Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2014

Vivid Dreams O Freaking Nightmare?

Wow! Ang tagal na panahon na pala mula nung huli akong nagsulat dito. Pasensya na kayo mga blogkada, sadyang may mga panahon na kailangan nating huminto sa mga nakasanayan nating gawin upang pagtuunan ng pansin ang mga mas mahahalagang bagay sa ating buhay. Pero, anu't ano pa man, eto na naman ang inyong lingkod para muling magbalik kwento sa kanyang buhay buhay at karanasan nung mga panahong sya'y pansamantalang nawala.

Ano nga ba ang mga kaganapan sa akin?

Unang una, kung naaalala ninyo ung post ko na kasalukuyan pa akong nangangarap at nananalangin na magkaroon na ng baby, guess what?? Oo, tama ka. Ako nga'y buntis na! Ipinagkaloob na din sa wakas ng Panginoon ang aking kahilingan.. ;)

Sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na may isang mumunting buhay na namumuo sa aking sinapupunan. Maraming masasayang thoughts ang naglalakbay sa isip ko mula nung dumating sya ngunit meron din namang mga pag-aalala. Siguro talagang normal yun lalo na at first ti…