na kami ngayon, going two years by June at sa wakas, nag-uumigting na ang excitement at paghahangad sa puso ko na magkaroon na din ng sarili kong baby. Naiyak pako kahapon sa prayer ko habang hinihiling ko sa Panginoon ang bigyan nya na ako ng baby. Honestly, narealize ko din na ang pagbubuntis ay pinaghahandaan. Lalo ngayon na kailangan ko pa nga…