Jan 25, 2013

Mga Kaibigang Tapat At Mapagmahal


Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ng mga kaibigang alam mong nariyan para sayo sa hirap at ginhawa. Sila yung mga taong tunay na mag-aalay ng oras at panahon na kailangan mo sila.

 Ito ay napatunayan ko nang sa unang pagkakataon ay maospital ako may dalawang Linggo na rin ang nakakaraan. Laking pasasalamat ko sa Panginoon ang pagsama Nya sakin at naging matagumpay at smooth ang operasyon ko due to myoma. Hindi ko man nakita ang ilan sa mga naunang bumisita sa akin nang ako'y nasa operating room pa kaya wala silang picture sa post na ito. Gayunpaman, lubos lubos ang pasasalamat ko sa kanilang lahat na dumating para sa akin.

mga kaibigan for all season

ang mag-asawang halos kapatid ko na

ang aking piano teacher nuon na isa na sa pinakamalalapit sa puso ko

At ang tunay na nagpasaya sakin ay ang inaasahang pagkikita namin ni Papaleng at Lainy sa pinakaunang pagkakataon! Wagas ang mga halakhak ng sila'y dumating. Hindi ko lubos akalain na di pala talaga drawing ang mga bloggers na nameet ko sa internet. Haha. Lalot di ko akalain na napaka-cool ni Papaleng sa totoong buhay compared sa serious image nya online. Gayundin si Lainy na cute (pati sa height hehe) at masayang masayang at excited sa nalalapit nyang kasal. It was really great to have finally met you!

Hindi man ideal na sa ospital tayo nagkatagpo pero you made my day. Gayundin ang pasasalamat ko sa lahat sa inyo na mga blogpals ko na di nakalimot palakasin ang loob ko at mag-extend ng pagmamahal din. Ramdam na ramdam ko ang care at concern kaya love na love ko kayo. :)

At higit sa lahat, nag-uumapaw ang pasasalamat ko sa dalawang ito. Ang pinakamamahal kong asawa at bunsong kapatid na tunay na di ako iniwan hanggang ngayon na isinusulat ko ang post na ito. Salamat sa pagod nyo at pagmamahal. Patuloy ang aking recovery dahil sa inyo.
You are all blessings to me from God!

12 comments:

  1. swerte mo talaga sa kanila.

    God bless :)

    ReplyDelete
  2. siempre kahit andito ao sa work habang nagbabasa mag co-comment pa rin ako ng patago..hahah...
    hello ateng! at akoy na happy naman at ika'y okey na..ang inggit much kasi nakita mo na ang ibang blogpals natin in person..hahaha..natawa ako dun sa hindi pala drawing yung mga bloggers na nakakasalamuha mo online..and happy that your okey now..pagaling ka ng bongga ha! mwah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha. Buti naman at nakadalaw ka kulot. Salamuch!

      Delete
  3. Get well soon Teh!

    Ikaw nga ay isang pinagpala dahil halata sa dami ng kaibigan mo kung gaano ka kabuting tao. Napaka sweet naman at thoughtful ng iyong kapatid at lalong-lalo na si hubby mo.

    Nandito lang kami lagi para sa iyo. Mwah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natouch ako teh! Salamat. Tumagos sa puso ko ang last line mo

      Delete
  4. ayus, nakadalaw din ako dito. namiss ko na ang tagalog na blog mo, rona. pagaling kang mabuti, ha?

    ReplyDelete
  5. Salamat mai. Yes. Nagpapagaling talaga ng bongga.

    ReplyDelete
  6. Should I make my statement in English for the benefit of your foreign friends. Naku nosebleed naman ako rito. Hindi ako naniniwala sa 'coincidence'ek-ek. I beleive na ang pagkikita natin ay kagustuhan ni Lord. Kung masaya kang nakita ako, ganun din ang pakiramdam ko noong araw na iyon. Next time na mag-meet tayo sa PCU campus naman. LOL Cheers and God bless my precious friend. MHUAH!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige Papaleng. Magkita tayo sa PCU. Kaya lang sa anong event? hehe. O sige basta magkita pagka may time. Of course naman kagustuhan yun ni Lord na magkita tayo kaya nga ba haping hapi ako. See you again soo Papaleng!

      Delete
  7. Naku huli na ako dito ano? Pero habol pa din diba? Pansin ko nga na tunay na napakarami mong kaibigan at pamilyang nagmamahal sayo. Nadagdagan pa ng mga taong na meet mo sa mundo ng blogalandia. hehe.

    Dapat ka lang naman mahalin Ning kasi tunay na napakabuti ng iyong puso a tapat kang naglilingkod ke Lord. Ako man ay mapalad kasi di man kita nakita pa in person, dito sa puso ko, na meet na kita. :) Pagaling ka ha. Kailangan namin ng tagapag patawa. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow. Touched ako super! Lumaki ang puso ko dahil sa sinabi mo. ;) maraming salamat sis. Alam kong nandyan ka palagi para sakin. At kami din para sayo. Tunay nga na ang pagkakaibigan natin ay worth to keep!

      Delete

Magreact ka lang!

A Song for my Blog Friends

Hello mga teh! Isang awit ang alay ko sa inyo. Namiss ko na kayo e. Sana'y magustuhan nyo! My own version of "I'll Be There...