Feb 15, 2016

Panalangin sa Tula

Aking Panginoon, meron akong mga pangamba. Minsan ay may pagdududa. Ngunit gusto ko pong matigil ito. Dahil sabi sa iyong Salita ay Believe. Tulungan nyo po ako Panginoon. Ayokong manatiling nakakulong sa mga diwang hindi naaayon sa iyong salita. Sa mga mapanlinlang na paniniwala ngunit nakakasira. Paano po Panginoon ako magsisimula? Nais kong lumakad sa landas na ikaw ang may gawa. Hindi ko kailanman nais mapalayo sayo. Kaya ako po Panginoon ay hanguin mo. 

May mga pangyayari na sa mundo na kailanman ay diko inakala. Kung noon ay mahigpit na lihim ang kadiliman ngunit ngayo'y buyangyang na. Hindi na nga lingid sa paningin ng lahat. Kung kaya marami na rin ang tumatanggap sa maling ginawang dapat. 

O Diyos tulungan mo po kaming sumunod sa Iyo. Sa tahaking hindi magpapahamak at tutuwid kung sakali'y kami'y lumiko. Nakakatakot na mapahiwalay sayo Panginoon. Ang hangarin lamang ay makasama ka habang panahon. 

Kaya ngayon Ama, dalangin ko ang Iyong pagsama. Banal na Espiritu ang magdikta upang di mapariwara sa mundong punong puno ng ikakasira. Mapalalim nawa ang relasyon meron ako at Ikaw aking Diyos. Panalangin at Bibliya'y yayakapin ng lubos. At ihanda ang kaluluwa ko sa pagharap sa Iyo Panginoon. Na alam kong ang pagdating mo'y unti unting napapanahon. Mahal na mahal Kita aking Panginoon. Amen!

Photobucket

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...